HIMYD:7

16 0 0
                                    

Ren POV

Isang buwan na mula nung pumunta kami sa mall at nangyari yung 'date' namin. Mula nung araw na yun palagi na siyang nakabuntot sa akin. Kahit anong pagpapalayas ko sa kanya eh wala pa rin.

Nung paliga todo bantay siya sa akin. Dapat naka short shorts lang ako pero pinapalitan niya ng skinny jeans. Hindi ko raw kailangang ipakita sa iba yung legs ko para lumabas yung korte ng legs ko. Tsaka wala raw karapatan yung ibang tao na makita yung legs ko. Siya nga na di ko kilala nakita na niya yung buong katawan ko.

Nameet na rin niya sila Tatay at Nanay. May mga investments pala si Tatay sa kumpanya nila Zeus . Si Nanay naman, gustong gusto talaga niya ng lalaking anak kahit noon pa pero ako lang yung nagkaroon sila, kaya nakapag palagayan sila ng loob agad. Gustong gusto siya ng parents ko. Binubugaw nga ako sa kanya. At yung damuho parang gustong gusto namang magpabugaw.

Nagiging open na rin kami sa isa't isa. Kung noon medyo aloof siya dun sa kwento niya tungkol sa ex niya ngayon biruan na namin. Parang di nga nanggaling sa heart break kung umasta.

Pero nag away kami niyan. Gusto kasing mag overnight ni luke at mag movie marathon kami. Kinausap ako ni Zeus na huwag raw papayag kasi lalaki pa rin si Luke. Pero dahil nga sa nag oovernight naman siya sa bahay talaga, ganun rin naman ako sa kanya, hindi ko pinakinggan yung sinabi ni Zeus .

"So, can i stay here tonight?" Tanong ni Luke

"Hin---- ouch--" magsasalita sana si Zeus pero sinipa ko yung paa niya.

"Oo naman, ikaw pa. Para ka namang others. Punta ka na sa kwarto ko andun pa yung mga damit mo." Sabi ko

Pagkataas ni Luke sa kwarto ko. Hinarap ko si Zeus . " oh bakit mo ako tinitignan ng ganyan?" Tanong ko

"Hindi ka ba nakikinig? Bakit ka pumayag. At may damit siya sa kwarto mo?" Pag uusisa niya

"Eh palagi naman yang nakiki tulog dito, normal lang yun sa amin. Pag tumatakas yan sa bahay nila dito talaga takbuhan niyan, kaya nga may damit na yan dito." Sagot ko

"Kaso dalawa lang kayo paano kung gawin niyo yun? Paano kung madala ka rin kagaya nung nangyari sa atin?" Kumunot naman ang noo ko. Ang baba naman ng tingin sa akin. Sabagay ganun naman talaga yung nangyari sa akin. Pero pinagsisisihan ko na yun. Ang tanga ko lang at nagpadala ako sa init ng katawan.

"Wala kang pake kung gawin namin yun, desisyon ko na yun. Magkaibigan lang tayo diba? Wala naman akong dapat ipaliwanag sayo. Kaya kung kasing dumi ng kanal yang pag iisip mo umalis ka na lang. Kung ganyan pala ang tingin mo sa akin sana hindi ka na lang nakipag kaibigan sa akin"

Tinalikuran ko siya.
"Tangina naman Ren. Hindi naman yun eh, pero paano ku..."

"Ohhh just shut up. Before you met me, Luke and I are friends already. Compared to our friendship, my friendship with Luke is deeper and stronger. Just leave." Lumakad na ako papuntang entertainment room. Nandoon na sigurado si luke at nagpipili na ng movie. Pero sinundan pa rin pala niya ako.

"Ren, hindi naman ganun yun. Nakakainis lang isipin na mas close kayo, na siya pwedeng mag overnight dito kasama ka. Pero ako pag 10 pm na pinapalayas mo na ako." Tinitigan ko siya

"Zeus wala akong pake. Umalis ka na. May gagawin pa kami ni Luke." Isasara ko na sana yung pintuan pero hinarang niya yung kamay niya. Kaya yung tanga nasugatan.

Ginamot ko yung sugat niya at pinalayas ulit. "Masakit yung kamay ko di ako makakapag drive." Sabi niya

"Ipapahatid kita kay Manong Juan." Sagot ko

"Gusto mo lang atang makapagsolo kayo niyang si Luke. Nakakainis ka, nagkasugat na nga ako tapos di mo man lang ako alagaan." Pagdadrama niya.

"Eh kung hindi ka naman tanga sino ba ang naglagay ng kamay sa pinto pansangga? Pwede naman yung paa mo? Bakit nurse mo ba ako para alagaan kita? Ipapahatid na kita kay Mang Juan. Manonood pa kami." Anong kasalanan ko sa kanya? Bakit ba kasi para siyang nagseselos? Ayoko ng ganito pag nagiging possessive na siya, ako yung nalalaglag. Samantalang siya hulog pa rin siya dun sa ex niya. I'm guarding my feelings as much as i can.

"Edi pumunta ka kay Luke magsama kayo." Sabi niya. At siya pa ang may ganang mag walk out?

Kinaumagahan alas sais pa lang nasa bahay na siya. Nagsosorry sa akin dahil sa mga sinabi niya. Hinayaan ko na lang siya. Binigyan pa nga niya ako ng bulaklak pizza at strawberry. Pero hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin bigla ko na lang inaayawan yung pizza. Kaya ang ending si luke ang kumain sa binili niya. Ansama pa ng tingin kay luke. Ganun din sa strawberry, sila yaya naman ang kumain doon.

Dun sa araw na yun panay ang suka ko kahit di pa naman ako kumakain.

How I Met Your DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon