Simula

23 3 2
                                        

Simula 


Reunion 


"Eyo! Dalian mo riyan!" rinig ko ang boses ng kaibigan ko mula sa labas ng banyo. Saglit kong pinatay ang shower para pakinggan pa ang mga sinasabi niya. "Ikaw ang nag sabi na alas 6 ang meet up! Anong oras na oh!"


"Saglit lang! Mga late rin naman ang mga 'yun! Hindi ka pa nasanay," saad ko, binuksan ko ulit ang shower at hindi ko na narinig ang sigaw niya dahil natabunan na ng lakas ng agos ng tubig galing sa shower. 


Kinuskos kong mabuti ang buong katawan ko hanggang sa pinaka kasuluk-sulukan ng ibang bahagi ng aking katawan. Ginamit ko ang mahal na body soap ko na kakabili lang kahapon. Pati na rin ang shampoo na muntik ko nang hindi mabili dahil sa mahal na presyo nito. 


Kuripot 'man ako pero minsanan lang naman na mangyayari ito sa buong buhay ko kaya pinagbigyan ko na. 


May agenda kami ngayon, lahat ng mga meeting na dadaluhan ko sana ay cinancel ko na. Gano'n din si Mira kahit na may importante siyang pupuntahan ngayon. 


Ngayon lang kami magkakaroon ng reunion, sa tagal na nag plano kami, ngayon lang matutuloy kung kailan may trabaho na kami at busy na sa mga kan'ya kan'yang buhay. 


Patapos na ako nang kumatok na mula sa pintuan ng banyo si Mira. Busangot na ang mukha niya at halata na ang pagka bagot sa paghihintay sa akin.


Tumawa ako at tsaka siya nilagpasan. Nagpatuyo muna ako ng buhok gamit ang blower habang sinasabayan ang kanta na mula sa playlist ko. 


"Letche! Naiimagine ko na talaga ang mangyayari!" sigaw ko nang tumugtog ang Iris mula sa speaker. 


Sobrang kalat ng kwarto dahil nag aayos kaming dalawa ni MIra. Nauna na akong mag bihis at sabay na kaming nag make-up pagkatapos niyang maligo. 


"Kinakabahan ka ba?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin sa salamin. Nag lalagay siya ng foundation sa mukha niya. 


Umirap ako. "Hindi 'no! Wala na akong pake kung sakali 'man na pumunta sila roon." saad ko at tinuloy ang pagmamake up. Natawa siya sa sinabi ko.


Bakit ako kakabahan? Matagal na simula noong nangyari 'yun. 


"Sus! Ba't ka nag iimagine na may magaganap sa inyo mamaya-"


"Tang inis ka! Baka ikaw 'yun! Hindi na ako affected 'no!" tumawa lang siya at umiling-iling, hindi pinatulan ang sinabi ko. 


Mahigit ilang taon na ang nakakalipas, wala na sa akin 'yun. Hindi ko na iniisip, limot ko na. 


Talaga ba?


"Bwisit talaga," bulong-bulong ko. Tinitignan ko ang sarili ko sa body mirror. 


Naka white fitted top ako na sleeve-less at black bootcut trouser sa pang ibaba na nilagyan ko lang ng belt para hindi mas'yadong plain, for my heels, I wear black elegant kitten heels. And I put my gold accessories na minsan ko lang isuot kapag may important event ako. 

Chasing SunsetWhere stories live. Discover now