Kabanata 5
Picnic
Time flies so fast that you don't even notice what's happening around you. Parang naka time lapse lang sa sobrang bilis.
Wala na talaga kaming pasok pagkatapos ng closing party. Naghihintay na lang ng update sa page ng school para sa schedule ng enrollment.
I look up at the sky while thinking about many things. Nasa labas lang ako ng bahay namin dahil bawal naman akong gumala, malapit na kasing lumubog ang araw.
Sinipa ko ang maliit na bato sa aking harapan. Kung iisipin kong mabuti, parang ayaw ko nang mag-aral, gusto ko na agad mag-trabaho.
Palaging sinasabi ng mga magulang ko na mag-aral akong mabuti, pero paano kung hindi ako nakapag tapos? Saan ako pupulutin? Mahirap lang kami, sabay sabay kami ng mga kapatid ko na pinag-aaral ng mga magulang ko.
College naman na si Kuya at ngayong taon na rin siya gragraduate kaya makakatulong din siya kila Mama at Papa. Mahal kaya ang tuition niya...
"Ate! Tawag ka ni Mama!" rinig ko ang boses ng nakababata kong kapatid mula sa loob ng gate ng bahay namin.
Pumasok na agad ako para puntahan siya.
"Bakit daw?" tanong ko kay Chelsea na ngayon ay naka nguso habang naka angat ang paningin sa akin.
"Mag saing ka na raw... darating na si Papa..." aniya. Tatlong taon lang ang agwat naming dalawa kaya mas close ko siya kay'sa kila Kuya.
"Naghugas ka na ba ng pinggan doon?"
Tumango lamang siya at nginisihan ako, "'Kala mo ah..."
Tumawa ako at nilagpasan siya.
Nagsaing na ako bago pa lamang umuwi si Papa, gawain ko na talaga ito kaya perfect na ang sinasaing ko.
"Ma, anong ulam natin? Mag luto na ba ako ng itlog?" binuksan ko ang kalan at nilapag agad ang kaldero roon. Wala kaming rice cooker, mahal din bayarin sa kuryente kaya mas maiging ganito na lang.
"May dala yata ang Papa mo..." sabi ni Mama.
"Manok? Baka magkaka-pakpak na tayo sa manok na 'yan, Ma," tumawa ako, lumapit ako sa kaniya at tumabi.
"Bangus yata, inihaw..." pati rin siya ay natawa. Palagi na kasing manok ang ulam namin nitong nagdaan na mga araw.
"Ayun! Naiba rin," sambit ko.
Pagkatapos maluto ng sinaing ko ay nag prito na ako ng itlog para sa ulam namin. Hindi na umuuwi rito si Kuya sa bahay kaya lima lang ang niluluto kong itlog at sinasaing ko para walang masayang.
YOU ARE READING
Chasing Sunset
RomanceChasing Sunset (CLS #1) Eyo wants to end her day with a beautiful memories. Even it's a bad day to her, she wants to watch sunset to feel better. She always remind her self that if it's over or done, there are still good memories left behind. Ngun...
