HIMYD:9

19 0 0
                                    

REN POV

Pagkababa ko ng sasakyan ni Luke inalalayan pa niya ako papasok sa bahay. Laking gulat ko nang nasa sala pala si Zeus . Masamang nakatingin sa mga kamay ni Luke na nakahawak sa akin.

"Okay na ako dito Luke. Thank you. Good night."

"No problem ikaw pa. Basta andito lang ako ha. Good night." Sabay yakap sa akin ng mahigpit at hinalikan yung tuktok ng ulo ko, niyakap ko rin siya pabalik. "Text me kung may kailangan ka." Pahabol niya

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at sinadya kong palamigin yung boses ko.

Pero ngumisi lang siya. "So kaya pala ayaw mo akong pakasalan." Lumapit siya sa akin. "Dahil ba kay Luke? " lumuhod siya sa harapan ko. "Please ako na lang, kahit ba konti hindi mo ako nagustuhan nitong nakaraang buwan?" Kung alam mo lang mahal na mahal kita. Pero ayokong masaktan natin pareho ang isa't isa dahil lang sa accidente.

"Tumayo ka na diyan. Huwag mong idamay si Luke, labas siya sa usapang to. Zeus , andaling sabihin na mahal mo ako pero mahirap paniwalaan. Nakita ko kayo kanina sa mall. Walang wala ako kumpara sa kanya. Ang saya niyong tignan at mukhang gusto niyo pa ang isa't isa. Hindi kita itatali kasi baka magsisi ka lang pag dumating yung panahong napagtanto mo na hindi mo ako mahal at siya pa rin. " yumuko na ako kasi pinipigilan kong umiyak. Tumayo siya sa pagkakaluhod niya at niyakap ako

"Ibang iba ka sa kanya, siya ang walang wala kumpara sayo. Ikaw hindi ka pa nga nag aayos eh pansing pansin pa rin kita. At hindi naman ako magpapatali kung hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Mahal kita. Hindi nasusukat sa tagal ng panahon ang pagmamahal, nasusukat yung kung gaano kalalim yung pagmamahal na nararamdaman ng tao. Alam kong mas malalim yung pagmamahal ko sayo kesa kay Anika. Narealize ko rin na hindi naman pala ito *turo sa puso yung nasaktan nung naghiwalay kami. Yung pride ko lang pala. Siya kasi yung una kong girlfriend at siya lang yung babaeng naging kaibigan ko sa tanang buhay ko, kaya siguro akala ko mahal ko siya, yun pala mahal ko lang siya kasi siya yung andiyan sa tabi ko palagi."

Hindi ako nagsalita. Baka kasi iba nanamn yung lumabas sa bunganga ko.

" Yung kanina nagkasalubong lang kami, nagkaroon kami ng closure noon kaya walang ilangan sa amin. Pinaliwanag rin niya na noong una mahal niya ako pero kalaunan nawala rin kasi napapansin niya na hindi ko masyadong pinahalagaan yung relasyon namin. Hindi raw ako nagseselos man lang pag may kasama siyang ibang lalaki, hindi rin raw ako nagagalit kapag nakikipag overnight siya sa bahay ng mga kaibigan niya at hindi raw ako nagagalit kapag nag babar siya mag isa." Tinignan niya yung mukha ko at hinaplos ito. "Pero sayo, sayo ko naramdaman lahat ng selos. Sayo kahit sa basketball court lang ni ayaw kitang payagan. Sana maniwala ka na mahal kita at hindi kita gustong pakasalan dahil lang sa nabuntis kita." Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Sabi sa inyo kahit mga tangang bagay iniiyakan ko. Noong nakipag break nga ako sa mga ex ko ni isang luha walang pumatak. Pero sa bwisit na to hindi pa nga kami andami ko nang nailuha sa kanya.

Niyakap ko na lang siya ulit. "Oo na papakasalan na kita. Basta ah kapag ikaw nambabae , sabihin mo lang sa akin papalayain kita kaagad. Kahit masakit."bigla siyang ngumiti

"So ibig sabihin mahal mo rin ako?" Tanong niya

"Oo." Ayoko ngang magpabebe mamaya palpak nanamann.

"Mahal na mahal kita pati na rin si baby." Hinalikan niya ako pati na rin yung tiyan ko.

--------
Nasa kwarto na ako, naka higa na ako sa kama, si Zeus nasa kusina kumuha ng gatas at tubig.

"inumin mo na yung mga vitamins mo." Sabay abot ng mga gamot ko. Pagkatapos nun humiga siya sa tabi ko. Dito siya matutulog.

Kinuha niya ako at niyakap palapit sa kanya. "Mahal, kelan kasal natin?" Tanong niya

"Ano ka ba, kakasagot ko lang sayo tapos kasal agad?"sabagay nauna na nga yung anak. Ano ba Ren.

"Eh kasi nga bakit ngayong buntis ka parang mas gumanda ka, hindi ka naman tumataba kahit naglilihi ka?" Pinisil pisil pa niya yung mga braso ko.

"Nambobola ka na eh. Nga pala mag dadalawang buwan na akong buntis, kelangan ko na ng regular check up. Nagpa schedule na ako sa ob-gyne, samahan mo ako?" Tanong ko

"Oo naman. Anong oras ba?"

"11:00 am"

"Oh tulog na tayo para hindi tayo malate bukas."

---------

Pagkagising ko wala si Zeus sa tabi ko. Pero may bulaklak at my note kaya kinuha ko at binasa

'Mahal,

May aasikasuhin lang akong importante. Hahabol na lang ako sa hospital. Magingat kayo ni baby. I love you.

-Zeus '

Alas otso na pala. Nag ready na ako papuntang hospital. Dahil wala si Zeus si Mang Juan ang nag hatid sa akin.

Ako na yung susunod sa loob pero wala pa ring Zeus na dumarating. Baka na traffic lang.

Nung turn ko na pinauna ko na yung sumunod sa akin. Hanggang ala una na ni anino niya wala. Kaya nagpasya akong pumasok sa loob mag isa.

"Oh misis, alam mo ba kung bakit magdadalawang buwan ka pa lang buntis pero anlaki na ng tiyan mo?" Tanong ng doctor sa akin

"Hindi ko nga po alam. May problema po ba?"

"Hija walang problema. Tignan mo to. Isa, dalawa, tatlo. Tatlo ang tumitibok na puso sa sinapupunan mo. Congrats you are having a triplets" ibang tuwa yung naramdaman ko. Ang galing isang beses lang namin nagawa pero tatlo agad?

"Thank God. Maayos  po ba sila?" Tanong ko.

"As of now okay naman silang tatlo, regular ang heartbeat. Magingat ka lang hija at tatlo sila kaya maselan ang pagbubuntis mo. Reresetahan kita ng idadagdag mong vitamins mo. Basta hija ang importante healthy diet at exercise pa rin. Pag si mommy healthy, healthy rin sina baby.."

"Opo doc. Salamat po."kumuha ako ng copy ng ultrasound ng mga babies ko. Papadalhan ko rin sila Nanay.
---------

Nang dumating ako sa bahay ay wala pa rin si Zeus . Siguro masyadong importante yung ginagawa niya. Natulog na lang ako kesa maghintay sa kanya.

Pagkagising ko ng 5 pm. Nag crave ako ng watermelon at atis kay triny ko siyang tawagan.

"Hello Zeus, Gusto ko ng atis at watermelon."

"Hello? Miss sorry naliligo kasi si Achy. Tumawag ka na lang mamaya." Ganito pala yung feeling ng umasa. Ansakit. Tangina ng mga pangakong yan, promises are meant to be broken nga. Yung boses ng babae, alam kong si Anika yun. At naliligo? Wala pa nga kaming isang araw pero nag loloko na siya?

How I Met Your DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon