Ren POV
Pagka gising ko nasa hospital na ako. Nasa gilid ko si yaya. Tinignan ko yung wall clock sa kwarto alas otso na ng umaga.
Okay na yung pakiramdam ko. Napagod lang siguro ako sa pag babasketball, nakadagdag pa yun shet, ayokong alalahanin, pinaka tangang bagay na nagawa ko sa buhay ko yun. Nagpagalaw ako sa taong lasing na nga di ko pa kilala. Ni hindi ko nga maalala itsura niya.
Napatampal na lang ako sa mukha. Ayyy shet nakalimutan ko yung cellphone ko sa kwarto. Andun pa man din yung drivers license ko at yung isang card ko. Wala pa lang password ngayon yun, kasi naglalaro si yaya ng flappy bird dun eh kaya di ko nilalagyan ng password.
Sana hindi makita nung lalaking yun yung cellphone ko, anong saysay nung pagtakas ko kung magkikita ulit kami? At di ko rin alam ang sasabihin sa kanya, baka nga di niya maalala kung ano yung nangyari sa amin.
Humiga na lang ulit ako, tawagan ko na lang yung bar mamaya para sa cellphone ko.
Alas dose na nang makagising ako, gising na rin si yaya. Pwede na raw akong lumabas, hinihintay lang na magising ako.
Pagka rating namin sa bahay, diretso akong kwarto. At nagbihis ulit. Matutulog nanaman ako.
Sasampa na sana ako sa kama ko nang may tumatawag sa labas ng kwarto ko, si yaya ata
"Ren!!! May naghahanap sayo. Kaibigan mo raw."
"Yaya ano daw pong pangalan?"
"Hindi ko alam nak. Basta baba ka na lang."
Lahat ng kaibigan ko kilala ni yaya. Kung minsan nga nakakainggit kasi parang mas mahal pa niya yung mga yun, lalo na si luke.
Pagkababa ko. Tinignan ko yung lalaki. Hindi ko naman to kilala. "Sino ka po? Kilala ba kita?" Tanong ko.
"Ako yung lalaki sa bar kagabi. Pwede ba tayong mag usap?"
Siya ba yun? Tangina anong gagawin ko? Hindi ko naman papanagutan yung nangyari sa amin. I doubt kung naalala niya.
"Sige, sa garden tayo para walang maka rinig." At naglakad na sa garden namin.
Umupo kami sa may puno.
"Anong sasabihin mo?" Tanong ko.
"Ikaw yung babaeng kasama ko kagabi sa kwarto diba? May nangyari ba sa atin?" Hindi na ako nagulat sa Tanong niya.
"Ahhh! Yun ba? Oo meron pero huwag kang mag alala, di ako maghahabol o kahit ano. Papaano mo pala ako natunton" Sagot ko na lang
"Yang cellphone mo naiwan mo. Buti na lang may License ka diyan." Sabay abot Ng cellphone ko sa akin
"Salamat. Sige makaka alis ka na." Sabi ko
"Virgin ka nung nakuha kita. Sorry at napaka gago ko para kunin yung isang bagay na hindi naman para sa akin."sabi niya. Nakita siguro niya yung bahid ng dugo
"Naku okay lang yun kuya, huwag kang makonsensya, kasalanan ko rin eh. Sige hatid na kita sa labas." Lumakad na kami papuntang gate. Pagka rating namin umalis na agad ako at pumasok, di na nga ako nagpaalam sa kanya.
Kaka 19 ko lang last week tapos ngayon nawala na yung iningatan ko. Ang tanga ko kasi.
Buong araw lang akong natulog. Hindi ko pa rin matanggap yung katangahan ko.
Alas sais na nung tinawag ako ni yaya para mag dinner.
"Nak! Baba na at kakain na. Ano bang ginagawa mo dito? Hindi mo na binalikan yung kaibigan mo naghihintay siya sa baba simula nung iniwan mo. Nag away ba kayo?"
"Hindi pa siya umuwi? Akala ko umuwi na yun ah." Takang tanong ko
"Eh hinihintay ka ulit niya. Sinabi ko nga na puntahan ulit kita dito pero ayaw ka raw maistorbo. Anak baka naman manliligaw mo yun? Pero napaka gwapo naman nun anak, sigurado ako babaero yun." Sabi ni yaya.
"So ang pinupunto mo ya pangit ako? At di ko yun manliligaw, bagong kaibigan lang. Nakiki FC siguro. Sige na ya baba na tayo."
Nasa sala siya at naka upo lang. "Oh brad akala ko umuwi ka na? May kailangan ka pa ba?" Tanong ko
"Nahimatay ka raw kagabi, narinig ko sa guard niyo. Ayos ka lang ba? " hinawakan niya yung ulo ko at mukha. Pero tinampal ko lang
"OA na brad. Okay na ako, wala kang kasalanan doon. Sige layas ka na. Kung tungkol sa nangyari kagabi, okay lang talaga. Abswelto ka na." At pinagtutulak ko siya hanggang sa pintuan. Pero ang epal talaga ni yaya.
"Oh anak pakainin mo na lang yang kaibigan mo dito. Ni hindi pa nga ata siya nananghalian."
Pake ko kung di pa siya kumain. Dala ko ba yung kaldero at pinggan? Umiiwas na nga eh. Si yaya talaga.
BINABASA MO ANG
How I Met Your Dad
RomanceMom? Yes, baby? How did you met our dad? It's a long story kasi baby...