Chapter 43

2.3K 71 8
                                    


A/N: Patawad po sa matagal na pag-aantay! Here's the update! Kung may mga tanong po kayo regarding sa story feel free to ask lang po. Sasagutin ko po yung mga tanong niyo. :) Salamat! Super Salamat sa pagsuporta!! Especially kina @cjaynicole, @Alyssafermo, @foofeefoo, and @Eunice11_ ♥♥♥

--

"Best miss na miss na kitaaaa!!"

"Oo nga!! miss na miss ka na namin!!!"

"Kelan ka ba uuwi ha?"

"Graduate na kami dito pero ikaw di ka pa rin umuuwi!!"

Napapangiti nalang ako sa kakulitan ng mga Kaibigan ko. 3 years gone so fast.
Naka-graduate na din ako dito sa New York University.

"Basta, malapit na okay? Don't worry." sagot ko habang natatawa. Actually nakabili na ako ng ticket, sa susunod na araw na nga yung flight ko.

Biglang tinulak ni Melissa yung mukha ni Charlie na nakaharang sa camera na nagpatawa naman sa akin.

"Harang-harang naman yang' mukha mo! hindi ko makita si Best eh!!" reklamo niya. Napasimangot naman si Charlie at hinayaan na lang si Melissa sa ginawa sa kanya.

"HOY BEST!! BASTA THIS TIME SUSUNDUIN KA NA NAMIN HA? SUSUNDUIN KA NAMIN OKAY??!!" malakas niyang aniya, ilang taon na ang lumipas pero parang bata pa din umakto si Melissa, i mean she already look a matured woman pero ganun pa din siya magsalita. Parang bigla ay gusto ko na tuloy umuwi at yakapin silang lahat.

"Ako naman Melissa!!!" reklamo naman ni Vanessa at tinulak si Best. Hahaha. Ang cute nilang tignan.

"Oh ayan na!!" iritang ani ni Melissa.

"Oy teka, baka magkapikunan kayo diyan ha?!" paninigurado kong sabi. Sabay sabay naman silang umiling. Buti naman.

"Oy Shaira!! Marami kang dapat ikwento samin ha!! Kailangan malinis ang paliwanag at walang kulang!!" makulit na sabi ni Vanessa na in-agree-han naman ng lahat. Bigla akong napatigil sa pakikipag-kulitan sa kanila ng tawagin ako ni Drake.

"Babe, let's eat." napalingon ako kay Drake na nasa pintuan na pala ng kwarto ko.

"Oops, kausap mo pa pala sila im sorry." paghihingi niya ng paumanhin. Ngumiti ako at sinabing ayos lang. Nakita ko naman ang reaksyon ng mga kaibigan ko at parang gulat sila kahit alam na nila ang samin ni Drake.

"Sige bye na muna guys, kakain pa kami!! Later nalang ulit ha!" hindi ko na sila pinasalita at inend na yung call. Panigurado kasing kukutyain at aasarin nila ako kaya inunahan ko na sila Haha.

Tumayo ako sa kama at inakbayan ako ni Drake.

"Sana di mo sila binabaan, ikaw naman after 6 months ngayon mo lang sila ulit nakausap." naging busy kasi ako dahil sa pag-asikaso ko ng mga school papers ko kaya hindi ko sila nakausap sa loob ng 6 months. Tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakaakbay at humarap sa kanya.

"Hindi, okay lang yun maiintindihan naman nila tsaka sabi mo sakin diba na hindi magandang pinag-iintay ang pagkain?" sabi ko habang tinataas-baba ang kilay ko.

"Oo na po." sabi na lang niya at nagtawanan kaming dalawa.

Kami na ni Drake, Actually last year ko pa siya sinagot at nag-anniversary na din kami. Because of him, nagawa kong mag-move on. Nagawa kong malagpasan yung paghihirap na nararamdaman ko, yung puso kong nakakulong sa sakit na naranasan ko sa kanya. Akala ko nung una hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya, pero habang tumatagal ay napapamahal na ako sa kanya, and im happy with that. Tsaka di naman mahirap mahalin si Drake nasa kanya na lahat ang mga bagay na gusto ng babae sa isang lalaki.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon