Chapter 7 - Resulta ng Katangahan

51 1 0
                                    

Dahil sa ginawa kong katangahan, naghiwalay na kami ni Barry. May punto siya. Niloko ko siya. Hiyang-hiya talaga ako sa sarili ko. Ayokong masaktan ang damdamin ni Barry. Pero hindo ko maiwasan si Evo. Siya ang first love ko. Ngayon, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

LALAINE: Tara, okay ka lang?

TARA: Yeah.

LALAINE: Whoa. Ang laki na kasi ng eyebags mo. Ikwento mo na sa’kin.

TARA: Tapos na ang lahat.

LALAINE: Kay Evo?

TARA: No. Kay Barry.

LALAINE: Oh my God. Nagdabog ba siya?

TARA: Medyo. Nahihiya nga ako sa ginawa ko sa kanya, Lalaine. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong magkaayos kami pero parang hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

LALAINE: Bigyan mo lang ng panahon ang sarili mo tsaka si Barry. At kapag alam mo na ang tamang oras para kausapin siya, kausapin mo siya. Sigurado naman akong mapapatawad ka niya at maayos niyo ang gusot ninyo.

TARA: Sana nga. Hindi ko alam kung magtitiwala pa siya sa’kin.

LALAINE: Alam kong magtitiwala pa rin siya sa’yo. Kilala ko si Barry. Hindi ka niya kayang tiisin.

TARA: Salamat, Lalaine. Nagagalak naman akong marinig iyan. Sana ay ganyan din ang nararamdaman ni Barry.

LALAINE: Sigurado talaga ako diyan. Yakapin nga kita.

<<Niyayakap ni Lalaine si Tara>>

LALAINE: ‘Wag mo lang masyadong isipin, Tara. Gawin mo lang ang mga ginagawa mo rin dati. Patuloy kang mabuhay.

TARA: Salamat sa payo mo, Lalaine.

EVO: Dude. Gusto kong makausap ka.

BARRY: Wala ako sa mood para makipag-usap ngayon, Evo. Now if you’ll excuse me ---

EVO: Bigyan mo lang ako ng ilang segundo. Alam kong galit ka sa nangyari. Pero dapat ay nakinig ka muna kay Tara. Kasalanan ko ang lahat, Barry. Ako mismo ang may gusto na pumunta sa bahay niya halos kada araw. Nang maghiwalay kami ni Queenie, nakita ko si Tara sa kakaibang aspeto. Sa tingin ko ay nagustuhan ko na siya. Pero alam kong kayo. Pero nagpumilit pa rin akong makapiling siya. Pero hindi ko gustong nasasaktan siya at pagkakita ko sa kanya ng araw na ‘yon, nasaktan talaga siya ng sobra. Gusto ko siyang pakawalan kasi alam kong mahal ka niya. At mahal ko rin siya. Sana mapatawad mo siya. Kung tutuusin, hindi naman niya ‘yon kasalanan. Akin naman.

<<Umalis si Evo>>

BARRY: Kailangan kong makausap si Tara. Pero hindi ko alam ang sasabihin ko.  

Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon