Season 1 - Chapter 38: In Trouble

422 6 0
                                        

Lumabas na sila sa office. Hinila siya ni Almira at mahigpit na niyakap. Ganoon na lamang natunaw ang damdamin ni Celestial. Pakiramdam niya'y tatahol siya ng iyak kapag hindi niya napigilan ang sarili. Hindi niya naisip na mawawalay siya sa kaniyang Ina. Gigising siyang hindi si Almira ang unang nilalang na makikita, gigising siyang wala ang kaniyang Ina. Hanggang kailan nga ba siya makakatagal?

"Anak..."

And there her tears fell. She longed for that, she waited for damn years to be called that. That was the purest voice she ever heard from Almira admitting she's her child. And she couldn't be happier from that moment. Tinawag siya ng kaniyang Ina na anak, ganoon pala ang pakiramdam. Ganoon pala. Para siyang nanalo sa patimpalak at nakuha ang unang pwesto. Sobrang saya sa pakiramdam.

"'Ma, magtiwala lang po kayo, magiging maayos ako dito." Aniya at niyakap ang Ina pabalik.

"Sana pala ay hindi na kita sinungitan noon, hindi ko naman inisip na mawawalay ka sa'kin isang araw."

"'Ma, 'wag na po tayong mag-iyakan dito." Ani Celestial at pasimpleng pinahid ang mga luha saka hinarap ang Ina at hinawakan sa pisngi, "Pangako, magtatapos ako pagkatapos ay iaahon kita sa hirap."

Ngumiti lamang ang kaniyang Ina, "Sige na, baka hindi pa kita payagang tumuloy." Saad nito at ibinigay na ang kaniyang mga gamit. Isang malaking bag lang ang kaniyang dala at may kaunting damit doon na tinahi ni Almira. Cane lang naman kasi ang requirement niya kaya wala siyang masyadong dalang gamit.

Her mom let her go, and that was indeed her first official heartbreak. Ang pagkahiwalay niya sa kaniyang Ina. Bakit pakiramdam niya'y palagi siyang pinagkakaitan ng Ina? Sa unang tapak niya papasok sa Akademya ay bagsak ang kaniyang puso kahit na sobrang excited niya kanina. Muli niyang nilingon si Almira na nakatayo lamang habang pinapanuod ang tuluyan niyang paglayo. And there she let go of her tears, and she lost her shit as she cried hard when she saw her mom crying while waving farewell to her. Gusto niyang takbuhin ang Ina, gusto niyang bumalik, ngunit hindi pwede dahil kinakailangan niyang magpatuloy. Kinakailangan niya itong gawin para rin sa kinabukasan nilang mag-ina.

Kaya nagpatuloy siya. Tinahak niya ang pasilyo patungo sa bago niyang buhay ng mag-isa.

"Mama..." She whispered as she continued without looking back.

She looked for her building and room. Napag-alaman niyang iyon ang pinakadulong silid sa building ng mga tinatawag na nobles. Tiningnan niya kasi ang Mapa sa bulletin board at ang numero ng kaniyang silid ay nasa pinakadulo at nasa fourth floor. Dahil wala pa siyang gaanong alam ay sinundan niya lamang ang mapa sa kaniyang ala-ala. Tinahak niya ang matataas na hagdan upang marating ang kaniyang silid.

Walang ibang naroroon. Ano'ng ibig nitong sabihin? Ganoon ba kapag umaga? Walang estudyante sa mga pasilyo? Malamang dahil nag-aaral ito at nasa dormitory siya.

Patuloy niya lamang na sinundan ang mapa sa kaniyang ala-ala. Hanggang sa tuluyan siyang nakaramdam ng pagod dahil sobrang layo na ng kaniyang narating. Sobrang laki ng Akademya, kung araw-araw niya itong gagawin ay mapapagod siy kahit na sanay siya sa Peakbrook. Iba parin sa gubat kaysa dito. Mas gusto niya sa Peakbrook, napapagod siya sa mga hagdan. Masyado pang matataas ang mga ito.

Sa patuloy niyang paglalakad ay wala parin siyang narating na silid. Hanggang sa pakiramdam niya'y nawawala na siya.

She got lost. She's freaking lost right now!

Ang nakikita niya sa mga pinto ay mga numero. 245 palang ang naaabot niya, ang silid niya'y nasa pinakadulo pa. Masyado pang malayo at marami pang lilikuan.

Isang liko pa ang kaniyang ginawa at natagpuan niya ang grupo ng mga estudyanteng nakatayo sa gitna ng corridor. Apat na lalaki at dalawang babae. Mukhang mararangya ang mga ito at walang sinasanto. Ano'ng ginagawa ng mga ito sa labas sa oras ng klase? Normal lang din ba ito sa Akademya? Siguro nga, gagawin niya rin kaya ito kapag nagtagal na siya dito? Mabuting bagay ba ito?

Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa narating niya ang mga estudyanteng iyon, nakasuot ang mga ito ng kaniya-kaniyang uniform at kapa. Itinatago ng kapa nito ang kanilang katawan at may suot rin ang mga itong itim na facemask. Siguro'y upang huwag makilala kung sakaling mahuli.

Walang pasabi niyang nilampasan ang mga ito. Ngunit hindi pa siya nakalalayo ay nabuwal siya sa pagkakatayo at tumilapon ang hawak niyang bag. Matunog siyang bumagsak sa sahig at ganoon na lamang siya napasigaw sa sakit ng kaniyang pagbagsak. Pakiramdam niya'y may nabaling buto sa kaniyang likuran dahil ang likod niya mismo ang tumama sa sahig, mabuti na lamang at hindi nauntog ang kaniyang ulo kung hindi ay paniguradong mawawalan siya ng malay dahil sa lakas ng impact nito.

Maluha-luha siyang lumingon sa mga estudyanteng iyon na ngayon ay walang awa siyang pinagtatawanan. Humagalpak na ang mga ito sa tawa at halos maglupasay sa sahig. Halatang natutuwang pagtripan siya. Ganoon na lamang siya naluha. Dinurog niyon ang kaniyang puso. Normal lang din ba ito sa Akademya? Normal lang ba itong maranasan ng mga baguhang katulad niya? Kapag nagtagal rin ba siya dito'y gagawin niya rin ito sa mga baguhan? Ngunit hindi pwede dahil masama iyon.

"Bitch, she looks like a frog, flying dumb frog!" Tawa ng isang babae.

Tumango naman ang isa, "A frog indeed. Eww, a commoner is lost in our section."

"Bitch, we have elite people that looks like commoners. Such an eyesore."

Ganoon lamang tila tinarak ng sibat ang kaniyang dibdib. Normal lang din ba ito sa unang araw? Normal lang ba ang mga ganitong estudyante? Normal lang ba itong mangyari sa kaniya?

"You know what? Let's go before Professor Talfen catch us here." Suhestiyon ng isang lalaki atsaka siya tiningnan bago umalis.

Ganoon din ang ginawa ng tatlo pang lalaki ngunit matalim muna ang mga itong lumingon sa kaniya bago tuluyang umalis. Tumatawa namang sumunod ang dalawang babae. Ngunit bago nagpatuloy ang mga ito'y nagsalita muna ito sa kaniya.

"Little girl, I think you're in the wrong section. You should not be here or you'll face your everyday doom with us." Saad ng isang babaeng may pulang buhok, "Don't let us see your face again. Kung hindi ay hindi lang iyan ang aabutin mo. Ayaw namin sa mga mababaho, hindi ka nababagay dito."

And then they left her dumbfounded. She's on the ground, crying silently, feeling her pain quietly. Sadly, she's not in the wrong section. Were they the so called nobles? Does that mean she'll face her doom everyday? Because... she's going to be with them. Normal lang ba ito? Kung normal lang ito, gusto niya na lamang maranasan ang abnormal na araw.

Isang buntong-hininga lamang ang kaniyang ginawa bago umiiyak na hinanap ang bag saka nagpatuloy.

LEGENDS: Celestial Beryl (Season 1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon