HIMYD:5

22 0 0
                                    

Ren POV

Pagkarating namin sa Hacienda sinalubong agad kami ni Mang Isidro. Anihan kasi ngayon. Siya yung nangangalaga sa manggahan namin.

"Señorita mukhang di kayo nakadalaw kahapon ah. Akala ko pa naman makakapunta kayo kahapon." Sabi ni mang Isidro.

"Nagkasakit po kasi ako. Pero ayos na po ako. Kumusta naman po yung manggahan? Marami na po bang aanihin? Eh sa gulayan po kamusta yung mga kalabasa? Namiss na po ni yaya yung kalabasa dito, kailangan na raw po niya nung sustansya ng mga kalabasa." Pagpapahayag ko.

"Maraming bunga ngayon sa manggahan. Yung mga gulay na iuuwi mo pipitasin na sana kahapon, pero dahil ngayon ka dumating ipapapitas ko na. Malaki na rin yung mga kalabasa tamang tama na para anihin." Sagot ng matanda sa akin.

"Ay siya nga pala Mang Isidro, si Zeus po kaibigan ko. Zeus si Mang Isidro, siya ang  tagapangalaga ng mga mangga namin." Nagshake hands naman sila at nagpalitan ng ngiti at tango.

"Naku señorita ang kisig at gwapo naman nitong nobyo mo. Sabi ko naman sayo makakahanap ka pa ng maipapalit mo sa dinala mo dito noon. " kapareha ni yaya si mang isidro napaka walang preno ng bunganga. Sabi ko kaibigan eh, friend. Talagang ang galing nilang gumawa ng ilusyon.

"Naku mang Isidro, hindi ko yan n----" may kamay na nagsara ng bunganga ko. Bastos talaga tong lalaking to. Tinignan ko siya ng masama at inalis na rin niya yung kamay niya sa bunganga ko

"So mang isidro saan po yung manggahan at gulayan ng makuha na habang maaga pa. Baka kasi mabinat tong mahal ko para na rin po makapag pahinga muna kami bago kami bumyahe mamayang hapon." Nag change topic agad. Hindi ko naman kasi siya syota. Napaka abnormal niya.

"Ahh! Napakalambing naman. Dito."  Hinawakan agad ng kumag yung kamay ko kaya kung titignan mo parang mag syota nga kami. Inaalis ko pero anlaki ng kamay.

Alam ko naman ang pasikot sikot dito. Dito na ako lumaki eh, pag bakasyon dati, dito ako tumitira. Meron pa nga akong tree house sa may manggahan at ubasan.

"Teka lang señorita at tatawagin ko na yung mga mag aani." Sabi ni Mang Isidro at pumunta na sa mga kumpol ng mga tao. Sa maniwala kayo o hindi kilala ko silang lahat. Lahat ng mga tao ng pamilya namin kilala ko, except sa mga nasa kumpanya.

"Señorita punta muna kayo doon sa kubo at kumain ng mangga at ubas. Bumili rin kahapon si Martha ng strawberry kasi alam niyang gusto mo yun." Pahayag ni Mang Isidro.

"Salamat po. Sige po. Galingan niyo po sa pag ani. Mag uuwi po ako ng dalawang sako ng mangga . Sila berting na po ang bahala sa iba. Ireport niyo na lang po kina lola lahat" sabi ko bago ako tumakbo papuntang kubo.

"Ang bilis mo namang tumakbo, may karera ba?" Tanong ni Zeus. Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha ulit ng strawberry sa kamay ko. Left and right hand ko ang may strawberry, biglang pinunasan ni Zeus yung pisngi ko. "May katas, ang kulit mong kumain eh." Sabay tawa. Hindi ko alam pero bigla akong namula sa ginawa niya.

Naku Ren, magkakagusto ka na nga lang sa broken hearted pa, mamaya gawin kang rebound niyan. Alam mong mahal na mahal niya yung kababata niya. Pag papaalala ko sa sarili ko.

Lumayo na lang ako ng upuan at lumantak ulit ng strawberry. Siya naman pinakain siya ng mangga.

"Ren, ilang kalabasa raw ba ang aanihin namin para sayo?" Bungad ni Marco, anak ni Mang Isidro. Nagaaral rin siya sa Maynila pero sa ibang school . Mabait yan at scholar.

"Okay na yung lima. Salamat ." Sagot ko at nginitian siya.

"Yang ngiti mo. Dapat ba lahat ng tao nginingitian mo? Yang dimples mo dapat ba lahat ng makikita mo at kakausapin mo makikita nila yan?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Para namang boyfriend ko siya. Nginitian ko siya at sabay sabing "Wala kang pake." At tinuloy ko yung pagkain ng strawberry. Tinignan niya lang ako ng masama.

--------
Pagkatapos nilang umani umalis na ako sa kubo at dumiretso sa mansion. Syempre yung lalaking abnormal nakahawak ulit sa kamay ko.

Pumunta lang ako sa likod ng mansion at sa duyan ko sa likod. May duyan ako dito. Akin lang talaga to, pinagawa ko kay mang Isidro. Pag naguguluhan ako sa buhay ko dito ako nagpapahinga at nag iisip. Nakakarelax kasi yung huni ng mga ibon at malamig at fresh pa yung hangin. Pero sadyang epal itong si Zeus inunahan ako sa duyan ko. Malaki naman yun at kasya pa nga ang tatlong tao, may kutson kaya hindi masakit sa likod pag nagpapahinga. Humiga na ako sa tabi niya at pumikit.

Alas dose na nung tinawag kami ni Marco. Pumunta kaming kubo ulit at doon nananghalian. Wala pala si lola ngayon, nag bakasyon pala sa Bora Bora. Andaya niya hindi niya ako sinama. Apat na araw na raw siya doon. Kung sinama niya ako edi sana hindi ako nadali nitong katabi ko.

"Ren ren, ito oh sayo tininikan ko na yan para kainin mo na lang." Sabay bigay ng natinikan ng bangus. Hulog talaga ng langit si Marco. Nginitian ko ulit siya at nagpasalamat. Alam na alam niya na gusto ko ng bangus pero tamad akong magtinik.

"Ren ito oh shrimp, binalatan ko na rin para di ka mahirapan." Sabi ni Zeus, Sabay abot ng shrimp, pero hindi pa lang natataas yung mga hipon, biglang kinuha nila marco, mang isidro at aling deday yung hipon. Biglang nangunot ang noo niya.

"Naku Zeus hijo hindi mo ba alam na allergic si Ren sa hipon? Bago pa lang ba kayong magnobyo at hindi mo pa alam yung mga bawal sa kanya?"pagtatanong ni aling deday kay Zeus

"Sorry po, sorry rin mahal. Muntik kang napahamak dahil sa kapabayaan ko." Nagsusumamong sabi niya.

"Ano ka ba okay lang yun, tsaka hindi mo naman alam." Sabi ko na lang.

"Nga pala Ren ren, pagkatapos mong kumain punta tayong batis at kumuha ng isda." Pag iimbita ni Marco.

Magsasalita na sana ako pero umepal si Zeus . "Sa susunod na lang siguro, kakagaling lang niya sa sakit kahapon, mamaya mabasa siya at mabinat."

"Ahh ganun ba? Eh bakit pumunta ka pa dito Ren? Dapat sinabi mo na lang sa akin kung ano yung mga gusto mo edi sana binigay ko na lang sayo doon." Alalang pahayag ni Marco.

"OA ka na Mac-mac. Okay na ako." Sagot ko

Pagkatapos naming kumain naglakad lakad muna kami ni Zeus at nagkwentuhan. Tinanong niya sa akin lahat ng mga bawal sa akin at mga paborito ko, at sinabi rin niya sa akin lahat ng paborito niya pati allergies niya rin. Nakakatawa nga kasi mukhang naiinis pa rin siya kanina sa nangyari.

Pagkatapos naming maglakad bumalik kami sa duyan at natulog ako.

Alas tres na nung nagising ako. Nakita ko si Zeus, nakikipag usap kay Mang Isidro sa di kalayuan. Lumapit ako sa kanila at bumati.

"Mang Isidro una na po kami baka po abutan pa kami ng dilim. Paki lagay na lang po lahat ng mga prutas at gulay doon sa likod ng sasakyan." Tumingin ako kay Zeus "yung mga gulay hindi naman mag mamantsa kaya kung hindi kasya sa likod, ilagay na lang sa mga upuan, okay lang ba yun?" Pagpapaalam ko

"Okay lang." Tumulong na siya sa paglalagay ng mga naani sa loob ng sasakyan niya.

Pagkatapos nila. Nagpaalam na ako sa lahat. Lumapit naman si Marco sa akin "Ren (sabay yakap) namiss kita. Dalaw ako sa inyo pagbalik ko sa maynila ah. Mag ingat kayo ah. (Lumingon kay Zeus ) Pre alagaan mo siya ah. Sige ingat kayo." Nginitian ko na lang siya at nagpaalam.

How I Met Your DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon