Nagising na lang ako na nasa banyo pa rin ako at nakalupagi sa sahig. Medyo nahihilo pa rin ako at halos manakit ang buong kalamnan ko. Muli akong napaiyak nung maalala ko ang mga nangyari. Umaga na at pinilit kung tumayo. Nung una ay di ko magawa pero dahil sa gusto kong malinis ang buon katawan ko ay pilit akong bumagon. Naligo ako at sinabon ng husto ang buong katawan ko. Bakas na bakas pa rin sa memorya ko ang mga naganap kagabi. Hindi ko pa rin maiwasang umiyak. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Nagtungo ako ng kuwarto ko matapos maligo. Pinunasan ko nang dahan-dahan ang katawan ko. Dampi lang sa mga hita ko. Mahapdi pa kasi ang mga sugat. Lalo na lang ako naiyak kasi yung makinis kong hita eh ngayon puro sugat na. Panigurado akong pepeklat to? Well sabagay aanhin ko ba naman ang maganda kong hita? Wala namang mawawala kung pangit na ito diba?
Matapos kong magbihis ay napangiti na lang ako pagkatapos ay napaluha. Hindi ko na ulit napigilan, humagulhol na ulit ako. Nagtungo ako ng aking kama at niyakap ko ang comfort zone ko, ang Hotdog pillow ko. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Alas singko na ng hapon nung maalimpungatan ako.
"Tao po? Lance? Arthur!? Tao po? Leon?"tawag ng isang lalaki mula sa labas ng bahay namin at kumakatok sa pinto.
Pinilit kong bumangon, kahit na lambot na lambot pa ako. Iba ang pakiramdam ko at piling ko ay inaapoy na ako ng lagnat. Wala pa ba ang mga kuya? Asan ba sila?.
"Tao po? Is anyone here?"malumanay na tanong nung lalaki.
Nung marating ko din sa wakas ang pinto ay agad ko itong binuksan. Nakatalikod na yung lalaki at wari ko'y paalis na din sa inip na wala namang sumasagot. Halos manlabo ang mga paningin ko sa sama ng pakiramdam ko. Nung humarap siya ay di ko na maaninag ang mukha niya. Basta ang alam ko ay matangkad yung lalaki, maganda ang pangangatawan at maputi. Tas nakasuot pa siya ng puting t-shirt. Anghel ata ito? Hanggang sa nagdilim na din ang paningin ko at bumagsak ang katawan ko. Pero ramdam kong sinalo ng malapad niyang dibdib at malaki niyang braso ang katawan ko. Nung time na yun kahit saglit lang ay naramdaman kong safe ako at nawala ang lungkot ko.
Nagising na lang ako na nasa loob ako ng isang kuwartong kulay puti halos lahat ang paligid. Shit ito na ba ang langit? Kung ito nga ay masaya na ako dito. Dito na lang ako.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki. Siya yung anghel kanina. Tama ako nasa langit na ako.
"Kamusta na pakiramdam mo? Bigla ka na lang bumagsak kanina sa harap ko nung buksan mo pinto niyo. Buti na lang alerto ako. Kaya agad kita nasalo."mahaba niyang kuwento. Dun ko lang napagtanto na di pala siya anghel yung anak lang pala ni aling Nora. Guwapo lang talaga siya.
"A-ahm... P-pagod lang siguro."sabi ko na halos namamaos. Medyo masakit pa yung lalamunan ko.
"Ano bang ginawa mo? Paos ka pa ata?"usisa niya.
"A-ano kasi naglinis ako ng bahay kagabi."dahilan ko na lang.
"The doctor said you were raped? Is that true? What happened to your legs?"
Naku should I tell him ba? I don't want to put my brother's life in danger. Pati ako napapaingles na.
"Wala naman po. Haha sino namang mang-re-rape sa akin? Bakla ako. Natilamsikan lang ito ng mantika."sabay turo ko sa mga hita ko "Tas yung mga galos ko eh nakuha ko lang sa pagkakahulog ko kanina habang naglilinis ako ng kisame na madami ng sapot. Haha".Dahilan ko na di ko sure kung epektib ba.
"Ganun? Next time take care of yourself Alex."aniya, buti naniwala.
Umakma akong babangon na para maka-uwi na. Pero pinigilan ako ni-wait? Ano bang pangalan niya?
BINABASA MO ANG
Sketchbook
RomancePatuloy pa rin ang pangarap ko na balang araw ay matatanggap din nila ang pagkatao ko... Lahat titiisin ko para sa kanila, para sa pamilya ko at para sa kanya... Tuloy lang ang pagguhit ng tadhana sa tila mala-blankong papel na daigdig na aking gina...