Chapter 53

2.8K 87 3
                                    


LONG UPDATE! :) Thank you for supporting kahit mabagal ang pag-update :* 


--

ETHAN's POV 


3 years ago. 

 "Alam mo dude bilib din talaga ako sa pagmamahal mo kay Shaira, biruin mo pinagpatuloy mo pa rin yung sorpresa mong bahay sa kanya kahit na kasal ka na at nasa New York na siya kasama ang Drake na 'yon!" litanya ni Oliver habang nakatingin sa bahay na pinapatayo ko. 

"Whether she's here or not ipinagpatuloy ko pa din yan. Who knows? na baka balang araw kami pa rin para sa isa't-isa. And you know how much i loved her at sobra na akong natamaan sa kanya." i said while smiling, pero kaakibat pa rin ng ngiting yun yung lungkot na hindi siya ang babae na napakasalan ko. 

"That's why i salute you, mataas pa din ang paniniwala mo na someday kayo pa din para sa isa't-isa." he tap my shoulder. 

"So, pano pre? Uwi muna ako at pupunta pa kami ni Dad sa PMH." paalam niya at tumango ako. 

"Sige thank you dude!" ani ko at binalik ko ang tingin ko sa pinapagawa kong bahay. I know na hindi namin plinano to' we did'nt talk about sa bahay namin in the future but then nagpagawa ako para naman masorpresa siya na handa ako anytime para maibahay siya.


----


        Napangiti ako ng maalala ko ang naging usapan namin ni Oliver noon. Bumaba na ako sa sasakyan ko, at nandito ako sa Village kung saan ko pinatayo ang magiging bahay namin ni Shaira at nang magiging mga anak namin. 

After a long years of waiting tapos na din siya at nakakatuwang isipin na sa wakas hindi ako nabigo sa pag-asang makakasama ko siya hanggang sa pagtanda. 

I'll make our house simple but elegant, Beige ang pintura niya sa labas may tatlo itong palapag at may malaking garden at yung pool naman ay nasa likod. Sa bandang gilid naman ay may Kubo at Gazeebo na pwedeng paglaruan ng mga soon to be kids namin. Meron din Tree house na pinasadya ko pa talaga. Hindi maalis ang ngiti ko, mamaya ay dadalhin ko si Shaira dito kasabay ng pagpapa-blessing namin ng bahay. May red ribbon din sa front door para mamaya. 


Kinausap ko yung pinabantay ko sa bahay at sinabing babalik ako kasama ang fiancee ko. Bumalik na ako sa kotse at mabilis na pinaandar yun, sobrang excited na ako at gusto ko nang makita ang magiging reaksyon niya. Pagdating ko ng bahay nila ay nakita ko siya na nakaupo habang nakaheadset sa tapat ng bahay nila. Busy din siya sa pagbabasa ng novel book kaya hindi niya napansin ang presensya ko. 

Tumayo ako sa harap niya at pinamulsa ko pa ang mga kamay ko. Nakangiti ako ng malalim until she notice me that i am infront of her. Nagulat pa siya at napatayo siya mula sa pagkakaupo, ibinaba niya yung libro at tinanggal ang headset niya at agad akong niyakap, i hugged her back. 


"Bat di ka naman nagsabi na pupunta ka pala? Tignan mo tuloy, di pa maayos pagkakapusod ng buhok ko tas may mga butas pa yung suot kong tshirt." nakanguso niyang sabi. 


"Kahit na puro putik pa ang katawan mo at kahit mabaho ka pa, mamahalin at mamahalin pa din kita hindi yun magbabago Sweetheart." nakangiti kong sabi. Napansin kong namula ang pisngi niya and i really love it when she got blushed. 

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon