Chapter 2
Ilang days na rin akong lutang nung sinabi yun ni Bry, ewan ko lang bakit yun ang reaction ng katawan ko. Ewan ko ba, kinabahan ako sa pinagsasabi nung lokong yun.. Saturday ngayon at walang pasok kaya nagpunta ako sa bahay ni Lin, isa sa mga bestfriend kong babae. Well, diba sabi ni Bryan hindi kami bestfriends? Kaya meron akong bestfriends babae pero tong si Lin ang pinakabest ko. May boyfriend na nga eh, more than 4 years na ang mga loka syempre kilala ko kung sino yung bestfriend ni Bry o diba?
“Sis, why so tulaley? Okay ka lang??” tanong niya sakin.. Halata ba ako? Hindi naman diba? Kinakausap ko nga kayo eh.
“Ha? Hindi ah.. *iwas tingin* Bakit mo nasabi yun?” sabi ko na lang tapos kinalikot ko yung phone ko.
(a/n: lecheflan with fillings, anhirap hindi maglagay ng emoticons! -__-)
“Sus! Sa tagal na nating magkakilala hindi mo pa aaminin na meron.. Nag away kayo ni Bry no?” tanong niya sakin tapos lumapit sakin at umupo sa tabi ko.
“Wala.. Hindi naman kami nag away eh. May sinabi lang siya sakin.” Sabi ko naman sa kanya, nakita kong lumaki ang mata niya tapos napatakip ng kanyang bibig, anong meron?
“Don’t tell me?! OMG! HAY SALAMAT! For how many years nasabi niya na!” sabi niya at tumayo tapos lumundag lundag na parang baliw.
Nacurious tuloy ako. “Hoy anong meron? May alam ka ba kung sino gusto ni Bryan?” tanong ko sa kanya na nagpatigil sa paglundag niya kanina pa.
“ANO?! HINDI MO PA ALAM KUNG SINO?! *facepalm* (ano ba naman tung si Bry torpe kahit kelan)” sabi ng loka. Pero may sinabi siyang di ko narininig. Tsk! Bakit lahat ng mga kakilala ko may tinatago sakin?
“Alam mo kung sino?? Nagtanong kasi si Bryan kung ano pwede niyang gawin sa situation niya ngayon..” sabi ko na lang din sa kanya. Pero I have this feeling na kilala niya.
“Kaya yan ang rason kung bakit tulaley ka?” pabalik niyang tanong sakin. Ano ba yan! Ano bang meron sa mga tao ngayon at pag tinatanong eh tanong din ang sagot?
“Bakit kilala mo nga?” tanong ko sa kanya.
“Hoy wag mo kong tanungin una akong nagtanong sayo.” Pabalik niyang sagot aba’t lumalaban.
“Parang ako yung unang nagtanong eh.” Sagot ko sa kanya. Pikon yan paminsan minsan yaan niyo na.
“Tsss. Oo kilala ko pero ayokong sabihin Sis. Alam mo ko kapag may sekreto ang isang tao hindi mo ko mapagsasalita unless na lang kung may nasasaktan na.” sagot niya. Tama naman siya, pero diba parang hindi naman magandang pakinggan na may tinatago siya. Naoffend ako. Tsss, pero hayaan na. I will understand kung masyado pang private yun para sa kanila.
“So kaya nga yan ang rason mo bakit tulaley ka?” tanong niya ulit sakin. May pagkamakulit din ang lahi nito minsan eh.
“Iniisip ko kasi kung sino para matulungan ko si Bry, I can see the pain in him while telling those words right in front of me. Gusto ko siyang maging masaya.” Sagot ko naman sa kanya. Totoo naman diba? Basta maging masaya siya susuportahan ko siya.
“Eh Sister, do you have any idea kung sino?” pagmamaang maangan nitong babaeng to. Alam ko naman alam niya. Sa sagot ba naman niya kanina sinong hindi magkakaidea na may alam siya.
“Wala eh. Wala siyang pinapakilalang babaeng kaibigan sakin. Suplado kasi nung lalaki nun sa lahat eh..” sagot ko naman tapos humiga sa kama ni Lin out of frustration. Kakainis kasi kelan ko ba mapapasaya yun?
“Sis what if kakilala mo rin siya? What will you do?” tanong ulit si Lin sakin with serious expression.
“I think, I’ll support them. Gusto ko maging masaya siya dahil ako lang parati niyang natutulungan at napapasaya and by supporting him with his love mapakita kong masaya ako para sa kanilang dalawa.” Sagot ko..
Pero may sakit akong naramdaman. PAIN, while saying those words.
“Hindi kaba masasaktan?” tanong niya. Sa tanong niyang yun.. Lalo akong naguluhan.
HINDI NGA BA AKO MASASAKTAN?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pabitin effects po ulit. HAHAHA! tinatamad ako ngayon eh.. =_______=
P.S every chapter has two parts
p.p.s : ANG HIRAP GUMAWA NG STORY NA WALANG EMOTICON! GRABE! TT3TT
this one is dedicated to: MarcosOnly
naging kaibigan ko sa pang aaway sa mga famewhores. LOL! xD
Next dedication is to my baby bro BillySmile :)
Need ko po ng comments niyo ngayon.. nakakatamad kasi magUD dahil sa mga nagsusulputang famewhores. =____= so sorry po if lame siya ngayon.
thank you for reading! :)
--TeddyCuddles11