Chapter 22

3.3K 106 8
                                    


SHAIRA's POV

"Hindi ako magsasawang mahalin at pakiligin ka sa paraang alam ko, Sweetheart.."

Mabilis, at parang nagwala ang puso ko nang sinabi niya sa akin iyon, Hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko at ganitong klase nang lalaki ang ibinigay sakin nang Diyos.

Ang sarap palang mahalin nang isang Ethan Bartolome. At napakaswerte ko dahil ako iyon.

"What do you want Sweetheart? Seafood Noodles or Beef?" tanong sa akin ni Ethan. Andito na kami ngayon sa Bahay niya, It's already 4 am at dito muna ako dinala ni Ethan, mamaya na daw 6 am niya ako ihahatid.

At kami nga pala yung naging King and Queen of the Night, hindi na ako nagulat dahil si Ethan yan e' malamang siya talaga ang ipupush maging King of the night. Yung sa akin talaga ako nagulat, First time kong maging Queen of the night, Nung Highschool nga ako di ako napapabilang sa mga ganyan, ngayon lang talaga. Si Venus naman galit na galit sa akin dahil inagaw ko daw yung dapat na sa kanya.

"Seafood nalang." sagot ko habang nakangiti.

"Alright, just wait for a couple of minutes okay?" nakangiti niya ding saad.

Maya-maya lang lumapit na siya sa Dining Table at inilagay ang Seafood Noodles na nakalagay sa Mangkok. Nanuot sa ilong ko ang amoy nung Seafood, ang sarap!

"Smells good Sweetheart? Kain ka na." saad niya.

Nagsimula na akong sumubo, gutom na kasi ako. Hindi kami kumain dun sa Acquiantance maliban dun sa ininom naming Strawberry Juice. Hindi kasi ako gutom kanina at ngayon lang talaga ako nakaramdam.

"Ouch!"

"Oh shit!" ani Ethan.

Napahawak ako sa dila kong napaso, ugh! ang sakit!

Dali-daling lumapit sakin si Ethan,

"Labas mo dila mo Sweetheart, hihipan ko." biglang namula ang pisngi ko, umiling ako.

"No, wag na. O-okay lang." nauutal kong saad.

"Im not convinced, kita sa mukha mong nasaktan ka, C'mon Sweetheart." pagpupumilit niya.

Wala na akong nagawa kundi nilabas ang dila ko. Ngumiti siya.

"Good girl."

Dahan-dahan niyang hinipan yon, nakatuon naman ang mata ko sa mukha niya habang ginagawa niya yon'.

"Stop staring Baby, hindi ako makapag-focus, Hahalikan kita diyan sige!" natatawa niyang saad. Bigla ko tuloy naipasok yung dila ko sa bibig ko, at hinataw ko siya.

"Baliw!" sigaw ko.

"Hahaha. Im joking, c'mon labas mo ulit," nakangisi niyang saad.

Umiling iling ako, kainis!

Kissing Monster pa naman siya, mamaya hindi ko na mamalayan na hinahalikan niya na pala ako! Napakabilis kaya nitong lalaking to!

"Alright, tampo ka nanaman." natatawa parin niyang saad. Inismiran ko siya at nagsimulang kumain, Sinigurado kong nahipan ko na nang maigi yung Noodles bago isubo.

Natapos akong kumain at nag-aya si Ethan sa Living Room.

Umupo kami sa couch, at pinulupot naman niya yung kamay niya sa bewang ko, hinapit pa niya ako lalo kaya dikit na dikit ako sa kanya.

Nanonood siya ngayon sa Discovery Channel, dahil sa wala akong hilig doon, pinili ko nalang na ipikit ang mata ko at ihilig ang ulo ko sa balikat niya.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon