Chapter 35

2.5K 91 5
                                    

"Best tama na, wag ka nang umiyak." pag-aalo sakin ni Melissa. Kanina pa kasi ako umiiyak at di ko alam kung may balak pa ba tong' luha kong tumigil sa pagtulo.

"Bakit ganun? K-kung kelang ayos na ulit kami tsaka pa nangyayari to? Nakakasawa na Best eh. Nakakasawa na." Gusto kong maging manhid nalang ako para di ko nararamdaman yung ganitong sakit.

"Ganun talaga best, You need to sacrifice everything lalo na pag nagmahal ka."


Hindi ako pumasok sa kahit anong subject namin kanina, wala akong gana. All i want to do is to cry. Gusto kong ilabas lahat nang sakit na nararamdaman ko. Kanina nung nag usap kami ni Ethan gusto kong umiyak, gusto kong yakapin siya pero hindi pwede, dahil kailangan kong magpanggap na ayaw ko na sa kanya, pero kahit na sa totoo gustong-gusto ko siya at mahal na mahal ko siya.

I don't want to lose him pero anong gagawin ko? Magulang niya na mismo ang humiling sakin na layuan at iwanan ko na ang anak nila.

>FLASHBACK

Dali-dali akong tumakbo papunta sa restaurant kung saan kami magkikita nang tumawag sakin kanina, Ang mga magulang ni Ethan. Pagkarating ko dun nakita ko agad sila at umupo na ako sa nakareserbang upuan sakin.

"M-magandang hapon po. " bati ko dito, ngumiti lang sila.

Nagtinginan muna sila ni Tito Lucas at tumango nalang ito na parang sinasabi nito na siya na ang magsimula.

"A-ano po bang sasabihin niyo?" tanong ko, huminga nang malalim si Tita Claire. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa ano mang sasabihin nila. Pinatong ni Tita yung kamay niya sa kamay ko at naghatid sakin yun nang kaba lalo.

"Iha, alam ko wala ako sa pwesto para sabihin sayo to' pero gusto ko sana... Sana makipaghiwalay kana kay Ethan, sa anak ko. " para akong binuhusan nang malamig na tubig at bumilis ang pagtibok nang puso ko nang sabihin niya sakin yon. H-hiwalayan? Pero bakit?

"H-hiwalayan? B-bakit?" hindi na mapigilan nang mata ko ang hindi lumuha, ramdam kong unti unting tumulo ito sa pisngi ko. Maging si Tita ay napaiyak na din, sumandal siya sa balikat ni Tito at ito na ang sumagot sa tanong ko.

"Dahil ikakasal na siya, ikakasal na sila ni Venus Ramos." napakunot ang noo ko at lalong bumuhos ang luha ko, ikakasal? Kailan pa? Alam ba ni Ethan to? Alam ba niya to? Gusto kong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa malayong lugar pero di ko magawa dahil para akong naistatwa sa kinauupuan ko.

"Kasal? P-pano? Alam ba ni Ethan to? Alam ba niya?" medyo napataas ang tono nang boses ko alam kong parang nabastusan sila pero hindi ko na inintindi pa yon'.

"Arrange Marriage sila, hindi rin namin ginusto ito pero wala kaming ibang magawa kundi umayon sa gusto ni Mr. Ramos, Iha blinack-mail niya kami ipapabagsak nila ang kumpanya namin at mawawalan kami nang kabuhayan, Isa si Mr. Ramos sa mga Stock Holder namin at anytime kayang kaya niyang ipalugi ang negosyo namin sa US." gusto kong ilabas sa kabilang tenga ko ang mga pinagsasabi nila pero parang nanatili ito sa utak ko, paulit ulit kong naririnig ang sinabi ni Tito.

Humawak ulit si Tita Claire sa kamay ko at siya na ulit ang nagsalita, "Please lang Anak, alam kong mahirap gawin at nasasaktan ka namin pero sana unawain mo kami, alam naming mahal niyo ang isa't isa at ikaw ang dahilan kung bakit nagbago na ang anak ko pero wala kaming ibang choice." paliwanag pa nito sakin at bumuhos muli ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko nadin ang pagsikip nang dibdib ko at parang anytime babagsak ako.

Nakatingin lang ako sa kanila, di ko na alam ang sasabihin ko lalo na't nakikita nang mata ko na nagmamakaawa sakin si Tita Claire at panay din ang pag-iyak niya, ayoko sa lahat ay yung makitang umiiyak ang magulang, dahil maging ako pag nakita kong umiiyak si Mama nasasaktan at nadudurog ang puso ko.

May kinuha sila sa Attache case at nilabas doon ang maliit na envelope, binuksan nila yon at may nilabas silang Flight Ticket.

Itinapat nila sakin yon.

"Tanggapin mo itong ticket papuntang New York, magpakalayo ka iha' naisip naming baka makatulong ito para makalimutan mo agad ang anak namin." nanatili lang akong nakatitig sa Ticket na iyon. Pero nagkaroon ako bigla nang lakas nang loob, tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsalita.

"Pasensya na po pero di ko kaya ang pinapagawa niyo, Hindi ko kayang makipaghiwalay kay Ethan. Una na po ako." tumalikod na ako at nagsimulang maglakad pero napatigil ako nang may humawak sa kamay ko, yumuko ako at nakita ko si Tita na nakaluhod sa harap ko, pinilit ko siyang itayo pero ayaw niya hangga't di ako pumapayag sa gusto nilang mangyari. Maging ang mga tao dito sa Restaurant ay nakatingin na sa amin.

"Parang awa muna iha' layuan mo na ang anak namin." mabilis na tumulo ang luha ko, nagpakawala ako nang hangin at umupo ako sa harap ni Tita, hinawakan ko ang kamay niya at itinayo siya,

"Please iha' parang awa mo na. " walang humpay niyang pagmamakaawa, wala na akong nagawa kundi ang pumayag, tama siguro di kami ang para sa isa't isa siguro nga kailangan ko na talagang sumuko at layuan siya dahil kung hindi buhay nila ang masisira ko at ayaw ko ding mangyari yun dahil di kaya nang konsensya ko.

Niyakap niya ako nang mahigpit, binigay nila sakin ang Flight Ticket na inalok nila, tinanggap ko iyon kahit may parte saking nagsasabi na wag tanggapin iyon. Siguro nga makakatulong ito sa akin para madaling makalimot. Binigyan din nila ako nang scholarship sa isang sikat na school sa New York para doon ko na maipagpatuloy ang pag aaral ko.

>END OF FLASHBACK

Nagising ako na wala nang Melissa sa paligid, nakatulog pala ako sa kaiiyak. Hindi na ako nag-abala pang kumain, nagpalit ako nang damit at napagpasyahang pumunta nang Bar para mag inom. Hindi naman talaga ako umiinom, occasionally drink lang. Pero ngayon gusto kong magpakalunod sa alak para makalimutan ang problema ko kahit isang gabi lang.

Tinawagan ko si Drake para may kasama ako at agad naman siyang pumayag. Sa mismong Bar na kami nagkita at pumasok na kami sa loob.

"One Glass of Tequila please?" sabi ko dun sa Bartender, nang makasalin na siya pinadulas niya iyon papunta sakin, umorder din si Drake nang inumin niya.

"Nag-iinom ka pala?" tanong nito sakin, umiling ako.

"Hindi ah' ngayon lang. Gusto ko lang makalimot." sagot ko, naubos ko agad yung First Shot ko at nanghingi pa ako nang isa pa.

"Im sorry kung dinadamay pa kita sa problema ko, Drake." pagpapaumanhin ko sa kanya, lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko na parang bata.

"Wala yun' ano ka ba. Kahit ano yatang hilingin mo sakin hinding hindi ko kayang tanggihan." sabi niya habang nakangiti, ang sarap sa feeling dahil may taong katulad niya sa buhay ko na kayang intindihin at unawain ako.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ko siya nang mahigpit. I think this is my way to say thanks to him. Marami na siyang pabor na ginawa sakin at kulang pa tong' yakap ko para tumbasan yung ginagawa niya.

Naka-ilang shots pa ako at nag-aya nang umuwi si Drake, hindi naman ako masyadong nagpakalasing pero pakiramdam ko ngayon parang wala akong problema. Hinatid niya ako sa bahay at nagpaalam na ako sa kanya nang makarating kami doon. Humiga ako sa kama ko at tumingin ako sa kisame, kinuha ko sa Bag ko yung Flight Ticket at tinignan kung kailan ang Flight date non.

April 12.

Napalunok ako, talaga bang tutuloy ko ito? Parang hindi ko kaya, hindi ko siya kayang iwan pero di naman ako pwedeng maging makasarili, buhay ng pamilya nang taong mahal ko ang masisira kapag pinili ko ang kagustuhan ko.

Siguro nga, talagang hindi kami ang para sa isa't isa.

I had to let him go, kahit sobrang sakit sa akin.

--

A/N: OMG! Super thank you talaga sa mga nagbabasa, parang everytime na mag uupdate ako may mga bago akong readers. Thank you is not enough to say, sobrang mahal ko kayo! KEEP ON SUPPORTING TILL' ENDING :) PERO MALAYO PA DON'T WORRY! :*

LOVELOTS.

|Eightfinity

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon