Kabanata 2

7 3 0
                                        


Kabanata 2


Groupings


"Tang ina naman!" 


Napalingon ako sa sobrang lakas ng sigaw ni Jake. Inaasar siya nila Leo dahil sa gupit niya.


"Hoy! Ang ingay niyo na naman ah," saway ko dahil naka upo ako gitna, sa teachers table. Dito na talaga ako nag susulat para makita kung sino ang maiingay dahil nililista ko sila, bawas 'yun ng points sa quiz. Nililipat ko rin ang slides ng presentation dahil sinusulat namin.


"Boys at the back!" sigaw ni Shaira kila Leo, Josh, at Dave. 


Hindi kasi pumasok ang teacher namin ngayon dahil may meeting daw sila ngayon sa baba. May iniwan naman na ipapagawa sa amin at bilang president ng klaseng ito, ako ang mag babantay. 


"Tapos na ba kayo? Lilipat ko na-"


"Wait lang!" sabi ni Zj. Kanina pa siya nakikipag daldalan kila Gabriel. Dapat nga 2 minutes lang ang itatagal ng isang presentation e. 


"Ang ingay niyo kasi, mag sulat lang kayo nang tahimik para mabilis kayong matapos," saad ko at agad na nilipat ang presentation. "Kumopya ka na lang sa katabi mo." 


Tinawanan siya ni Mira at nila Bea. 


Inuuna kasi nila ang pag iingay imbes na mag sulat sila. 


"Hindi nga nag susulat si Gab!" sumbong ni Mira habang sinisilip ang notebook ni Gab. 


Kaya pala ang bilis niyang matapos, hindi pala siya nag susulat. 


"Iche-check ko 'yan mamaya ah. Mag sulat kayo," nag highlight ako sa sulat ko.


Tumawa sila Rille at ang the boys at the back. 


"Kupal ka ah, yari ka mamaya," rinig kong sabi ni Rille kay Gab kaya napilitan itong mag sulat.


Ang maganda lang sa pagiging president, nasusunod 'yung gusto mo. Kumbaga may advantage ako para gawin ang gusto kong gawin na walang mag sasaway sa akin. 


So unfair, right? 


Wala na naman kaming teacher sa sunod na subject kaya nag check muna ako ng mga sulat nila. Pumila sila sa harap ko habang dala nila ang mga notebook nila sa T.L.E. Ako na raw ang bahalang mag check sabi ni Ma'am kaya may basbas akong i-check ang mga gawa nila. 


"Ano 'to? Ang pangit naman ng sulat mo," puna ko sa sulat ni Leo na parang kinalkal ng manok dahil sa gulo ng sulat niya. 


"Kompleto 'yan kahit gan'yan 'yan," aniya at siya na mismo ang nag lipat sa iba pa niyang nasulat. 


"Ako na ang mag lilipat," sabi ko at kinuha ang notebook niya. Tinignan kong mabuti. "Ano 'to? Hindi kompleto, isang sentence lang sinulat mo? Isang paragraph 'yun ah," binalik ko ang notebook niya. 

Chasing SunsetWhere stories live. Discover now