Hindi maalis sa isip ko si Evo nung araw na ‘yun. Ang kanyang rebelasyon na wala na sila ni Queenie. Ang weird naman. Hindi naman sa nagiging taksil ako kay Barry pero di makuha sa akin na hindi mag-alala kay Evo. Okay lang ba siya? Alam kong nasaktan siya at gusto kong malaman kung gaano siya nasaktan. Gusto kong maging nandiyan para sa kanya. Alam kong kailangan niya ng makakausap ngayon.
(tumunog ang doorbell)
(binuksan ng katulong ang bakuran)
HELPER: Opo Maam?
TARA: Nandiyan ba si Evo?
HELPER: Opo Maam. Maaari ko bang malaman kung sino sila?
TARA: Pakisabi na lang na nandito si Tara.
HELPER: Okay maam. Pumasok po kayo.
TARA: Salamat.
HELPER: Sir Evo!
EVO: (sumisigaw) Ano ba ‘yon, Yayay?
HELPER: Meron po kayong bisita. Si Maam Tara po daw.
EVO: (sa sarili) Ano?? Oh shoot. Hanap muna ako ng magandang damit. / Hey! Napapunta ka yata?
TARA: Uhmm.. Gusto ko lang malaman kung ok ka lang.
EVO: Oh, ang bait mo naman. I'm slightly okay. Alam ba ni Barry na nandito ka?
TARA: Hindi, ‘di ko na kasi gusto siyang maistorbo pa.
EVO: Okay. Hmm..
TARA: Okay, sabihin mo na sa akin ang lahat. Ano ba talaga ang pinagmulan ng drama ninyo ni Queenie?
EVO: Hindi siya drama, Tara. Totoo lahat. Hindi ko sana gustong sabihin sa ‘yo ito pero alam ko namang mapagkakatiwalaan naman kita eh. Nakipaghiwalay siya sa akin nang dahil sa ‘yo.
TARA: Ano?? Bakit ako?? Anong meron sa’kin?
EVO: Nagseselos siya sa ‘yo. Sinabi niya sa akin na lumayo ako sa ‘yo or else makikipaghiwalay siya sa’kin. Siyempre, ayokong humiwalay sa ‘yo, kaya kami naghiwalay.
TARA: Hindi niya dapat ginawa ‘yon.
EVO: Pero ginawa niya na eh. Akala ko pa naman, maiintindihan niya ako.
TARA: Okay lang ‘yan, Evo. Maaari niyo pa namang maayos ang mga bagay-bagay.
EVO: Hmmm.. Tara?
TARA: Ano ‘yon?
EVO: I think I'm falling for you.
<<Natulala si Tara>>
EVO: Nung naghiwalay kami ni Queenie, unti-unting nahuhulog ang loob ko sa ‘yo. Ang matagal ko na palang hinahanap, nandiyan lang sa harapan ko. Ang tanga ko talaga para hindi mapansin ‘yon.
TARA: May kasintahan na ako, Evo. At di ko gustong saktan siya.
EVO: Mahal mo ba talaga siya?
TARA: Excuse me?? Oo naman! Hindi ako magiging kasintahan niya kapag di ko siya mahal.
EVO: Pasensiya ka na, Tara. Hindi ko sinadyang magalit ka.
TARA: Okay lang iyon, Evo. Naiintidihan kita. Aalis na ako. Hindi ko gusto na mahuli ako dito ni Barry.
EVO: Okay. Salamat sa pagdaan dito sa bahay. Kita’kits na lang sa school.
Talagang napatulala ako sa mga sinabi sa akin ni Evo. Hindi ko talaga inexpect na sasabihin niya ‘yon sa akin. Naguguluhan na talaga ako.
BARRY: Hey Wishheart. Saan ka ba nanggaling? Tumawag ako sa bahay niyo. Wala ka daw dun sabi ng Mama mo.
TARA: Pumunta lang ako kina Lalaine. Tiningnan ko lang kung natapos na niya ang report namin.
BARRY: Ah okay. Gusto mo bang lumabas o dito na lang tayo sa bahay niyo?
TARA: Dito lang tayo.
BARRY: Okay. / Magandang umaga, Tita!
CLAIRE: Magandang umaga, Barry! Tamang-tama, tanghalian na. Halika, kain na tayo.
BARRY: Magandang ideya, Tita! Halika na, Wishheart.
TARA: Okay.
<<Pagkatapos ng tanghalian>>
BARRY: Okay ka lang, Tara? Parang wala ka yatang gana.
TARA: Wala ito, Barry. Baka pagod lang ako.
BARRY: Pagod? Pinagod ba kita kagabi? Oh, pasensiya ka na. Hindi ko lang kasi matiis na hindi marining ang iyong boses.
TARA: Hindi, Barry. Hindi iyan ang dahilan. Baka pagod lang ako sa mga gawain natin sa eskwelahan.
BARRY: Gusto mo tulungan kita?
TARA: Oh, hindi na, salamat. Kaya ko na ‘to. Kailangan ko lang gawin paisa-isa.
BARRY: Sigurado ka?
TARA: Oo.
BARRY: Siguro magpahinga ka na. Susunduin kita bukas, okay?
TARA: Okay. Salamat sa pagpunta dito ngayon.
BARRY: Walang anuman. Bye. I love you.
TARA: Bye. I love you too. Ingat ka.
Hindi ko kayang sabihin kay Barry ang katotohanan. Hindi ko gustong magduda siya sa amin ni Evo. Alam kong may karapatan siyang malaman ang lahat ng ito pero hindi pa ito ang tamang oras.
![](https://img.wattpad.com/cover/5242009-288-k398187.jpg)
BINABASA MO ANG
Lihim na Pagtingin
Romance''Mapapansin rin kaya niya ako?" 'Yan ang malaking tanong ni Tara sa kanyang sarili. May gusto siya kay Evo, ang campus hearthrob ng eskwelahan nila. Pero gusto nga rin ba siya ni Evo?