Chapter VII

20 0 0
                                    

Dahil sa mga nangyayari sa lovelife ko, katulad ng iba ay hindi na rin ako naniwala sa forever. Lahat ng relasyon may hangganan at kahit pa ilang taon kayong mag karelasyon ay maghihiwalay din kayo sa huli.
Ngunit ang paniniwalang ito ay nakalimutan ko na naman nang makita ko Anthony. Kaopisina ko din siya at magkalapit lang kami ng upuan.
Oo, siya si Anthony. Muli nyang pinatibok ang natutulog kong puso. Gwapo. Matangos ang ilong. Kissable lips. Registered nurse. Mabait, cute at malambot??? Oo malambot si Anthony at hindi katulad ni Jessie na lalaking lalaki kung umasta. Nananalaytay sa ugat nito ang berdeng dugo. Ngunit naniniwala akong hindi pa ito full pledge.
Siya ang dahilan kung bakit ang librong ito. Ang dahilan ng akibg unang incentive. Siya ang dahilan ng pagpasok ko ng maaga sa opisina maging ang pag uwi ko ng late gusto ko pa siyang makita bago ako umuwi. Siya din ang dahilan ng aking kagandahan.
Wala akong alam kay Anthony maliban sa limang pares ng sapatos nito na palagi niyang isinusuot sa buong linggo maging ang kanyang mga jacket at t-shirts. Saulo ko din ang breaks and lunches schedule nito araw-araw. Nakatanim din sa isip ko ang paraan niya ng pag upo kapag nababagot o kapag seryoso. Paraan ng pagngiti, pagtawa, pagkain ng tinapay na binili niya mula sa kambal pandesal. Paglalagay niya ng tubig sa tumbler bago ang duty, kapag break time at matapos ang lunch break nito. Nakatatak pa rin sa isip ko kung papaano siya nakikipagkwentuhan, makipaghalakhakan at makipaglandian sa mga kaibigan nito.
Pero kahit mas malandi pa siya sa akin siya pa rin ang Poreber ko.
Poreber ang itinatawag ko kay Anthony dahil hindi na ako naniniwala sa forever at sa paggamit ko ng poreber ay baka sakaling magkaroon ng forever. Baka sakaling magkagusto siya sa akin, magpapakasal kami, magkakaroon ng anak at magsasama kami forever!

Si PoreberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon