"H-hi Justin," bati ko sa kanya habang nasa T.LE. (Home Econmics) class kami. Maraming busy sa paggawa ng apron nila. Isa kasi ito sa activity namin. Yung iba ang daming reklamo. Kesyo para san pa daw itong pananahi, eh pede namang bumili na lang . Samantalang yung iba naman ay nagdadaldalan lang.
Pero si Justin wala lang, naka-ub-ob lang sa arm chair niya at nakasalpak na naman ang head set sa tenga niya. Kaya kinulbit ko siya para mapansin niya ako.
Okay first time kong makipagkilala sa lalaki huh. Shy type kasi ako. Pero tama naman sina Chris walang mangyayari kung lagi na lang ako papadala sa pagiging mahiyain ko.
Bumangon sa pagkakaub-ob si Justin at tumingin sa akin na naka-salubong ang kanyang mga kilay. Nakaka-intimidate kapag tumitingin siya ng ganun pero ang guwapo talaga.
"Oh?" sabi niya.
"Ah- eh... Kasi ano... Ako nga pala si Alex. Hehe" putol-putol kong pagpapakilala. Ano ba yan!
"Okay" matipid niyang sagot at bumalik sa pagkakaub-ob nya.
Haaayyy....
"Justin" kulbit ko ulit.
"Ano!!?" Medyo napalakas ang boses nya kaya naman nagtinginan ang lahat sa amin. Tapos ako, nagulat lang.
"Naku sorry, wala naman." Nanahimik na lang ako. At bumalik na siya sa pagkakaub-ob nya. Ewan ko ba bakit ba ramdam ko na ang parang ang laki-laki ng problema niya. Gusto ko lang naman sana siyang kausapin eh at itanong kung okay lang na ako na ang gumawa nung apron niya since never ko pa nakitang sinisimulan niya ito.
Pero siguro di ko na kailangan ko pang magpaalam. Kinuha ko na lang ito at sinimulan ko. Tapos na kasi ako sa aking apron. Ipagga-gawa ko din sana sina Emily at Chris kaso sabi nila wag na daw kasi tapos na sila kagabi pa sapagkat pinagawa na nila ito sa mga katulong nila.
Maya-maya pa ay may inanunsyo ang aminng guro sa Home Economics.
"Class makinig muna ang lahat sa akin," aniya namin na noo'y nakaupo lang sa may desk niya sa may unahan.
Lahat naman ay nabaling ang atensyon sa kanya. "Lingid sa kaalaman niyo ay magkakaroon tayo ng Food Fair next-next week. Taon-taon ay ginagawa ito para ipagdiwang ang Nutrition Month ganun din para lumabas ang entrepneurship skills niyo na related sa ating subject." Paliwanag niya, "Pero ngayong taon na ito ay napagdesisyon ng departamento na bigyang pagkakataon ang mga third sex na sumali sa pageant."Nagreak naman si Chris. "Talaga ma'am!?" Tuwang-tuwa niyang sabi.
"Oo Mr. Chavez." Sang-ayon ni ma'am kay Chris, "Tatawagin namin itong pageant na Miss TiLE 2013" (Nung nakaraan kasi is Miss T.L.E..Miss TiLE ngayon kasi nga mga bakla ang kasali).Pinagdidiwang ito para sa makaipon ang skul para sa pondo lalo ng sa mga iskolar na tulad ko.
Ah okay, di ako interesado diyan. Saka isa pa sigurado akong si Chris ang sasali diyan. Sa loob-loob ko.
"Kaya pag-usapan nyo nang lahat kung sino ang isasali ng section niyo". Sabi ni Maam.
"Ma'am!" Biglang nagtaas ng kamay si Chris. Sabi na nga ba at magpipresenta siya. Hahaha. Bumalik ako sa ginagawa ko sa pananahi ng apron ni Justin na noo'y nanatiling nakaub-ob at nakikinig ng music sa headset niya. Pero nagulat ako sa suhestyon ni Chris,
"Ma'am si Alex po ang isasali namin!"
"Ouch!" Napa-tile naman ako kasi natusok ng karayom ang daliri ko. At agad ko naman itong sinipsip para mawala ang pagdudugo.
"See! Ang galing tumile!" Sabi ni Chris at nagtawanan ang buong klase.
"Teka bakit ako Chris?" pagtataka ko, "Ayoko!"
BINABASA MO ANG
Sketchbook
RomancePatuloy pa rin ang pangarap ko na balang araw ay matatanggap din nila ang pagkatao ko... Lahat titiisin ko para sa kanila, para sa pamilya ko at para sa kanya... Tuloy lang ang pagguhit ng tadhana sa tila mala-blankong papel na daigdig na aking gina...