"Date" Chapter 28

51 2 0
                                    

"Alex!" tawag sa akin ng isang lalaking umakbay sa akin pagkalabas ko ng room pagkatapos ng klase namin sa Values. Si Justin pala. Hindi kami magkatabi ni Justin pag time ng values kaya mas nauuna akong lumabas kasi asa may likudan lang ang upuan ko.

"Oh?"

"Tarang gumala mamaya sa mall!"

"Ha? Naku next time na lang siguro." pagtanggi ko. Wala kasi akong pera ngayon eh.

"Please..." pagmamakaawa niya, humaba pa ang nguso niya. Haha ang cute!

"Ano kasi kakaonin ako ni kuya Mike mamaya." dahilan ko na lang. Pero totoo naman eh.

"Please..."

"Justin gusto kitang kasama alam mo yan... K-kaso di talaga ako pede ngayon eh."

"Ganun ba. Okay. Geh." sabi niya na may halong panlulumo sa reaksyon niya. At inalis niya na ang akbay niya. Naglakad na siya ng papalayo.

"Alex tara munang dumaan ng canteen bago tayo pumasok sa last period natin gutom na ako eh." sabi ni Emily nung lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa likod ni Justin habang papalayo siya. Parang nakakaguilty naman na hindi ko siya pinagbigyan.

"Huy!!! Ano't para ka namang namatayan diyan ng guwapong lalaki !?"  gulat sa akin ni Chris. "Ay sows!!! Si Justin na naman!!! Umamin ka nga sa akin Lexie! Kayo na ba ni Justin?!" pang iintriga niya.

"Hala!? Hindi no! Impusible! Bestfriends lang kami no?"

"Wow bestfriends? So kami ano na kami sa'yo?"

"Ha? Friends naman tayo ah?"

"Wow ha! Friends lang talaga!? Wow ano to? Nakabingwit lang ng guwapong kaibigan friends na lang kami? Nakakatampo ha!" ani Emily.

"Grabe! Haha! Siyempre MAS best friend ko kayo." galak na sabi ko. Aakbay sana ako, kaso...

"Che!" sabi nung dalawa sabay flip ng head nila then walk-out.

"Seryoso? Huy antay!" hinabol ko sila pero binilisan pa nila ang lakad pero di ko sila naabutan. Haaay... Mga yun talaga.

Dumiretso na lang ako sa room namin. Nakaupo na si Justin sa upuan niya. Eh? Nagbabasa ba siya ng libro? Anong meroon? Nakakatuwa naman.

Tumabi na ako sa kanya. Tinititigan ko lang siya habang nagbabasa siya. Ramdam niya sigurong nakatitig ako sa kanya. Kaya napatingin siya. Nginitiam ko naman siya.

"Oh adyan ka na pala." aniya sabay baling ulit sa pagbabasa niya.

"Sige nga tanungin nga kita. What was the largest empire of classical entiquity period, and one of the largest empires in world history. Tanong ko habang wala pa si Maam.

"Ewan."

"Ay? Kala ko pa naman nagbabasa ka na."

"Roman Empire"sagot niya.

"Wow! Alam mo yung sagot!!! Naks! Ang galing!!!"

"Para naman akong bata niyan kung mapuri mo. Di lang kasi ako nagbabasa ng libro kaya di ako nakakasagot sa recitation. Pero once na makapagbasa ako eh nakakasagot naman ako. Madali lang naman mag-aral, nakakatamad lang."

"Ahhhh... Ganun ba?" ngingiti ngiti kong sabi. "So bakit ang sipag mo ata?"

"Haha siyempre inspired eh."

SketchbookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon