Sam's POV
Pagkadilat ko nandito na ako sa kwarto.tinignan ko kung anong oras na....FUDGE!!! 9:00 na may pasok pa ako.patayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Kuya Alex.
"Lil Sis Gising ka na pala...may dala akong pagkain."
"Hindi na ako kakain Kuya.Late na po talaga ako"
Tatayo na sana ako ng hinarang ni Kuya yung kamay nya.
"Hephephep...magpahinga ka muna.umabsent nga ako para mabatayan ka.tsaka bilis mo naman nakalimot sa nangyari kagabi."
"Kuya Naman!! Ba't mo pa pinaalala.ayokong maisip ulit yun."
"Oo na Hindi na.Kumain ka na!!pinaghirapan ko yang lutuin."
"Yes Po."
"Andun lang ako sa baba puntahan mo ako pag may kailangan ka."
Lumabas na sya at hindi muna ako kumain.Si Kuya kase eh! Pinaalala pa talaga nya sa akin ang nangyari kagabi.Si Sky Pala ang nagligtas sa akin.WoW ha!may tinatagong kabaitan din pala yung halimaw na yun.Kailangan kong mag thank you sa kanya. kung wala sya dun baka natuluyan talaga ako.Sa Ngayon Kailangan ko talaga ng pahinga namumugto kaya mata ko sa kakaiyak.
Sky's POV
/SCHOOL/
Pinuntahan ko si Samantha sa Classroom nya.Magkaklase sila ni Jasper.Titignan ko lang kung Okey lang sya wala ng iba.Papasok na sana ako ng nakita ko si Jasper.
"Jasper Nandyan ba si Samantha?"
"Wala.Absent.Teka ba't mo hinahanap? May nangyari ba sa kanya?"
"Tssss....Daldal mo naman pare.Nagtatanong lang."
"May nangyari ba ? Sabihin mo na? "
"Aishhh. Sige na nga"
Sinabi ko Kay Jasper ang nangyari at pano ko sya iniligtas.Grabe din pala tong magreact si Jasper.Tsk.
"Sky Puntahan kaya natin sya?"
"Tsss.Huwag na bukas na lang kamustahin."
"Sige na nga.Ah pasok na ako sige paalam na sky"
Pumasok naman ako sa klase ko.Bakit hindi parin ako mapakali?.Kagabi nung nakita ko yung mukha nya umiiyak parang may kung ano ang kumurot sa puso ko.Niyakap ko na Lang sya.Haiissst ano na naman ba itong iniisip ko.Tsk.
************
Sam's POV
"Hindi ka ba talaga magpapahatid?"
"Hindi na po Kuya.Okey na po ako .Sige po Mauna na ako."
Umalis na ako at papunta na ng school.Kailangan ko pang mag thank you Kay Sky.Naglakad ako Tutal maaga pa naman.Nakarating na ako sa school pero bago pa ako makapasok sa Gate ay may humila na sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Sam!!!Okey ka na ba ? Wla bang masama nangyari sayo?May su-"
Ano ba yan Grabe naman kung makapag react si Jasper Daig pa si Kuya Alex.
"Jasper calm down okey lang ako wala namang masamang nangyari sa akin eh."
Sabi ko habang pinilit kong binaba ang kamay nya sa balikat ko.
"Sigurado ka ha?Nag alala talaga ako kung bakit ka umabsent ng walang pasabi.buti na lang kinwento sa akin ni Sky ang nangyari.Thank God Your safe."
Teka anong Sabi nya?!
"Anong Sinabi mo?"
"Ha?" Nagtataka naman sya.halata sa mukha nya.
"Yung Kay Sky"
"ahhh..kase kahapon pumunta si Sky sa Classroom Hinahanap ka.sabi ko naman na umabsent ka. kaya ayun nalaman ko kung anong nangyari sayo."
Hinanap pala ako ni Sky?!.ba't naman? Para kamustahin? Imposible yata yun.
"huy! Ba't ka nkatunganga jan?.halika na nga pumasok na Tayo."
Agad namang kinuha ni Jasper Yung Bag ko at tumakbo.hinabol ko naman sya.
"Jasper ibigay mo na nga yang bag ko."
Tinaas nya lang ito at sinabing...
"Uh uh.Diba Bestfriend na tayo? Ang best friend ay dapat nagtutulungan....Kaya ako na muna magdala ng Bag mo"
Ngisi pa nyang sabi...bahala sa.Mabigat kaya yan.pero sya na ang nag alok kaya sulitin na lang.
**************
Kasalukuyan walang Klase dahil nag memeeting yung mga teachers.Napadaan ako sa Music Room ng school.May kalakihan din ito.Parang feel ko yata kumanta ngayon.Pumunta ako sa may stand ng guitar dun.nung una nagdalawang isip ako kung maguiguitar ako or piano.
Nagsimula na akong tumugtug.
~~all I knew this morning when I woke is I know something now know something now I didn't before...
And all I've seen since 18 hours ago is green eyes the freckles and your smile in the back of my mind making me feel like...
I just want to know you better know you better know you better now...i just wanna know you better know you better know you better now...
Cause all I know is we said hello and your eyes look like comin home all I know is a simple name everything has change all I know is you held the door and you'll be mine and I'll be yours all I know since yesterday is everything has change~~
Sisimulan ko na sana yung second verse nung may narinig akong kaluskus.Ano ba yan panira ng moment pero sa totoo lang natatakot ako.ako lang kaya ang nag iisang Tao dito hello! Tsaka malaki yata itong music room.Lumingon ako sa Likuran ko ng may nagsalita.
"Ano ba yan ang ingay ingay kitang may natutulog "
Sabi ni SKY !!habang papunta sa pwesto ko.
"FYI .Hindi ko alam na may Tao dito.at anong sinabi mong maingay!!ang ganda kaya ng boses ko.hindi kagaya sayo ang panget."
Nag fake laugh naman ako.Seriously ano ba ang problema nya ?! Ang hilig nyang mambwiset.
"Kung makapagsalita.Bakit ? Narinig mo na ba akong kumanta?."
Nagsmirk sya.Sabagay hindi ko din narinig kumanta sya.ah basta panget pa rin.
"Eh kung magsalita ka nga panget na paano pa kaya kung kakanta...blehh".
Tignan natin kung makasagot pa sya.hehehe
"Tsss..." Hahaha Victory is mine. Ayun tuluyan na syang umalis...Teka nakalimutan ko magpasalamat.nawala talaga sa isip ko.hinabol ko sya palabas ng Music Room.
"Sky!!!"
Lumingon naman sya."oh ano?"
"ahm salamat pala sa pagligtas sa akin nung nakaraang araw."
Gosh ayaw ko naman halatang mag pasalamt sa kanya pero kailangan dahil kung Hindi sa kanya may nangyari na talaga sa akin.May Manners Din ako.:)
"Tss.Hindi naman kita iniligtas.Napadaan Lang ako.Huwag kang mag assume."
Agad naman syang umalis pagkatapos nya itong sinabi....Ang yabang talaga ng halimaw na to.
.
.
.
.
.
