Chapter 48

2.4K 103 4
                                    


Dedicated to her kasi siya yung bagong character dito :"> ♥

--

SHAIRA's POV 


 Nakatanggap ako ng text galing kay Drake kaninang umaga, sinabi niya na gusto niyang mag-usap kami ngayon. Pumayag na din ako dahil ayoko na rin talagang patagalin pa. Dahil kung papatagalin ko 'to mas lalo ko siyang masasaktan, at gusto na din namin ni Ethan na maging malaya sa mga kilos namin at wala ng iisipin pa na may masasaktang iba. 


 Late na ako ng makarating sa Coffee shop kung saan kami magkikita, hinanap ng mata ko si Drake at agad ko naman siyang nakita na nakapwesto sa dulo katabi ng glass window. 


 "Im sorry, napag-antay ba kita ng matagal?" tanong ko at hinila ang bakanteng upuan para makaupo. 

 "No, kakarating ko lang din." saad niya. 

"So, anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko sa kanya. Nakatingin sakin ang pares ng mga mata niya, nakita ko doon na malungkot sya at the same time kinakabahan. Hinawakan niya yung kamay ko. 

"Im really sorry Shaira, alam ko na nabawasan na yung tiwala mo sakin because i lied to you. Hindi ko naman gusto magsinungaling pero i don't have a choice. Im sorry." paliwanag niya, ilang beses na siyang nagpaliwanag sakin and im done with it. Mukhang mali ata ako na ako ang nagtanong sa kanya ng dapat pag-usapan. Ako pala dapat ang may sasabihin sa kanya. 

Binawi ko yung kamay ko na hawak niya, ewan ko ba simula nung magkaintindihan na kami ni Ethan ay nawalan na talaga ako ng Amor sa kanya. 

"Drake, may sasabihin akong importante at sana.. Maintindihan mo ako." ani ko habang nakatingin sa mata niya. 


 "Me and Eth--" 


"Oh sorry Drake! Nalate ako." napatigil ako sa pagsalita ng may babae na parang kabute na sumulpot bigla. Napakunot ang noo ko dahil ito ang unang pagkakataon na makita ko siya. 


"So you must be Shaira right? Anyway, Im Fritzie. Fritzie Pampilon. Drake's childhood bestfriend. Nice to meet you." may kaartehan na sabi niya habang nakalahad ang kamay niya, kung mataray lang ako baka napagtaasan ko na siya ng kilay pano ba naman kung susuriin mo siya ay parang plastik ang dating niya sa akin. Hindi na pala parang, dahil plastik talaga siya. Babae ako and i feel it. Tinignan ko ang kamay niya kung aabutin ko ba yon' pero dahil edukadang tao ako ay inabot ko yun at nakipag-shake hand sa kanya. 

Umupo siya sa tabi ni Drake at inilapag ang bag niya sa tabi niya. Nagulat ako ng kumuha siya ng Alcohol at nag-spray sa palad niya. 

 "What are you doing Fritz?" tanong ni Drake sa kanya na halatang nainis sa akto niya. 

 "Naglalagay ng alcohol, bakit?" pilosopo niyang sagot, jusko po. Pigilan niyo ako baka masabunutan ko to! Siya ang nakipag-shake hands sa akin at sya pa may lakas ng loob lagyan ng alcohol ang ipinang-hawak niya sakin? Ako dapat ang maglagay non' dahil baka mahawaan ako ng pagka-brat niya. 

"Stop doing bratty things, Fritz." inis na saad ni Drake. 

"Kfine." ani niya at itinago na yung Alcohol spray sa Bag niya, Kung isprayan ko kaya mata niya para mabulag na siya? I saw it. Umirap siya. Bwisit. Sinukbit niya yung kamay niya sa braso ni Drake, hindi ako nakaramdam ng kahit na anong selos. Samantalang noon kapag may humahawak o lumalapit sa kanyang foreigner sa NY naiinis na ako, but now wala na. So it's confirmed, hindi ko talaga siya minahal kagaya ng pagmamahal ko kay Ethan ngayon.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon