Chapter 5

9 1 0
                                        

"Ano!?" Hindi na napigilan ni Miss Joanna na magtaas ng boses sa ulat ni Sebastian. Nasa gilid din ako habang nakayuko. Hindi ko rin alam kung bakit nasali ako sa usapan nila.

Pagdating ko kasi kanina sa mansion ay si Miss Joanna agad ang bumungad sa akin. Mukhang alam niya na rin na mangyayari ito. Pero hindi niya inaasahan na isasali ako sa kahibangani ni Mr. Yvan.

Nakaabot kasi sa kaniya ang application ko sa gagawing laro. Sa pagkakarinig ko'y iyon ang highlight sa anibersaryo ng Ashvel University. Pero wala akong idea kung ano'ng klaseng laro ang dapat kong paghandaan.

"A-anong klaseng laro po ba ang Track Umbra?" pagsali ko sa usapan nila.

Mas mabuti na kasing may alam ako sa laro na ito. Bukang-bibig din ito ng mga studyante sa corridor kanina kaya naman hindi ko mapigilan na isipin kung anong klaseng laro itong pinaghahandaan ng buong Ashvel. Bukod din doon ay may nabanggit din sila na sanguilup at moonreaper.

Pareho silang napatingin sa akin. Naibagsak din ni Miss Joanna ang balikat niya na para bang buhay ko ang kapalit sa laro na ito.

"What did you do to provoke Mr. Yvan like this?" Hinawakan ni Miss Joanna ang magkabilang balikat ko.

"Wala naman akong ginawa." Siya ang may ginawa sa akin! Gusto ko sanang idugtong iyan pero sa mukha ni Miss Joanna at pag-aalala ni Sebastian ay mukhang hindi pa oras para sabihin iyon sa kanila nang mukhaan.

"Track Umbre is a deadly game." Panimula ni Sebastian.

"Lahat ng mag-aaral sa Ashvel University ay dapat sumali at bumunot. Dalawa lamang ang pagpipilian nila. Ang sanguilup at moonreaper. Sa madaling salita. Kapag nabunot mo ang sanguilup, ikaw ang magiging hapunan ng predator or moonreaper. This game is like hide and seek." Paliwanag niya.

Halos hindi ako makakilos sa kinauupuan ko dahil sa paliwanag na iyon ni Sebastian. Kaya pala iyong iba sa paaralan kanina ay parang gusto nang mag-drop out.

"Ang ikinaganda nga lang sa taong ito. Dahil si Yvan na ang Alpha ay may karapatan siyang baguhin ang laro, o ipagpatuloy ang kinagisnang laro."

"Parang sinabi mo na rin na walang pag-asa na manalo ang mga sanguilup sa laro na ito." Buntong-hininga ko.

Sa mukha niyang sadista ay malabong baguhin niya ang laro. Wala rin pala akong takas sa kamatayan.

"If only we can convince that kid that as much as possible let's avoid brutality. Para naman hindi na maulit ang nangyari noon." Hinilot ni Miss Joanna ang sentido niya.

"Let's just hope na hindi mo mabunot ang sanguilup." Sebastian gives me a pat on my shoulder.

Hindi ata ako pinatulog ng isip ko. Bukas na gaganapin ang laro at ayon kay Sebastian ay bukas rin gaganapin ang pagbunot. Ibig sabihin mas mapapabilis ang buhay ko sa hukay. Walang akong kaalam-alam sa pagpatay. Sa pagtatago naman ay imposible na hindi nila ako mahanap. Sa talas ng pang-amoy nila hindi malabong ako ang una nilang tatargetin.

Sa lalim ng iniisip ko'y hindi ko namalayan na tapos na iyong nauna sa akin. Nabunot niya ang coyote, ibig sabihin ay siya ang magiging moonreaper o predator.

Humugot ako nang malalim na hininga saka tiningnan ang laman na nasa bowl. Dalawang papel lamang ang nandoon. Isa roon ang magliligtas sa akin, at isa roon ang paghahatid sa hukay ko.

Nangingig na dinampot ko ang isang papel. Halos sumabog sa kaba ang aking dibdib habang inaangat ang papel, saka binigay kay Vincent na siyang may hawak ng listahan ng lahat ng kasali.

"Gusto mo ikaw na bumuklat?" tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit ako tumango. Binasa ko ang labi ko na kanina pa nanunuyo dahil sa kaba. Dahan-dahan kong binuklat ang papel. Maging si Vincent ay ayaw kumurap nang buksan ko ito.

6969 Corporation: Down Of WonderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon