Kabanata 4

5 2 0
                                        


Kabanata 4


Ulan


"Kasama pa ba ang magulang kapag nag-enroll?" 


Tinignan ko si Mira habang nag-aayos siya sa harapan ng salamin nila. 


"Kahit hindi naman na, malaki ka naman na." 


Nagkatinginan kami sa salamin at inirapan niya ako. Natawa ako sa inakto niya. 


"Ang bilis ng panahon..."


"Hindi mo lang talaga namamalayan pero umuusad ka na. Grade 8 na agad tayo, sunod niyan may anak na tayo." 


Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya o sisimangutan ko siya. Ayaw ko pang magka-anak ano. Gusto niya na ba agad na maging tita?


"Wala pa 'yan sa mga iniisip ko, tange," tanging nasabi ko na lang. 


Tumayo na ako para simulan nang ayusin ang buhok ko. Ang bagal kasi niyang maligo, ngayon ay nag mamake-up na siya. Hindi ko magamit ang salamin nila dahil ginagamit niya. 


Ngayon kasi gaganapin ang closing party namin, alas dose ang umpisa hanggang alas 5. Friday ngayon at next week ay wala na kaming pasok, tanging enrollment na lang talaga ang gagawin namin. 


Simple lang ang suot ko, naka faded jeans at fitted top na puti. Hinayaan ko na lamang na naka lugay ang buhok ko para bumagay sa akin ang micro bangs ko na kakagupit ko lang kagabi dahil sa boring ako. 


Naka baggy pants naman si Mira at black top. Nakalugay din ang buhok niya pati na rin ang kaniyang micro bangs na kanina niya pa sinusuklay. 


"Dalian mo 'te bibili pa tayo ng 1.5 coke," sabi ko sa kaniya. Dapat ay maaga kami dahil ako ang mag-aayos ng mga pagkain pero nandoon naman na sila Shaira kaya ayos naman na malate ako kahit na konti. 


Ambagan ang naganap para sa closing party namin at kami na ang bahala ni Mira sa mga inumin at mga paper cups and paper plates. Mas mura kasi 'yun kaya ayun ang kinuha namin ni Mira. 


"Bibili pa ba tayo ng cube ice?" tanong niya sa akin. 


"Siguro? Mas masarap kapag malamig e," saad ko. 


Bumili kami sa malapit na mall sa bahay nila bago kami dumiretso sa school dahil may magpe-perform sa stage bago kami tuluyan na umakyat para ganapin ang closing party. 


"Eyo!" nilingon ko si Daniel na tinawag ang pangalan ko mula sa second floor, naka dungaw siya sa akin at malaki ang ngiti. 


Kumaway ako sa kaniya at nginitian din siya. 


"Punta ka sa amin!" aya niya. 


"Sige lang! Mamaya ako punta sa inyo," sabi ko at iniwan siya roon para umakyat na. 

Chasing SunsetWhere stories live. Discover now