Chapter 2.5
“Oh natahimik ka sister? Don’t tell me may feelings ka na kay Bry?!” excited niyang tanong sakin habang sinusundot sundot ang tagilliran ko. Hindi siya masyadong halata na kinikilig. Haha
Pero totoo, kinabahan ako sa tinanong. Napahawak ako sa dibdib ko. Waah. Ano ba tong nararamdaman ko? Okay lang ba puso ko o may sakit ba ako? Kinakabahan ako eh.
“Hoy! Anyare sayo? Bakit hawak hawak mo yang dibdib mo? Masakit ba dibdib mo? O talagang kinakabahan ka?” tanong niya sakin habang ngiting ngiti.
“H-hindi ahhh. Wala lang to.” Balewala ko naman. Baka reaksyon lang to ng mga nangyayare sakin, masyado akong paranoid eh. Kung magkakagusto ako kay Bry baka sabihin niyang ginagamit kong opportunity ang pagiging malapit sa kanya para magustuhan niya ako at baka masira kami. At imposibleng ako ang gusto niya. Parang magkapatid lang talaga ang turingan naming dalawa to the extent na parang wala na lang ang thoughtfulness at care niya sakin dahil sanay na ako, walang halong malisya.
“sigurado ka ba? Baka magsisi ka? Nako Sheryl sister, ni minsan walang lalaking nagtagal sayo dahil sa loyalty mo diyan kay Bry. Akala nga ng karamihan dito eh matagal na kayo ni Bry. Ano ba kahit selos ba dun sa babaeng gusto niya wala kang naramdaman?” tanong niya sakin
“Natatakot oo, pero yung magseselos? Wala naman yata akong karapatan dun.” Sagot ko naman. Lalo akong nanghina sa sinabi kong iyon. Yun yung tipong sa bawat binibigkas kong salita. Yung katawan pati puso ko kumukontra pero yung utak ko alam na wala. Bakit ganon?
“Sakaling AKO yung gusto ni Bry sis anong gagawin mo?” tanong niya sakin na ikinagulat ko. Bumilis ang pintig ng puso ko tapos parang nakaramdam na naman ng pain. Parang gustong bumagsak ang katawan ko kaso pinigilan ko nanghihina ako nang marinig ko yun.
Napatayo ako sa sinabi nya. “HOY! ANO YANG KAHIBANGAN NA YAN LIN?! WAG KA NGANG MAGSALITA NG GANYAN!” sabi ko.
Ewan ko ba, nainggit ako at mas sumakit ang dibdib ko sa sinabi niya. Yung tipong sabi nila…
NASAKTAN? Oo. Nasaktan ako, siguro dahil yun sa kadahilanang hindi magiging masaya si Bry. Oo, marahil dahil dun nga. Wala nang ibang dahilan diba?
“confirmed.” Tanging sagot ni Lin sakin. Ba’t ang layo naman yata? Kakainis pramis. Ngayon lang ako nairita ng ganito. Di ko alam kung magagalit ako kay Lin, pero sa sinabi niya kanina nainis ako. Parang buong araw na akong mababadtrip nito pramis. Nakakaasar!