Ilang linggo narin mula nang pagbawalan siya ni Almira na bumaba sa bundok. She's getting used to it, hindi na siya gumigising ng maaga at tumatalon sa malamig na ilog upang maligo. Hindi na siya naglalakad mag-isa sa kagubatan papunta sa Village at umuuwing pagod. Nabawasan naman ang kita niya dahil hindi ganoon kadami ang nakakatiis na umakyat sa Peakbrook, mamimiss niya rin si Gustavo, ni hindi siya napagkapaalam dito ng maayos.
Inanunsyo ni Almira sa Collis Vermillia na ang mga magpapagamot na lamang ang aakyat at tutungo sa kanila. Hindi na raw ni Celestial kailangan pang bumaba, hindi daw iyon pwedeng gawin sa isang dyosa. Wala namang magawa si Celestial, she's a mere little girl, she must follow Almira because everything is for her own's sake. She really doesn't want people to treat her like a goddess, because she is not. Just a normal human girl with extraordinary ability of mending-or maybe cursed back then and this is how her suffering begins?
Mula sa bintana ng kanilang bahay ay unti-unti niya nang nasilip ang pagdating ng mga magpapagamot sa kaniya. Para itong mga langgam, sunod-sunod na tumatawid sa tulay. Tuloy ay nangamba siya, baka masira iyong tulay. Araw-araw ba namang tawiran ng ganoon karaming nilalang. Saan na siya tatawid pababa sa Village kung ganoon?
"'Ma," she calls Almira, "Wala ba kayong balak ipaayos iyong tulay? Baka masira, dumadami sila."
Sumilip rin ang Ina sa bintana, "Hayaan mo anak, hihingi tayo ng budget sa Reyna."
Napalingon si Celestial sa Ina, "Bakit po sa Reyna? Kaano-ano niyo po ba ang Reyna?"
Hindi na sumagot si Almira, tumungo na ito sa pinto upang pagbuksan ang mga paparating. Naghanda na rin si Celestial. Tumugtog na muna siya pagkatapos ay inisa-isa ang mga nagpakunsulta sa kaniya. Bigla ay naalala niya si Gustavo, ano na kaya ang ginagawa ng isang 'yon? Dati'y tagapangasiwa 'yon ng mga pasyente niya, ano na kayang trabaho no'n ngayon? She's feeling guilty gayong hindi naman siya ang may gusto na sa Peakbrook na lang siya. Saan kukuha ng pera ang kaibigan niya?
Come to think of it, she's very unfortunate when it comes to friends. Si Gustavo lang ang kaibigan niya, pinaghiwalay pa sila. And then there's Archduke Chalcedony, they talked but that was the first and last. Now she feels so empty again, listless, no person on her confidant book, just a blank page.
"Ethereal goddess..."
Napakurap si Celestial nang kurutin siya sa tagiliran ni Almira. Kumurap-kurap siya, muntik na naman siyang makatulog. Ilang pasyente na rin kasi ang pinagaling niya at nauubusan na siya ng enerhiya. She's drowning with her thoughts as well.
"Ethereal goddess?"
She smiled, here she goes again, "I'm listening,"
"Please accept my humble offering, goddess." An old human-elf handed a wine, "It's an alcoholic fermented juice of fresh grapes from the forbidden Kingdom brought by my husband after work. Hence, it has the best taste and I first thought of it as an offering to you."
Forbidden Kingdom? Is it still allowed in the Abyss?
She slyly smiled and accepted the offer, "Thank you for your kindness."
The woman shred a tear, "Please do not thank me, I do not deserve your gratitude."
Nagbuntong-hininga si Celestial. Hanga rin siya sa mga nilalang na ito minsan, ang bait-bait ngayon sa harapan niya dahil may kailangan, pagkatapos ay magsasalita ng hindi maganda patalikod. Hindi niya naman nilalahat, ang ilan lang. Wala naman sanang problema ang lahat sa kaniya, ang kaniyang pangalan lang talaga ang ayaw ng mga ito at minsan ay nadadamay na ang buo niyang pagkatao.
BINABASA MO ANG
LEGENDS: Celestial Beryl (Season 1) ✔️
FantasyShe was once the definition of innocence, purity, and ethereal beauty. But she was tainted by the creatures around her. She was extremely tortured, bullied, toyed, harassed; physically, mentally, emotionally, and sexually abused. It got to the point...
