Chapter 18
tulad ng dati, sinabi ko kay Nick na itago ang aming relasyon dito sa opisina. Ayoko kasi na mag karoon kami ng issues lalo na ang pagtampulan ng tukso sa opisina. Pumayag naman sya sa sinabi ko.
3 weeks na ang nakakalipas. simula ng maging kami. Nakakatuwa nga dahil hanggang ngayon ay pinapatunayan nya sa akin na nagbabago na sya
Unti unti binubuksan ko ang aking puso para sa kanya. Month end ngayon kaya naman napaka busy sa opisina, may mga ilan nga na hiniram mula sa ibang department para lang tumulong. Nagkasabay sabay kasi yung mga events at yubg trabaho sa opisina.
Bukas din ay may isang investor na magpupunta kelanangan namin na makumbinsi sya. Hindi naman ako ang naatasan na magpresent kaya naman bali wala lang sa akin sya.
Dahil sa maraming gawain sa opisina ay napagpasyahan na mag Overtime ako kaya naman kahit na pagod na ako ay kailangan ko pa rin iyong asikasuhin. Wala din naman akong magagawa dahil trabaho ko naman talaga ito. Tumayo ako sa upuan ko ng mapansin ko na ako na lang pala ang tao sa department ko. Iilan na lang ang bukas na ilaw. Pinagpasyahan ko na na umuwi na, pero nagulat na lang ako ng namamatay sindi ang ilaw sa opisina. Naalala ko tuloy ang mga ghost story na sinasabi ng mga empleyado dito. Na.. na may multo sa Cr. at tyempo naman na ihing ihi na ako.
Lumunok na lang ako, at pinalakas ang sarili ko. Pumunta pa rin ako sa loob ng cr. sa second floor. Papalapit pa lanv ako ng cr. ng makarinig ako ng mga patak ng tubig mula sa gripo. Dahil na rin sa tahimik na ang building unting kaluskos lang ay dinig na dinig ko. Pagpasok ko sa loob ng Cr. ay nakapatay ang mga ilaw nito. Binuksan ko pa iyon. Nakaramdam pa ako ng panlalambot ng tubod ko at matinding pagkatakot.
Tutuloy pa ba ako o hindi? nagtatalo ang utak ko, pero mas nanaig pa rin sa akin na maka ihi na at umalis sa lugar na yun. Kaya tumuloy na ako.
Paglabas ko ng Cubicle ay mas lalo pa akong kinabahan. Agad akong tumakbo papa alis ng Cr. madilim na at may na aninag akong tao sa dilim.
Hindi ko alam kung lalapit ako o hindi, basat ang nakikita ko kasi ay hindi sya gumagalaw..
>__< Natatakot na ako!!!
Tumakbo ako sa kabilang direksyon ng bigla ay may humatak sa aking kamay.
Napahinto ako dahil sa humatak. Ano bang gusto nito?? nanginginig na yung katawan ko ng hustok.
Zel, Ano bang problema mo? sabi ng pamilyar na boses.
Humarap ako sa kanya at nakita ko na si Nick yun.
Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Samantalang sya ay nagtataka.
------------------
Shikihina:
>___< Last 1 chapter,
Comment po please

BINABASA MO ANG
Campus Mate (On Hold) sorry >_<
Novela JuvenilNaniniwala ka ba sa true love? Paano kung ang taong nagsabi sayo na hindi ka nya ipagpapalit ay nalaman mong niloko ka? Paano kung sabihin ng tandahana sa yo na. Nagkakamali ka sa inaakala mong... He's The One