HIMYD:8

15 0 0
                                    

Ren POV

Mula sa araw na yun, araw araw na akong nagsusuka at nahihilo. Sinabihan na nila ako yaya na pumunta sa hospital pero ayoko, nakakapagod kasi. Hindi na rin ako nakikipaglaro ng basketball, at yung jogging ko? Nagiging 30 minutes walk na lang.

Alam ni Zeus yung mga dinaramdam ko. Kung minsan pag day off nila yaya siya ang nag aalaga sa akin. Kahit sinasabi kong umalis siya, palagi pa rin siyang nandiyan. At sa isa't kalahating
buwan na pagbuntot niya sa akin, I fell hard. Hindi ko alam basta isang araw bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko nang nakita ko siya. Pag alas syete na ng umaga at wala pa siya sa bahay hinahanap hanap ko na siya.

These days nagiging emotional na rin ako. Umiiyak ako dahil sa mga walang kwentang bagay.
------------

Nagsusuka ako sa banyo nang pumasok si Zeus sa kwarto ko. Bukas naman yung pinto ng banyo ko kaya dali dali siyang pumunta sa akin.

"Ren baka iba na yan. Kung ayaw mong pumunta sa hospital. Magtawag na lang tayo ng doctor. Halos dalawang linggo ka nang nag gaganyan."

Dahil nahihirapan na ako. Nagpasya akong papuntahin yung doctor namin.

Pagkatapos ng sandamakmak na pinag gagawa niya sa akin.

"Ren hija, buntis ka."

"Ren hija, buntis ka."

"Ren hija, buntis ka."

"Ren hija, buntis ka."

Shet. Anong katangahan tong napasok ko. Paano na yung pag aaral ko last year ko na.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak sa sinabi ng doctor namin. Every girl wants to have a baby, pero yung akin nga lang masyadong advance at wala sa plano. Habang nakatulala ako, pumasok pala si Zeus .

"Doc, okay lang ba si Ren? May sakit ba siya?" Tanong ni Zeus sa doctor

"Mas mabuti kung si Ren ang tanungin mo hijo." Sabay tingin sa akin. Disappointment is drawn to his face. "Sige hija alis na ako. Hindi ko sasabihin sa mga magulang mo, ikaw na mismo ang magsabi. Magiingat ka."

Binigyan na niya ako ng reseta para sa mga vitamins na dapat kong inumin.

Pagkalabas ng doctor. Hinawakan ni Zeus yung kamay ko at umupo siya sa gilid ng kama ko.

Hindi ko namalayan lumuluha na pala ako.

"Hushhhh. Bakit ka umiiyak? Hindi naman siguro malala yang sakit mo diba? May gamot naman diba?"nararamdaman kong nanginginig rin yung kamay niya.

"Zeus buntis ako." Sabay tingin sa kanya.

"Ako ang ama?" Hindi ko mabasa yung mukha niya. tanga ba siya virgin ako nung nakuha niya ako. At palagi siyang nasa tabi ko sa nakaraang buwan.

"Tanga ka ba, ikaw pa lang ang nakakagalaw sa akin." Hinagod niya yung likod ko kasi patuloy lang ako sa pag iyak. Niyakap niya ako

"Hussshhh... Don't worry aalagaan ko kayo. Pananagutan kita. Tatawagan natin ang mga magulang mo. At sa pag aaral mo dito ka na lang sa bahay, mag homeschool ka na lang." Pero mas lalo lang akong naiyak. Kasi andali para sa kanyang sabihin pero ang hirap gawin.

How I Met Your DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon