4

36 2 1
                                    

CHAPTER 4

NICK POV

               Tuluyan ng naka akyat si Zel ng hagdanan at dinig ko ang pagkalabog nya ng pintuan. Buti na lang Napigilan mo si Zel na Umalis sabi ni Josh. Sisiguraduhin kong hindi nya ako makakalimutan. Sabi ko habang ngingisi ngisi pa rin ako dahil sa reaksyon sa akin ni Zel. Isang malakas na sampal ang aking natanggap mula sa Best Friend nya SHIT!, PANO MO NAGAWA YUN SA BEST FRIEND KO!? sabi ng galit nag alit nasi Marjory. Hinahawakan naman sya ni Dennis sa balikat ISA KA PA DENNIS, sabay alis ng kamay ni Dennis KAYO NG BARKADA MO! TINURING NYO KONG TANGA!! HINDI NYO PINAALAM SA AKIN NA MAY BABAE SI NICK!, AT ANO ANG ALAM KO NAG BREAK SILA DAHIL SA TAMPUHAN!! AT NI ISA SA INYO WALANG GINAWA PARA MAG TINO ANG KAIBIGAN NYO!! Muling naibaling sa akin ang tingin ni Marjory ANG KAPAL DIN NG MUKHA MO PARA SIGURADUHING HINDI KA NYA MAKAKALIMUTAN! Galit na galit nyang sinabi Marj! mapanuyo kong sinabi. HWAG NA HWAG MO KONG MATATAWAG NA MARJ. DAHIL ANG TAONG MAY KARAPATAN NA SABIHIN YAN AY ANG TAONG SINAKTAN MO! Galit nyang tugon. I LOVE HER Marj at gagawin ko ang lahat para mapatawad nya ako! Sabi ko sa kanya. DAMN! MATAPOS ANG LAHAT SASABIHIN MO NA MAHAL MO SYA! galit nag alit nyang sinabi. Pero tumingin lang ako sa kanya SIGURADUHIN MONG MAHAL MO SYA!, DAHIL KUNG SASAKTAN MO LANG SYA ULIT SISIGURADUHIN KO NA MAPUPUNTA KA NA SA HUKAY! Matapos nya akong pag bantaan ay umalis na sya. Agad namang sumunod si Dennis kay Marjory. Pare Kung nakinig ka lang sa akin noon, Hindi magkakaganito ngayon sabi ni Josh. Mabilis kaming magpatawad!, Lalo na kung nakikita naming na nagbabago ang isang tao sabi ni Diane. Umalis na ang lahat sa lobby at naiwan na lang akong mag isa. Umupo ako sa sofa na nandoon. Ipinikit ko ang aking mga mata.

*PAST*

               Im not a good guy!, hindi ako mag sasabi ng kung anu-anong dahilan dahil alam ko naman na ako ang mali sa nangyari. 2 days ko pa lang nakikilala si Anastacia bago pa ako umalis ng Pilipinas. Pumunta sya sa opisina at ipinakilala sa akin. Lalaki ako kaya normal lang naman na magandahan ako sa isang model. Sinabi ko sa kanya na may girl friend na ako pero ng nasa L.A na kami pumayag syang maging 3rd party ko. Wala syang dinedamand sa akin di tulad ni Zel na nagtetext at tumatawag araw araw. Sya kung kelan ko lang gusto syang makausap o Makita. Model sya samantalang si Zel hindi. Siguro nga naakit ako sa anyo nya. Mababalikan ko naman si Zel, wala namang makakapansin kay Zel, at ni walang mag kakainteres. Hindi ko naman sinasabihan na panget ang girl friend ko pero ang sinasabihan ko ay kung pagtatapatin ko si Anastacia at sya, maraming pipili kay Anastacia. Kaya naman ng mawala si Zel sa paningin ko ay hinayaan ko na magkaroon ng ibang ka relasyon. Hindi ko inaasahang mahuhuli ako ni Josh ng bumisita sya sa akin 2 weeks pa lang ako nun sa L.A. pinagsabihan nya ako at pinayuhan, pero hindi ko iyon sinunod. Sinabi din nya na nagbabalak mag leave si Zel sa opisina para lang makasama ako bagay na hindi ko pinansin. Hanggang sa isang araw habang naghahalikan kami ni Anastacia ay may nag doorbell, ayoko sanang buksan pero makulit talaga yung taong yun. Nagulat na lang ako ng si Zel yun. Akala ko mabubuko na nya ako pero hindi nya nahalata. Gusto ko na sanang tapusin ang relasyon namin ni Anastacia pero parang ayoko pa rin syang bitawan. Alam ko selfish pero gusto ko dalawa ang hawakan ko.

*end*

               Idinilat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw nitong hotel. Kaya minabuti kong pumikit ulit.

*PAST*

               Akala ko kapag nag ingat ako hindi na nya mapapansin pero mali ako. Kahit na anong ingat ko mahuhuli at mahuhuli pa rin ako. Nasa Cafe kami ni Anastacia pinag uusapan ang aming date para sa sabado. Hinalikan ko sya sa cafe matapos nun ay may napansin akong tao na nasa bintana. Tiningnan ko sya. Kitang kita ko kung pano pumatak ang luha nya. Matagal syang nakatayo at nakatitig sa akin, para nyang sinasabi sa akin na bat ko sya niloko, na ano tong nakikita nya? Na totoo bang ginawa ko ito? Lumabas ako agad, nagtatatakbo sya, pilit ko syang hinahabol pero hindi ko sya naabutan dahil nakasakay na sya ng taxi.

               Nang araw na din yun ay nakipag hiwalay na ako kay Anastacia, Na realize ko na mali ako. At nagsisisi na.

*end*

               Dumilat na ako, At umakyat sa hagdanan para pumasok sa kwarto. Bago ako pumasok sa kwarto ko matagal kong tinitigan ang pinto ng kwarto nya. Malapit naman ang pagitan natin pero bakit nararamdaman ko na napaka layo mo na sa akin?

Campus Mate (On Hold) sorry >_<Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon