Kabanata 1

17 3 0
                                        

Kabanata 1


Classmate


Nagka-tinginan kami at hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti ko dahil sa kilig na nararamdaman. 


"Ngayon na ba natin gagawin 'yun?" tanong ko sa kaniya. Nakita kong pumula ang kaniyang tainga at ang pagkamot niya sa kaniyang batok. 


"Ang alin?" maang-maangan ngunit nagpipigil ng ngisi. 


"Yung ano..."


Tinitigan kong maigi ang malambot at mapula niyang labi. 


Napalunok ako. 


"Ano bang date ngayon?" tanong niya kaya agaran ang pagtingin ko sa cellphone ko para sa date ngayon. 


"March 25?" patanong na sabi ko, nag tataka kung bakit niya natanong. 


Mas lalo siyang lumapit sa akin, para bang hindi pa sapat ang lapit naming dalawa. 


"Pumikit ka," aniya habang inilalapit ang mukha sa akin. Naamoy ko ang mabango niyang hininga na tumatama sa gilid ng aking labi.


Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at nginuso ang labi. 


"Gumising ka na riyan 'nak..." naalimpungatan ako sa tinig ni Mama. 


Hindi ko na halos maalala kung ano ang sunod na nangyari pagkatapos kong pumikit. 


"Shet! Panaginip lang ba 'yun?" nasapo ko ang sariling noo. Gumising na ako ng tuluyan at dumiretso agad sa banyo para mag hilamos ng mukha. 


Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin. Inaalala kung totoo ba ang nangyari. 


"Nandoon na e!" gigil akong nag hilamos at nag mumog. 


Badtrip na naman ako, lunes na lunes e. 


Kumain muna ako kahit na tulala ako. Napansin nga ni Mama 'yun pero wala naman akong sinabi kaya tumigil na rin siya kakatanong kung bakit nakatulala lang ako. 


Wala ako sa mood para mag second rice pa kahit na favorite ko ang ulam na niluto ni Mama. Tocino pa naman, sayang talaga. 


Mamayang pag-uwi ko na lang siguro. 


"Aalis na ako, Ma!" paalam ko. Umalis na ako agad dahil malalate na naman ako.


Dinaanan ko si Mira sa bahay nila. Malapit lang naman kasi siya sa bahay, nasa likod lang ng street namin ang street nila kaya palagi ko na siyang dinadaanan kapag papasok ako. 


"Mira! Dalian mo! Ang init!" sigaw ko sa labas ng gate nila. Sumungaw ang ulo niya sa balcony nila, may tuwalya pa talaga sa ulo. 

Chasing SunsetWhere stories live. Discover now