Naglalakad lang ako sa grocery ng tawagin ako ni Skyler, anak ko. "Mom, can you buy this for me?" Napatingin lahat ng mamimili sa akin. Tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa mapang husga nilang titig. Hindi ko naman kasi sila masisi sa edad kong 22 tatlo na ang anak ko.
Sanay naman na ako sa mga ganung titig ng mga tao. Hindi naman kasi kaila na maraming judgemental sa mundo, ni hindi nga alam ang storya mo pero kung makapang husga akala mo kung sila ang author ng buhay mo.
Tinawag ko na lang yung mga anak ko. "Skyler, Tyler, Styler. Take the things you want in one minute." Ganyan talaga ako sa pag tatawag, binibigyan ko muna sila ng oras, kasi sa paniniwala ko pag pipilitin mas lalong aayaw. Kaya binibigyan ko ng oras. Iniwan ko yung cart tsaka pumunta sa mga tinapay. May timer sila at ako rin, nasa bulsa naming apat yun, kasi ang golden rule. 'Time is gold'
Pagkatapos ng isang minuto nasa cart na namin ang pagka rami raming strawberry, banana, watermelon at orange. Nagtaka pa ako kung paano nila nabuhat yung watermelon, pero nginuso ni Tyler yung isang nag aayos ng mga supplies dito sa grocery.
Nag eexpect siguro kayo na chocolates at mga junk foods ang kukunin nila. Pero ibahin niyo ang mga anak ko, takot na lang nila sa dentista at doctor kaya palaging gulay at prutas ang gusto, pero sa karne yun talaga ang obsession nila. Okay lang yun kasi lumalaki pa lang sila kelangan nila yun sa katawan.
Pagkatapos namin, umuwi na kami. Alas sinco na ng hapon kaya deretso ako sa kusina para magluto. Yung mga anak ko deretso naman sa living room para magkulitan.
Alas sais na nung matapos ako sa pagluluto. "Skyler, Tyler, Styler! Come on babies, time to eat."
Naghugas muna sila ng mga kamay nila at Umupo na sila sa mga upuan nila.
"Mom, it's my turn to pray for the food." Pahayag ni Styler.
"Okay baby. Lead the prayer."
Pagkatapos mag pray, hinawakan na nila yung mga kubyertos nila.
"We should wait for mom to eat, then we can eat too." Pagpapaalala ni Skyler sa mga kapatid niya at tumango naman yung dalawa.
Pagkatapos kong sumubo, sabay sabay na rin silang sumubo.
Pagkatapos naming kumain, naghugas na ako.
Yung tatlo nasa kwarto na nila at nag totooth brush. Pagka pasok ko sa kwarto nila dumeretso ako sa bathroom nila at pinaliguan na sila. Nung natapos na lahat sa bathroom. Deretso sila sa kama nila. Dalawang King sized bed na magkadikit ang higaan nila. Kung minsan dito rin ako natutulog pag pagod ako sa trabaho at kelangan kong mag recharge ng lakas ng loob sa mga anak ko."Mom, can you sleep here tonight?" Tanong ni Sky sa akin na may kasama pang pa labi. Naku tong anak kong to nagpapa cute pa.
"Oo namn baby, go ask Tyler to turn off the light, ask Styler yo turn on the lamp shade, and you turn on the aircon." Nagsmile lang siya at tumakbo, sinabi na niya sa mga kapatid niya yung mga gagawin nila.
Sabay sabay silang lumundag sa kama at sumiksik sa akin. "We miss you, mom." Nakakasakit sa dibdib pag ganitong nag lalambing sila, kasi nag tatrabaho ako ng anim na araw sa isang linggo para lang mabigyan sila ng maayos na buhay. At di ko napapansin parang nagkukulang na ako ng oras sa kanila.
"I miss you too, babies" at isa isa ko silang hinalikan.
"Mom?"
"Yes baby?" Tanong ko kay Skyler.
"How did you met our dad?"
"It's a long story baby."
"But we have plenty of time naman, please."
Hindi ko kinakasama yung tatay nila. Hindi ko nga alam kung nasaan na yun. Isang araw sabi niya may aasikasuhin lang siya pero nawala na lang bigla. Sa edad na 19 pinanganak ko na itong mga babies ko. Kung tutuusin one night stand lang yung nangyare, pero naging close kami ng dalawang buwan siguro guilty siya. Pero after ng dalawang buwan nawala na lang siya. Never kong inisip na pagkakamali lang ang mga anak ko, kasi sila ang pinakamagandang blessing na naibigay ng Diyos sa akin.
Nalaman ng Tatay ko yung pinag bubuntis ko at inalagaan nila ako hanggang sa kaya ko nang buhayin sila ng mag isa lang. Mahirap man kinakaya ko kasi gusto ko ako ang magpalaki ang magtustos sa lahat ng kailangan nila.
"Okay babies I will tell you, but promise me that this will be our ultimate secret."
BINABASA MO ANG
How I Met Your Dad
RomanceMom? Yes, baby? How did you met our dad? It's a long story kasi baby...