"Love on Top" Chapter 21

73 4 0
                                    

Matapos ng report namin. Kinabukasan ay susunod naman sina Chris at Emily. Kaya naman agad akong rumusponde.

"Naku Lexy! Thank you so much talaga kung wala ka panigurado di namin ito matatapos. Buti na lang talaga adyan ka!" puri ni Emily na ikinangiti ko naman.

"Thanks Lexi! Ang aga naming natapos ng dahil sa iyo." ani Chris.

"Hehe wala yun, pambawi lang din yan sa kabaitan niyo sa akin." sagot ko.

"Sus andrama naman natin! Tara na ngan kumain! Dun tayo sa canteen." Yaya ni Chris. "Libre na kita Lexy."

"Huy ako din!" ani Emily.

"Che! Close tayo?" Pagtataray ni Chris na ikinatawa ko naman. Mga baliw talaga mga ito.

"Che!" sabi naman ni Emily.

Asa canteen kami habang nilalasap ang pagkain nung makita kong kalampungan ni Justin si Chanel. Hindi ko maiwasan na madurog ang aking puso sa tuwing makikita ko sila. Pero in the end marerealize ko lang din na friends nga lang pala kami ni Justin. Walang karapatan para magselos!

"Huy!" sabi ni Chris.

"Ha?" tugon ko.

"Wag mo nga silang pagkatitigan! Magseselos ka lang niyan!"

"Ha? Hindi ah!"

"Sows! Hindi daw eh halos di nga mai-pinta ang mukha mo diyan." kumento ni Emily.

"Ano bang nagustuhan mo sa lalaking yan!? Oo guwapo naman nga siya kaso ang yabang naman! Kala mo kung sino." Tanong ni Chris.

"Bakit ba ang bitter mo lately kay Justin?" tanong ni Emily.

"Ewan ko, ang bipolar niya kasi. Nung una naman namamansin yan sa atin aba nung nagtagal eh isnob na? Tinatawag ko yan nung isang araw aba! Deadma? Kaimbyerna!" salaysay ni Chris.

"Sus ang sabihin mo! Hindi ikaw ang type ni Justin! Kundi si Lexi. Haha"

"Che!"

Nakikinig lang ako sa kanila, nang tanungin ako ni Chris.

"Yung totoo Lexi, kayo na ba ni Justin?"

"Ha? Grabe! Hindi no? Kita mo naman sila ni Chanel. Saka pano naman magiging kami eh unang-una ayaw nun sa bakla."

"Sows! Malay mo naman!" ani Chris. "Ewan ko ba sa'yo ba't patay na patay ka diyan! May Killian at kuya Mike ka naman! Di hamak namang mas guwapo at macho ang mga yun compared kay Justin!" sabi ni Chris. And speaking of Killian? Madalas di ko siya makita sa campus ah? Mula nung pageant ay hindi ko na ulit siya nakita. Sa'n na kaya yun? Gusto ko pa naman sana siyang pasalamatan. Ang laki ng naitulong niya sa akin noon eh.

"Uy! Lexi! Natulala ka na diyan?" sabi ni Emily.

"H-ha?" ani ko nung nahimas-masan.

"Ewan ko sa' yo Lexy!? Ang mabuti pa ay sumama ka na lang sa amin mamayang gabi mag-ba-bar tayo." yaya ni Chris.

"Luh! Di ako umiinom."

"Weh?" singit ni Emily.

"Promise." sabi ko.

Nakailang pilit sila sa akin bago ako nila ako nadala dito sa Bar na ito. Hndi ko alam kung anong pangalan ng bar na ito kasi hanggang sa pagdating eh hinila-hila na ako papasok.

Laking gulat ko na lang na adun din sina Louie, Josh at Justin?

"Hi Alex." bati sa akin ni Louie.

"H-hi, anong meroon?"

"Birthday ko." sagot ni Louie. Noon ko lang napagtanto na adun din pala ang buong klase. Mga nagkakagulo, nagpapakasaya, at sumasayaw sa dance floor.

SketchbookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon