Chapter 3: ang sakit
She’s POV
(a/n: pakiplay po ng music sa gilid. salamat! :D)
Magkasama kami ngayon ni Bry alam niyo yung kinakabahan ako kapag kasama ko siya? Kanina pa rin niya ako kinakausap pero wala ako sa sarili.
“She ano mararamdaman mo pag kilala mo yung nagugustuhan ko?” pagkasabing pagkasabi niya nun eh biglang napahinto ang mundo ko. Bigla ding kumirot ang puso ko.
“ahh-ehh. Syempre sasabihan ko yung babae na seryosohin ka. He-he-he.” Labag sa loob kong sagot, shet ang sakit pala ng ganitong feeling. Ang sakit super, parang sinasabing “HOY SHERYL! DI KITA MAHAL! WAG KANG UMASA!” ganun eh, ang sakit lang.
Nakita kong sumeryoso ang mukha niya at mukhang may sinabing hindi ko narinig.
“*ikaw yung mahal ko eh.*” sabi niyang mababa ang boses,hindi ko man lang narinig.
“huh? Ano yun Bry??” tanong kong pabalik sa kanya.
“Ahh.. wala.. Teka She, Pwede ka ba ngayong gabi? Magpapatulong sana ako sa project natin eh.” Tanong niya sakin habang naglalakad kami patungong classroom.
“Ahh.. Yun lang ba? Walang problema.” Sagot ko na lang din.
“yes!” sagot niya sakin.
Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya. What was that for?
“hoy. Baka ako lang papagawin mo ng project natin ah? Patay ka talaga sakin..” sagot ko sa kanya bago kami pumasok sa classroom naming dalawa.. Malayo kasi mga upuan naming dalawa tsaka kilala kaming dalawa as loveteam dito. At first wala lang sakin, pero dahil dun ngayon nagugustuhan ko na. tinitingnan kasi kami parati pag magkasama, marami na rin naiinggit kasi maraming nagkakagusto kay Bry.
***After Dismissal
“Oy She.. mauuna na ako huh? May pupuntahan pa kasi ako. Tawagan na lang kita pag pwede ka nang makapunta sa bahay.” Sabi ni Bry pagkatapos ay dali dali siyang umalis..
Tssss. Hindi man lang hinintay na magpaalam ako. Well, bibili na lang din ako ng mga kakailanganin naming sa project mamaya.
Isang scrapbook, actually sabi ng Prof namin scrapbook yun ng mga pagbabago naming nung bata kami hanggang ngayon. Well, hindi naman mahirap yun kaya madali namng matatapos ni Bry ngayon. Nagkapagprint na rin kami ng mga pictures naming nung bata kami kaya hindi masyadong mahirap para samin mamaya.
***sa Parking Lot
Papunta na ako ngayon sa parking lot kung saan naghihintay yung driver ko. Well, marunong naman ako magdrive kaso nga lang kaskasera ako at parating bangga yung kotse kaya nagdecide sila Dad na maghire ng driver. Pinagalitan nga din ako ni Bry dahil dun eh.
“kuya sa SM po, may bibilhin lang ako.” Sabi ko kay Kuya Jandro
“Okay po ma’am.” Sagot naman ni Kuya and then umalis na papuntang SM.
Medyo puyat ako kagabi kaya matutulog muna ako, medyo malayo layo din naman kasi ang SM sa school kaya magpapahinga muna ako.
“Ma’am nandito na po tayo. Gising na po.” Kuya Jandro
Nakagising naman ako agad tapos nag ayos na din kasi halata akong bagong gising sa hitsura kong gulong gulo ang buhok. Pagkatapos kong maglagay ng pulbo at suklayin ang buhok ko pumunta na ako sa loob ng mall.
Habang papunta sana ako sa national bookstore may nahagip akong pamilyar ang mukha. Tiningnan ko nang maigi baka namali lang ako ng tingin o magkahitsura lang sila pero mukhang siya nga.
Si Bryan, may kasamang babae at may hawak hawak na balloons at flowers si Bry. Ang saya saya nila. Dun ko lang rin nakitang masyadong masaya ang kaibigan ko sa kasama niya. Naghaharutan tapos si Bry pa nagdadala nung roses na paboritong paborito ko rin.. Hindi ko alam, pareho pala kami ng gusto nung babae. Ang swerte niya.
Di ko alam kung bakit pero nahalata kong may likido nang umaagos sa mga pisngi ko---Luha ko pala. Ang sakit pala makitang masaya ang taong mahal mo kasama ang mahal niya. Ang sakit lang kasi hanggang magkaibigan lang kayong dalawa, na hindi mo matutumbasan ang kasiyahan na nakakamit ng taong mahal mo pag ikaw lang ang kasama niya. Ang sakit pala.
Pinahid ko na lang gamit ang handky ko yung luhang umaagos ng malaya sa mga pisngi ko. Kaya ko to, sabi ko magiging masaya ako para sa kanila diba? Magiging masaya para sa kanilang dalawa?
Agad agad akong tumungo sa National Bookstore para mapamili yung mga gamit na ibibigay ko mamaya para kay Bry.. di na ako tutuloy sa pagpunta sa kanila.. Hindi ko kayang magpakita sa kanya kasi alam kong maiiyak at masasaktan lang ako ng sobra.
Nagbayad ako sa counter ng mga napili kong gagamitin sa scrapbook. Ako na lang ang gagawa, nasa akin naman din ang mga pictures kaya okay lang. Sasabihin ko na lang kay Bry na masama ang pakiramdam ko.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Comment po kung nakulangan kayo.. HAHAHAH!
Vote na rin po. Salamaaat! ^___^v
Dedicated to: ehm_jhey_ehy