Chapter 47

2.7K 94 8
                                    


ShaiThan on the multimedia section~~>

--


Magkikita kami ngayon ni Ethan sa paradise. Sa sobrang excited ko ay napaaga ang pagpunta ko. Maganda na yung maaga kaysa naman late ako diba? Ayoko din naman siyang pag-antayin ulit ng sobrang tagal. Umupo muna ako sa ilalim ng puno na palagi naming pinepwestuhan. Sinuri ko ulit yung paligid at talaga namang napakaganda. May mangilan-ngilan ding' couple na nandito sa Paradise. It should be called couple paradise dahil napakaganda ng ambiance ng paligid and it's so romantic.

Tumayo ako at naisipang maglakad-lakad muna since 10 minutes pa before the exact time na magkikita kami ni Ethan. Napapangiti na lang ako dahil sa wakas wala ng hadlang pa sa amin.

Halos mapatili ako ng may biglang yumakap bigla sa likod ko, Humarap ako at si Ethan lang pala na wagas kung makangiti.

"Let's go Sweetheart?" anyaya niya. We walk hand in hand at di mapatid yung pagngiti ko.

Pumunta kami sa restaurant, nag-order si Ethan ng Carbonara at Chowder soup with bread. Di naman kasi kami masyadong gutom kaya di na kami umorder ng madami.

Inikot ko yung tinidor sa pasta, isusubo ko na sana pero napatigil ako dahil nararamdaman ko na nakatingin sakin si Ethan. Ganun naman talaga yun mararamdaman mo kapag may nakatingin sayo. Inangat ko yung tingin ko and there, nakatingin nga siya sakin na agad namang naging dahilan ng pag-init ng pisngi ko.

"Titigan mo na lang ba ako? Di ka kakain?" pilosopo kong sabi na nagpangiti sa kanya.

"Tignan lang kasi kita busog na ako." oo alam ko ang cheesy niya. Pero shems! Kinikilig ako! hahaha. Yung tibok ng puso ko. Oh no! Sobrang bilis.

"Ang cheesy mo! Ewan ko sayo!" kunyari ay naiinis kong sabi. Yumuko ako at kumain na ng tahimik. Nararamdaman ko pa rin na pinapanood niya akong kumain pero di ko na pinansin, ayoko kasing iangat ang tingin ko sa kanya at baka mapansin niya na namumula na ako! After kumain sa resto, nagpunta naman kami sa Mall. Dumiretso kami sa World of Fun. Bumili ng token si Ethan at nagtungo siya dun sa Toy catcher habang hawak yung kamay ko. Di ko naman maawat yung labi ko sa kakangiti.

"Anong gusto mo kuhanin ko baby? Yung Pink na Stuff toy o yung White?" tanong niya sakin, labas na labas lang yung dimple niya at di ko maiwasang maakit lalo na sa mga mata niya na sumisingkit pag nakangiti.

"Uy baby, natulala ka na dyan. Ang gwapo ko ba?" tukso niya sabay tusok pa sa tagiliran ko. Sa sobrang pagsuri ko sa mukha niya natulala na ako!

"Hoy feeling ka! May iniisip kasi ako!" ikaw kasi iniisip ko. Hahaha.

"Ano nga ulit yun?" tanong ko.

"Sabi ko yung Pink ba o white na stuff toy?" tanong niya ulit. Tinignan ko yung
mga Stuff toy.

"Yun! Yung White na lang!" turo ko habang nakangiti.

"Okay, your wish is my command." ngumiti pa siya sakin bago naghulog ng token.

Halos mamangha naman ako dahil isang hulog niya lang ng Token nakuha niya na agad yung white na stuff toy na tinuro ko.

"For you my sweetheart." sabi niya habang nakaluhod pa sa harap ko. Nakita ko naman na madami nang nakatingin at kinikilig pa sa ginagawa ni Ethan. Di ko naman mapigil ang pagngiti ko at ang paglikot ng paru-paro sa tiyan ko!

Kinuha ko yun at tumayo na siya.

"Ang galing mo naman, nakuha mo agad. Pano mo nagawa yun?" tanong ko.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon