Lihim na Pagtingin

252 2 0
                                    

Hi, ako nga pala si Kristaranee Bells, labingwalong taong gulang. Sobra sa kadramahan. Nadaanan ko na ang iba’t-ibang dagok sa buhay at talagang masasabi ko na ako’y lumaking isang matatag at mature na tao. Ako’y isang achiever at lahat ng medalya ko ay bunga ng pagsisikap ko bilang isang estudyante. Ako’y nanggaling sa isang mabuti at respetadong pamilya, nakatira sa isang malaking bahay, nakahawak ng isang prestiyosong apelyido, at namumuhay ng masagana. Karamihan sa mga kaibigan ko ay nagsasabing nasa akin na daw ang lahat; well, diyan sila nagkakamali.

Hindi ako sinuswerte pagdating sa pag-ibig. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong nasaktan. Pero may kilala akong isang lalaki na iba sa lahat. Siya si Evo. Siya ang campus heartthrob ng eskwelahan namin. Isa rin siyang varsity player ng volleyball team at isa siya sa mga pinaka’misteryoso at tahimik na lalaki na nakilala ko. Pero kung makilala mo siya ng lubusan at matagal, hindi naman pala siya ganun katahimik. Palabiro siya at nagagawa niya akong patawanin kahit na gaano kasama ng araw ko. ‘Yan siguro ang dahilan kung bakit talaga tuluyang nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ‘yon dahil sa kanyang maamong mukha o di kaya sa kanyang profile bilang isang volleyball player ng eskwelahan. ‘Yun ay dahil sa kanyang malambot na puso para sa lahat.

Naging matalik na magkaibigan kami, na umabot na nga sa punto na nagkaroon na kami ng tinatawag nilang ”mutual understanding”. Pero biglang nagbago ang lahat nang umeksena si Queenie. Unti-unting siyang nagbigay ng mga motibo na gusto niya rin si Evo. Si Queenie ang campus sweetheart ng eskwelahan namin at di na nakapagtataka kung bakit nag’click sila kaagad ni Evo. Siya ay maganda, talentado, sikat, at kinabibighani ng lahat. Ewan ko nga kung bakit. Eh ang sama naman ng ugali. Alam mo kung ano pa ang mas masaklap? Matagal na siyang crush ni Evo. I know right? Kawawang Evo. Ay hindi, kawawang ako.

Dumating ang araw na nagsimula na silang lumabas. Parang nabagsakan ako ng langit ng mga panahon na ‘yon. Bigla na akong nawala sa eksena. ‘Yan siguro ang dahilan kung bakit ako’y bitter sa kanilang dalawa nitong mga nakaraang araw. Buwan. 

First time ko magsulat dito. Sana magustuhan niyo! :)

Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon