CHAPTER 2
*PAST*
Binuksan ni Nick yung pinto, bakas sa mukha nya ang pagkagulat, napangiti na lang ako sa reaksyon nya, ibinungad ko sa kanya ang mahigpit kong yakap at isang matamis na halik sa kanyang labi, ng mapansin ko bigla ang isang mark ng lipstick sa collar ng kanyang damit. Hindi ko iyon pinansin. Ang tagal na nga nating hindi nagkita ganyan pa ang reaksyon mo! Nag pa cute pa ako sa kanya habang sinasabi ko iyon. Hindi hindi, nagulat lang talaga ako sayo, katwiran nya Hindi mo ba ako papapasukin? Pabiro ko namang tanong sa kanya. Binuksan nya yung pinto, bumungad agad sa akin ang isang babae na naka upo sa sofa, her lipstick is a little bit fade, Alam ko tanga ako kung di ko pa ma understand tong nakikita ko pero marahil tanga nga ako, Hindi ko iyon pinansin, I act innocent dahil gusto ko sya ang mag klaro ng nakikita ko. Sino sya? Tanong ko at para rin mawala ang awkward na aura. Zel, si Anastacia yung model ng bago nating product! Sagot ni Nick. Ummm... sya pala yun!, so Amerikana pala yung modelo natin! Sabi ko Hindi Zel, isa syang pilipina masayang sabi ni Nick. Sir aalis na muna ako! Sabi ng model matapos nun ay umalis na sya. Humawak naman sa aking bewang si Nick at ngingiti ngiti na ngayon. Sya nga pala Nick nag vacation leave ako kaya simula sa araw na na ‘to makikita mo na ko! masaya kong sinabi sa kanya. Edi simula ngayon dito ka na titira bulong sa tenga ko ni Nick. Sira!, mag Boy friend at Girl friend palang tayo! Hindi pa mag asawa!, sabi ko.Hinalikan nya ako sa aking labi at sweet na sinabi Na miss kita Zel.
*end*
Sinabihan ako ng Driver dahil nandito na kami sa reception, beach reception ang tema nitong kaibigan ko. Bumaba ako sa sasakyan at ibinigay ang bayad. Nakita ko agad ang ganda ng dagat, ang mga bisita na masayang kumakain at ang aking Best friend at kanyang asawa. Unti unti kong inihakbang ang aking mga paa kasabay nun ay ang pag alaala ng kaparehas na sitwasyon ng aking nakaraan.
*PAST*
Where’s Nick? Tinanong ko sa mga kasamahan ni Nick sa trabaho. Itinuro naman nila ako sa Cafe na nasa labas nitong building. Ngayong tanghali kasi gusto kong sabayan sa pagkain ang super busy kong Boy friend. Gusto ko din makipag kwentuhan sa kanya kaya naman naisip kong puntahan sya sa pinagtatrabahuhan nya, 3 days na akong nasa L.A. medyo mapa nga lang ang meron ako dahil di ko pa masyadong kabisado ang paligid. Agad akong lumabas ng building at pinuntahan ang cafe na itinuro sa akin, mabilis ko din naman itong nahanap. Dumaan ako sa glass mirror nitong cafe at bumungad agad sa akin si Nick at si Anastacia na nag uusap. Hindi ko alam pero nakatingin lang ako sa kanila...
*end*
Habang naglalakad ako papalapit sa Best Friend ko na si Marj. ay nakita ko silang naghalikan ng kanyang asawa na si Dennis, Muli ko tuloy na alala ang bagay na gusto kong kalimutan.
*PAST*
Nakatingin lang ako kala Nick at Anastacia, Nag uusap sila ngunit hindi ko naman marinig ang kanilang pinag uusapan. Nagulat na lang ako ng biglang hinalikan ni Nick si Anastacia. Unti unti akong kinakain ng katotohanan, nasasaktan ako kahit na ayoko. Ano pang mas sasakit kung nakikita mo na yung boy friend mo nakikita mong naghahalikan sa harapan mo. Di ba wala ng papantay sa sakit na nararamdaman mo!, Hindi ko inaasahang may tumulong luha sa gilid ng aking mga mata. Kasbay nun ay ang paglingon ni Nick sa labas. Nagkatitigan kami at halos mag usap na ang aking mga mata at pilit nitong itinatanong kung bakit nya iyon nagawa? Hindi ko inaasahang bumuhos ang luha sa aking mga mata kaya naman tumalikod na ako, Narinig ko na lang na may sumigaw na Zel sa likuran ko, marahil ay si Nick iyon. Pinilit kong tumakbo, ayokong Makita nya ako sa ganung sitwasyon. Gusto ko syang murahin o sampalin pero hindi ko magawa dahil kinain na ng sama ng loob ko ang aking tapang. Tumakbo ako at dali dali akong sumakay ng taxi para maka alis sa lugar na yun.
*end*
Napa bitter smile ako ng Makita kong nag halikan ang best friend ko at si Dennis. Marahil ay dahil na rin sa ala ala ni Nick. Umupo ako sa isang table kung saan ako lang ang tao na nakaupo doon, Ilang saglit pa ay lumapit sa akin si Marj. Bruha ka!, bat ngayon ka lang nag paramdam! Naiinis pa nyang sinabi sa akin ngumiti lang ako sa kanya Hoy! 1 month ka na kayang nawawala simula ng- hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin ng bigla akong nagsalita Oo nga ehh 1 month na ang nakakalipas kaya nga miss na miss na kita sabi ko sabay yakap sa best friend ko. Miss ka dyan! Ni hindi mo nga ako tinext o tinawagan man lang sa iba ko pa nalaman na- inunahan ko na sya bago pa nya sabihin na break na kami ni Nick! Tumingin sya sa akin ng seryoso Ayos ka na ba? Concern na concern na itinanong nya sa akin. Ayos lang ako! Ngingiti ngiti ako habang sinabi iyon Nakamove on ka na Ba? Isang madaling tanong na mahirap saguten. Ayokong mag sinungaling sa BFF ko pero kailangan ayoko kasing pati sya maging malungkot para sa akin Oo naman!, kahit na Makita ko pa sila ng Babaeng yun! Sagot ko. Friend, alam kong hindi ka pa ayos!, dahil hanggang ngayon mahal mo pa rin sya!, isang masakit na katotohanan ang sinabi ng best friend ko muli akong nag bitter smile sa kanya honey! Picture taking na daw tayo! Yaya ng asawa ni Marj pano maiwan muna kita dyan!, basta kahit anong mangyari andito lang ako Zel, sa tabi mo lagi Sabi ni marj. at muli na naman akong naiwang mag isa sa table na yun.
Naglakad lakad ako sa dalampasigan, gusto ko kasing Makita ang paglubog ng araw. Umalis na ang mga bisita at ang kung kanina ay ayos na ayos ito ngayon nililigpit na ang mga silya at lamesa na ginamit. Umupo ako sa buhanginan malayo ang tingin at halos ipamukha ko na hindi pa rin ako maka move on sa nagyari. Na ayoko na, na tama na. Bat ba kasi lagi kong naaalala ang nakaraan naming ni Nick? Ganun ba kahirap na kalimutan sya?, Unti unti ng lumulubog sa araw kasabay ng paglubog nito ang pangako ko sa aking sarili na kakalimutan ko na ang 5 taon naming pagsasama ni Nick, Ang 5 taong masasayang ala ala at ang 1 araw na napakasakit alalahanin.
Madilim na ng magpasya na kong bumalik sa hotel. Pinagpasyahan ko kasing hindi na ako kakain ng hapunan dahil masyado akong na busog sa kinain ko ng tanghali. Bago pa ako makapasok sa hotel ay may napansin akong pamilyar na sasakyan, tumawa ako ng pilit Imposible naman na kay Nick yan! Bulalas kong sinabi.
^_^ vote, comment and be a fan.
Inaasahan ko ang comment nyo ^_^
BINABASA MO ANG
Campus Mate (On Hold) sorry >_<
Teen FictionNaniniwala ka ba sa true love? Paano kung ang taong nagsabi sayo na hindi ka nya ipagpapalit ay nalaman mong niloko ka? Paano kung sabihin ng tandahana sa yo na. Nagkakamali ka sa inaakala mong... He's The One