"The Real Cinderella" Chapter 25

71 3 0
                                    

Wala pa din siyang malay. Kinontak na namin kanina si Mayor Ramirez pero asa Manila daw siya ngayon at baka bukas pa daw siya makapunta dito sa hospital. Nagkataon namang wala ang kasambahay nila Justin at nasa probinsya daw at baka bukas pa din ang balik. Kaya naman yung boy na lang nila yung nandito ang nagbabantay sa kaniya.

"Kuya mag-kape ka muna. Heto oh bumili ako diyan sa may vendo." ang sabi ko pagkapasok ng kuwarto at iniabot kay kuya.

"Kaibigan ka ba ni Sir Justin?" tanong neto. Sabay higop sa kape. "Masarap itong kape, salamat." dugtong pa niya. Medyo matanda na si kuya siguro asa edad trenta singko na. Kaya naman parang ang mature-mature niyang magsalita.

"O-opo." sabi ko at tumabi sa kinauupuan niya. Napatitig na lang ako sa kalagayan ni Justin ngayon. "Kamusta daw po si Justin?"

"Okay naman siya. Minor injuries lang. Kailangan niya lang daw magpahinga."

"Buti naman po." Hayyy...Buti na lang okay siya. Nareleive naman ako. Kasi naman grabe yung lagay niya halos bugbog sarado na siya.

"Yung nga lang pinag-aaralan pa kung may STD siya sa dami ng baklang gumalaw sa kanya. Nakakaawa nga si sir eh." sabi niya sabay higop ulit sa kape niya.

"G-ganun po ba?. Sana naman okay lang siya. Wag sana siyang magka kumplikasyon." sabi ko at lumapit kay Justin. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Ngayon ko lang nahawakan ng ganto ang kamay niya. Napakalambot.

"Sana nga. Ikaw siguro yung Alex no?" tanong ni kuya.

"Ay opo. S-sorry nalimutan ko na pong magpakilala."

"Okay lang. Ako nga pala si Lindo. Hehe. Madalas kang ikuwento sa akin ni sir. Tama nga siya napaka-amo nga ng mukha mo. Isa pa halatang mabait kang bata. Alam mo ba iho. Tuwang-tuwa si sir sa'yo? Ngayon nga lang daw siya natuwa sa bakla." mahabang papuri niya. Sa mga sinabi niya ay napangiti ako ng husto. Medyo kinilig na din. Ibig sabihin ba nun eh. Madalas niya din ako maalala? Jusko. Siguro nga may gusto na din siya sa akin. Muli ay nagkaroon ako ng pag-asa. Alam kong impusible pero malay mo naman.

"Alam mo kilala ko yang batang yan. Halos ako na nagpalaki diyan mula nung namatay ang nanay niya, namatay sa sama ng loob. Heto iho atin-atin lang. Tingin ko naman mabait ka talagang bata dahil matalik kang kaibigan ni sir Justin, kaya sasabihin ko ang totoo. Bakla si Mayor Ramirez. Marami na yung nakalantaryong lalaki. Kahit nga ako eh kamuntikan na. Naku! Maniwala ka sa akin masama ang ugali nung mayor na yun. Kaya ako naiintindihan ko si sir kung bakit siya galit na galit sa kanyang ama at sa mga bakla. Marami na ding pinapatay si Mayor Ramirez. Si maam noon ay walang nagawa kaya nagkasakit halos madepress kaya hayun nawala ang mommy ni Sir Justin."

Sa mga kuwento ni kuya. Muli ay nadurog ang puso ko kaya naman pala galit na galit siya sa akin noon. Ngayon alam ko na. Mas mabigat ang pinagdaanan ni Justin kumpara sa pinagdadaanan ko. Akala ko noon ako na ang may pinakamasaklap na buhay. Pero mali ako.

"Kaya naman nung nakilala niya si Chanel yung girlfriend niya, eh minahal niya to ng sobra ng higit sa buhay niya. Pinahalagahan niya ito. Nawala kasi ang pinakamamahal niyang babae at yun ang kanyang ina. Kanina ko pa nga kinokontak si Chanel pero hindi nasagot eh."

"Naku kuya wag niyo na pong kontakin si Chanel. Siya po ang may kagagawan ng lahat ng ito." ang pagpigil ko kay kuya nung tinangka niyang tawagan ulit si Chanel.

"Ano!? Paanong?"

"Opo." ang panimula ko at tumabi kay kuya pagkatapos ay ikinuwento ang lahat sa kanya ng nanyari.

"Hindi ko akalaing naging biktima din ang ama ni Chanel. Nakakaawang mga bata biktima ng kasalanan ni Mayor. Kasuklam-suklam talaga." kumento niya at tinapos ang pag-inom sa tila lumamig na niyang kape. "Kaya naman paki-usap ko sa'yo Alex iho o iha?"

SketchbookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon