CHAPTER 5- now and forever
"Sino to?" ang sagot ng nasa kabilang linya.
"Sister! Don't you remember me?" tanong ko sa kanya.. Sayang naman pag hindi niya number ito.
"SHE?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Lin sa kabilang linya.
"Oo sis ako nga to. Bakit di ka makapaniwala?" natatawang tanong ko sa kanya.
"kamusta kana?!" tanong niya pa..
Tsk. Tsk. Hindi pa rin siya nagbabago ganoon pa rin. Hahaha!
"ako unang nagtanong ah? Ano ba yan! Medyo okay lang Lin.. teka, alam mo ba kung saan si-----" hindi ko pa natapos ang tanong ko ay sumagot na agad si Lin..
"Si Bry?" Ang tanging rason kung bakit ako bumalik. Hindi ko siya nakakalimutan kahit ilang taon na akong nasa ibang bansa para kalimutan siya.
Ang tanging rason kung bakit ako umiyak pero mahal na mahal ko pa..
Oo hanggang ngayon mahal na mahal ko pa siya. Tahimik ang kabilang linya, siguro naghihintay ng sagot galing sakin.
"O-oo.. Asan siya?" garagal na tanong ko sa phone.
"Asan ka ngayon sis?" tanong niya..
"nasa bahay na ako sis.. sa dating bahay namin ditto. Punta ka na lang.. bagong dating lang ako galing States eh.." sagot ko naman sa kanya..
But she never answered my question a while ago, napaisip ako at kinabahan.
Minutes have passed ay dumating na siya.. kasama ang isang anghel? Oo.. isang bata, may dala ring kahon ang batang ito. Dali dali akong pumunta sa kinaroroonan nila para naman makausap sila at mapapasok na rin ng bahay.
"sis! *beso* kamusta ka na? anak mo na ba ito?" tanong ko sa kanya.
"ahh. Oo." Maikling sagot niya.
"Si Kyle pa rin ba ang tatay niyan?" masaya kong tanong.. oo siya yung 4 years na naging bf ni Lin nung umalis ako.