Chapter 6 - Ang Araw na Kinatatakutan

51 1 0
                                    

QUEENIE: Hey Barry!

BARRY: Oh hi, Queenie! Anong meron?

QUEENIE: May gusto sana akong sabihin sa’yo.

BARRY: Ano ‘yon?

QUEENIE: Hindi ka ba nagdududa sa kasintahan mong si Tara?

BARRY: Excuse me??

QUEENIE: Kung titingnan mo kasi, naghiwalay na kami ni Evo. At ang dahilan ay siya.

BARRY: Ano??

QUEENIE: May pagtingin si Evo kay Tara. Hindi mo ba nakikita ‘yan? At sa tingin ko, gusto rin siya ni Tara!

BARRY: Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, Queenie.

QUEENIE: Kung gusto mong iligtas ang sarili mo sa major, major heartbreak, bantayan mo si Tara. Hindi mo mamalayan baka isang araw gigising ka at sila ay magkatabi na ni Evo.

TARA: Wishheart! Oh hi, Queenie.

QUEENIE: Hi, Tara. Tandaan mo ang sinabi ko sa’yo, Barry. Bye, sa inyong dalawa.

TARA: Anong sinabi niya sa’yo, Wishheart?

BARRY: Wala. Schoolwork.

TARA: Sigurado ka?

BARRY: Oo. So, halika na?

TARA: Sure.

BARRY: So, may mga plano ka ba para mamaya?

TARA: Wala. Eh ikaw?

BARRY: Wala din. Gusto mong lumabas?

TARA: Uhmm.. Hindi na muna ngayong gabi. Marami pa akong gagawin.

BARRY: Okay then. Pupunta na lang ako sa bahay ninyo para matulungan kita sa mga gagawin mong ‘yan.

TARA: Hindi na, salamat, Wishheart. Kaya ko na ‘to. Pahinga ka na lang. Sigurado akong pagod ka din.

BARRY: Sigurado ka ba n'yan?

TARA: Oo, siguradong-sigurado ako.

BARRY: Okay then. Ihahatid na kita sa bahay niyo.

TARA: Okay. / Oh, dito na tayo. So, text mo na lang ako ha?

BARRY: Okay. Bye. I love you. Mwah. / Hmm.. Parang busy na busy siya talaga ngayong lingo na ‘to ah. Ano kayang ginagawa niya?

TARA: Hey Evo!

EVO: Hey! So, kamusta sa school?

TARA: Okay lang naman. Bakit di ka pumasok?

EVO: Masama kasi pakiramdam ko kaninang umaga. Pero ngayon, okay na ako. Nahanap ko na kasi ang gamot sa sakit ko. J

TARA: Oh please tigilan mo ‘ko, Evo. Hehe. So, akyat na tayo para gawin ang mga takdang-aralin?

EVO: Sige. Hindi ba magagalit ang mommy mo ‘pag umakyat ako sa taas?

TARA: Oh, hindi siya magagalit. Nagpaalam na ako sa kanya tungkol dito.

EVO: Okay. Halika na! / Wow! Ang ganda ng kwarto mo. Ginawa mo ba ‘to?

TARA: Oo. ‘Pag wala akong ginagawa, pinapaganda ko ang aking kwarto.

EVO: Ang ganda. Hey, ano ‘to?

TARA: Ooppss! ‘Wag mong hawakan ‘yan. Sekreto ko ‘yan.

EVO: Ooooohhh.. Sekreto ha?

TARA: Hey! Bitawan mo nga ‘yan! Umpisahan na natin ang takdang-aralin.

EVO: Okay.

<<Pagkatapos ng ilang oras>>

CLAIRE: Tara! Tara!

TARA: Yes mom?

CLAIRE: Nandito si Barry!

TARA: Ano?! Oh my God! Hindi ka niya dapat makita dito!

EVO: Oh geesh! Magagalit talaga siya ‘pag nalaman niyang nandito ako sa bahay niyo! Hahanap ako ng paraan.

TARA: Maghintay ka dito. Papupuntahin ko muna siya sa kusina. At kapag nasa kusina na siya, umalis ka na ng bahay. Okay?

EVO: Okay. Instructions clear.

TARA: Hey Wishheart! Akala ko, hindi ka pupunta dito.

BARRY: Hindi ko kasi kayang hindi ka makita. Ang magtext sa ‘yo ay hindi sapat para sa akin. May tao bas a taas?

TARA: Wala, ako lang. Bakit?

BARRY: Narinig ko kasi, parang may kausap ka.

TARA: Oh no, kinakausap ko lang ang sarili ko. Another nonsense conversation to myself. Hehe.

BARRY: Hmm..

TARA: Hey, pumunta muna tayo sa kusina. Gumawa si Mom ng kanyang delicacy. Sigurado akong magugustuhan mo ‘yon.

BARRY: Okay.

EVO: (tahimik na lumalakad) Shoot. Kailangan kong tahimik na makalabas. / Hay salamat nakalabas din ako ng bahay nila! Phew! Ang lapit nun ah.

Paulit-ulit na nangyari iyon. Paulit-ulit na bumalik si Evo sa bahay para tulungan ako sa mga takdang-aralin ko, gumawa ng mga ulat, or kahit na basta magsama lang kaming dalawa. Alam kong mali ang ginagawa ko, pero hindi ko siya matanggihan. Siya mismo ang may gustong pumunta sa bahay halos araw-araw. Hindi ko kayang sabihin iyon kay Barry dahil alam kong magagalit talaga siya, hanggang sa. . .

BARRY: Tita! Magandang araw po. Nandiyan po ba si Tara?

CLAIRE: Oo. Nasa itaas siya, sa kanyang kwarto. Gusto mo bang tawagin ko siya?

BARRY: Salamat, Tita. Hindi na po, okay lang po ‘yon. Gusto ko lang siyang sorpresahin.

CLAIRE: Okay.

BARRY: Wishheart! What the ---??!

TARA: Barry! Anong ginagawa mo dito?

BARRY: Bakit nandito si Evo sa kwarto mo?! Anong ginagawa NIYA dito?! At bakit parang MAGHAHALIKAN pa kayong dalawa??!!

EVO: Hindi, kumalma ka Barry. Ayoko ng gulo dito.

BARRY: Ikaw ang nagsimula nito kaya mas mabuti kung tapusin mo na ‘to!

TARA: Pakiusap, Barry. Ako ang magpapaliwanag ---

BARRY: At ikaw! Tumahimik ka! Hindi mo kailangang ipaliwanag lahat! Action speaks louder than words! Ngayon alam ko na kung bakit sinagot mo ako. Isa lang akong panakip-butas. Bullshit ang lahat ng ‘to! Aarrgghh!

TARA: Barry, pakiusap! Tama na!

BARRY: Gusto mo akong tumigil?? Cge, titigil na ako. Siguro mas mabuti kung itigil na natin ‘to. Tapos na tayo.

TARA: (humahagulhul) Barry.. Huwag mo gawin sa akin ito.

BARRY: Ginawa ko na, Tara. Now if you’ll excuse me, marami pa akong dapat gawin. Kailangan ko nang ibasura ang mga memorya ko sa ‘yo. Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo, Evo. Ang galing mo. At ikaw Tara, hindi dapat kita pinagkatiwalaan. Ang tanga-tanga ko talaga para maniwala ako sa bullshit na mga pangako mo! Tang-ina kayong dalawa!

<<Umalis si Barry sa bahay>>

EVO: Pasensiya ka na, Tara. Hindi mangyayari ang lahat na ‘to kung di ako pumunta dito.

TARA: Hindi lang ito kasalanan mo, Evo. Nagulat lang ako sa mga sinabi niya. Ang sakit kaya nun.

EVO: ‘Wag ka nang malungkot, Tara. Magiging okay rin ang lahat.

TARA: Sana nga.

Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon