Nakasakay ako ngayon sa lumang train na maghahatid sa akin sa Ashvel City. Hindi ko rin alam kung bakit may lumang station ng train sa syudad na ito. Maunlad naman ang syudad. May gumagamit pa rin naman ng train, iyon nga lang ay nasa mga moderno na ang mga ito. Kaya nakakatuwang makakita ng lumang train. Mas lalo na iyong umuusok sa ibabaw na ito.
I have search about the City pero wala akong ibang nakita bukod sa malaki at lumang mansion na sa tingin ko ay nasa dekada na ang tanda. Wala ring ibang lumabas tungkol sa pamumuhay at mga mamamayan ng Ashvel.
Dinukot ko ang cell phone ko sa bulsa para tawagan si mama.
After the second ring, she picked.
I take a deep breath."Ma," I enthusiastically called.
"Salamat, anak! Binigay na nila si Stacy. Maraming salamat," bungad niya, at walang humpay na nagpapasalamat sa akin.
Napangiti ako. Hindi ko akalain na totoong gagawa sila ng paraan para maresolba ang problema ko.
"Salamat naman kung ganoon," bulong ko.
"Kumusta na pala si Stacy, ma?" pag-iiba ko. Kahit naman na hindi kami close ng kapatid ko na iyon ay may pakialam pa rin ako sa kalagayan niya.
"Nasa kwarto siya ngayon, nak. Nagpapahinga. Saa—" biglang naputol ang linya nang makapasok kami sa tunnel.
"Hello, ma?" pauli-ulit kong tawag sa kabilang linya
Kunot-noong tiningnan ko ang cell phone ko. Hindi pa naman lowbat at malakas din ang signal. Hindi bali na. Ang mahalaga ay nasa maayos na lagay na ngayon ang kapatid ko.
I try to call them again but someone interrupted.
"No, phone call please," maawtoridad na sabi ng ginang na kanina pa pabalik-balik na lakada, na sa tingin ko ay nasa 40s na. Nakapusod ang buhok nito at nakasuot ng mahabang palda at itim na damit na may logo pa ng companya, bakas sa buong mukha nito ang awtoridad na kaniyang bitbit.
"Sorry," I apologize.
Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Sinilip ko ang cell phone ko't nag tipa. Matapos kong i-sent ay itinago ko ang cell phone ko sa bulsa at agad na bumuntong hininga.
Patuloy pa rin ang pag-andar ng lumang train. Hindi ko rin alam kung ilang minuto na rin ang nakalipas nang makapasok kami sa tunnel.
Napasinghap ako. Napatingin ako sa mga upuan. Nakakapagtaka lang at lahat ata ng upuan sa train na ito ay bakante.
Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin iyon at tumingin sa labas.
Umuulan pa rin ng malakas kahit umaga na. Nakalampas na rin kami sa mahabang tunnel. Walang tigil sa pagbuhos ang ulan simula nang makaalis ako sa gusali na iyon. Kitang-kita ko ang bawat pagbagsak ng butil ng ulan sa bintana na gumagawa ng kakaibang imahe. Isinulat ko ang salitang Ashvel. Hindi ko rin nagawang umidlip dahil agad na pinasakay nila ako sa train na ito.
Hindi ko alam kung ano ang maasahan ko sa lugar ng Ashvel. Mukhang matino naman ang pangalan nito at tunog bagong buhay. Napahikab ako at siniksik ang sarili ko sa upuan.
Slowly, I closed my eyes.
Nagising ako sa malakas na tunog ng train. Napahawak ako sa ulo ko't nagkusot ng mata. Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo. Ito na ata ang pinakmahabang tulog ko sa taong ito. Napatingin ako sa labas at halos wala akong ibang nakita bukod sa mga punong naglalakihan. Napasinghap ako ng maamoy ang simoy ng hangin. Napakapresko, malayong-malayo iyon sa hangin na nasa syudad.
Nasaan na nga ba ako?
Napabuga ako ng tingnan ko ang relo. Mag-aalas saes na ng hapon, tumigil na rin ang ulan pero nanunot pa rin sa ilong ko ang malamig na hangin.
BINABASA MO ANG
6969 Corporation: Down Of Wonder
VampireR|18 No one knows what will happen if you sign an agreement with this company. Many girls entered the small street where the said corporations were nowhere to found. 6969 corporation is a private agency where only special women can be part of the co...
