3

35 2 0
                                    

CHAPTER 3

               Nagsi uwian na ang mga bista, tanging mga malalapit na kaibigan lamang nina Dennis at Marj ang naiwan para sa hotel accommodation at kabilang na ako doon. Binuksan ko ang pintuan ng hotel ng biglang tumambad sa akin ang taong iniiwasan ko ang taong ayoko Makita at ang pinaka crucial thing is yung nakalimutan ko na magkabarkada si Dennis at si Nick. Tinamaan nga naman ng katangahan bat di ko ba naisip agad? Halos pigil sa tension ang lahat at ang maayos sanang kamustahan ay nauwi reunion ng magkasintahan. Napatingin ang lahat sa akin kasama na doon ang Ex Boyfriend ko na si Nick. Napatingin din ako kay nick at matapos nun ay pairap kong inalis ang mga tingin na iyon at dumiretso na sa may hagdanan Di naman ako masyadong AFFECTED DI BA?!

               Pagpasok ko pa lang ng kwarto ay padabog ko ng isinara yung pinto, Akala ko sapat na ito para mailabas ang sama ng loob ko pero kulang pa pala, Nagbabad ako sa bath tub, nag ayos ng buhok, nag make up halos lahat ginawa ko na para lang maalis sa isipan ko ang lalaking yun. Hanggang sa nagdesisyon na akong mag impake ng gamit at umalis na ng hotel ng gabing iyon. Binuksan ko ang pinto ng bumungad agad sa akin ang mukha ni Nick, ni ayoko nga syang tingnan tapos ngayon magkatapat pa kami ng kwarto!, grabe naman tong tadhana na ito!, napaka mapang asar!. Hindi ko sya pinansin at nagdire diretso na sa hagdanan para bumaba.

               Masyang nag kukwentuhan sila Josh (barkada ni Nick at Dennis), Dennis (asawa ni marj, kaibigan nina Josh at Nick), Diane (girlfriend ni Josh) at si Marj  ng dumating ako. Gusto ko ng umuwi! Agad kong sinabi kay marj habang hatak hatak ko ang maleta na ngayon ay nasa tagiliran ko. Zel, 10:45 na ng gabi, masyado ng delikado kapag nag byahe ngayon! Paliwanag ni Dennis,Wala akong pake Dennis kung gabi na!,  Marj ayoko na dito! Wala akong mapaglibangan! Excuse ko kay Marj. Tama si Dennis Zel, gabi na masyado! Pagsasang ayon ni marj sa asawa. PERO ayoko na nga!, Akala ko ba ihahatid mo ko! naiinis na kong banggit. Inakbayan ako ni Josh Chill ka lang Zel, bat di mo muna bitawan yang bagahe mo at umupo muna dito! Pangungumbinsi naman ni Josh. Inalis ko yung kamay ni Josh at pataray kong sinabi na Hindi tayo close para akbayan mo ko at higit sa lahat hindi kita kausap para magsalita na lang!  Natahimik si Josh dahil sa sinabi ko BAT KA BA NAGKAKAGANYAN! Inis na nagsalita si Diane. KUNG BAKIT AKO NAGKAKAGANITO? BAT DI MO KAYA TANUNGIN DYAN SA SARILI MO AT DYAN SA BOY FRIEND MO! Napataas na din ang tono ng pananalita ko. Alam kasi ni Josh at Diane na may ibang babae si Nick ngunit ni hindi man nila ipinagtapat sa akin ang katotohanan. Ops Ops Ops!, tama na yan! Awat ni Josh. Mag oorder na lang ako ng Milk tea para lumamig na ang ulo nyo sabi ni Dennis. Wala namang pumansin kay Dennis ng magsalita ito. Zel tama na! Awat ni Marj pagkatapos nun ay tumahimik na ako. So!.. wala pa lang gustong maghatid sa akin, Fine! Eh di aalis na lang ako mag isa! Sabi ko Zel hindi yan yung gusto kong sabihin! Paliwanag ni Marj tumalikod na ako ng magsalita ulit si Diane BAKIT? HINDI KA PA BA NAKAKA MOVE ON! Pang asar na tanong nya. Muli akong humarap sa kanya NAKAMOVE ON NA AKO, KAYA NGA WALA NA AKONG PAKELAM SA KANYA! Mabilis kong sagot. Talaga?, naka move on ka na agad sa ka gwapuhan ko? sabi naman ni Nick na nasa taas. Unti unti syang bumaba kasabay nun ay ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Nawala bigla ang galit ko, ang kaninang tapang na pasagot sagot kay Diane ay biglang naglaho, para akong naging isang tipak ng yelo na hindi makagalaw hanggang sa ilang inch na lang ang pagitan ng mukha namin. Na aamoy ko na ang pabangong madalas nyang gamitin. Subukan nga natin kung naka move on ka na! Unti unti nyang inilapit sa akin ang kanyang mukha, ang kanyang labi ay palapit ng palapit sa aking labi ng bigla ko syang itulak. Sige Nick! Ipapakita ko sa’yong naka move on na ako! Kinakabahan kong sinabi sa kanya at matapos nun ay papaakyat na ako ng hagdan ng muli syang nag salita Zel napalingon ako Yung Luggage mo dugtong niya habang ipinakita nyang hawak hawak nya iyon at ngingisi ngisi. Bumalik ako at kinuha iyon pagka kuha ay umakyat na ako agad.

Vote, Comment and be a fan ^_^

inaasahan ko ang comment mo ^_^

Campus Mate (On Hold) sorry >_<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon