TARA: Hey Evo! Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari. Pati ikaw nadamay.
EVO: Okay lang ‘yon, Tara. Hindi mo naman kasalanan, eh. Akin naman. Ako mismo ang nagpumilit na pumunta sa bahay niyo. Hindi sana nangyari ito kung hindi ako pumunta dun.
TARA: Okay lang ‘yon, Evo. ‘Wag mong liitan ang pagtingin mo sa sarili mo.
EVO: Nakausap ko si Barry kanina.
TARA: Anong sinabi niya?
EVO: Wala naman siyang sinabi. Pero ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Sigurado ako, naiintindihan niya na ang lahat-lahat ngayon.
TARA: Maraming salamat, Evo. Isa kang mabuting kaibigan.
EVO: Basta't para sa 'yo, Tara. Alam mo naman kung gaano ka kahalaga sa akin bilang isang kaibigan. / Oh, nandiyan na pala si Barry. Hahayaan ko na muna kayong mag-usap na dalawa. See you later at class, Tara!
BARRY: Hey, Tara.
TARA: Hey.
BARRY: Galit ka pa ba sakin?
TARA: Eh ikaw?
BARRY: Ipinaliwanag sa akin lahat ni Evo. Pasensya ka na kung nag'overreact ako.
TARA: Sa tingin ko, hindi ka naman nag'overreact, Barry. Nasaktan ka. Pasensya ka na, Wishheart. Hindi kita dapat pinagsungalingan. Hindi ko na uulitin 'yun.
BARRY: Okay lang 'yun, Wishheart. Tao rin lang naman tayo, nagkakamali din minsan. Ang mahalaga, napag-usapan natin ito ng maayos. Sana hindi na talaga mauulit.
TARA: Okay. Mahal kita, Barry.
BARRY: Mas mahal kita, Tara.
<<Niyakap nila ang isa't-isa>>
Ganun na nga ang nangyari. Ako at si Barry ay nagkaayos na. Masaya ako na naging kami ulit. Gusto ko rin pasalamatan si Evo. Kung hindi dahil sa kanya, baka di na nga kami nagkabalikan pa ni Barry. Single si Evo ngayon at sinabi niya sakin na mas gusto niya daw na ganun lang muna ang estado ng kanyang lovelife ngayon.
Life goes on, ika nga. Kagaya nang kay Evo. Sabi niya, masaya siya na malaya siya ngayon. Hanggang sa makilala niya si Chrissie...
BINABASA MO ANG
Lihim na Pagtingin
Romance''Mapapansin rin kaya niya ako?" 'Yan ang malaking tanong ni Tara sa kanyang sarili. May gusto siya kay Evo, ang campus hearthrob ng eskwelahan nila. Pero gusto nga rin ba siya ni Evo?