Kabanata 3

6 2 0
                                        


Kabanata 3


Last Quarter


Nagpatuloy ang pag gawa ko ng script habang nagkukulitan silang apat sa harapan ko. Apat silang tumulong sa pagluto ng pancit cantoon at ang paghahanda ng mga pinggan na pagkakainan namin. 


Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa ginagawa nila o maging thankful na lang dahil hindi ako magugutom habang gumagawa ng script namin. 


Akala ko tutulungan ako ni Mira sa part na ito pero heto't siya, umiinom ng coke habang nakikipag tawanan kila Zj. 


Yari ka sa akin talaga...


"Kain na, Eyo," lumapit si Rille sa akin dala ang platong may pancit cantoon. 


Nang tignan ko ang laman ay nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang dami ng pancit cantoon doon. 


Ilang piraso ba ang nilagay nila dito at ganito karami?


"Ang dami naman," reklamo ko, hindi kinuha ang plato sa kamay niya. Sa isang kamay niya naman ay may hawak siyang isang baso na may laman na royal.


Royal...


Sa pagkakaalam ko ay Mira lang ang nakaka-alam ng paborito kong inumin ah. Pinagsawalang bahala ko na lamang ang sariling iniisip. 


"Kung hindi mo maubos, ayos lang naman. Ako na ang uubos."


Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hindi na rin ako nag inarte pa. Kinuha ko na ang pagkain at ang inumin ko bago magpatuloy sa ginagawa. 


Tumabi siya sa akin habang binabasa ang mga nilalagay ko. Laptop ko ang gamit niya dahil wala naman ako nu'n, pinahiram naman niya at siya ang nag insist na ipahiram kahit na sinabi kong 'wag na dahil pup'wede naman itong i-type sa cellphone lang. 


Script muna ang gagawin namin ngayon at kapag natapos na ay tsaka lang kami magvi-video. Si Mira ang mag-e-edit ng video. Ang ambag lang ng tatlo ay ang pagkain at ang pag-arte nila nang maayos. 


Tinulungan ako ni Rille kung ano pa ang ilalagay ko sa script namin. At kapag namamali ako ng type, siya ang nagtu-turo nito sa akin. 


Ayos na rin, may ambag na agad. Siya lang yata ang gumastos ng pagkain namin. 


Dapat lang...


Ala una na nang matapos ko ang script namin. Pinalapit ko sila sa banda ko para sabihin sa kanila kung ano ang mga gagawin nila. Kung ano ang ganap at script nila. Madali lang naman ang script na ginawa ko, hindi ko na ginawa pang komplikado ang script namin para mabilis kaming matapos. 


"Hindi tatagal ng limang minuto ang bidyo natin, ayusin niyo na lang para hindi na mag-second take," paalala ko, nagsi-tanguan sila habang binabasa sa kani-kaniya nilang cellphone ang sinend ko sa group chat namin. 

Chasing SunsetWhere stories live. Discover now