Chapter 3 - Sadyang Nakapagtataka

105 1 0
                                    

So ganun. Inimbitahan ako ni Evo for dinner! Di na ako makapaghintay! Sigurado akong magiging memorable talaga itong gabi na ito para sa’kin, para sa’ming dalawa. :) Sana magiging okay ang lahat.

TARA: Nasaan na kaya si? Medyo natagalan yata siya ah. O, nandiyan na siya pala. Hoy Evo! Aba! Gandang sasakyan ah.

EVO: Sa Papa ko ‘to. Hiniram ko lang para sa espesyal na gabi na ‘to.

TARA: (Kilig) (Uupo na sana sa unahan)

EVO: Teka! Dito ka umupo, Tara. (Sabay bukas ng pintuan sa likod) Nandiyan kasi si Queenie.

Ayun na! Tama si Barry. Isinama niya si Quennie. Kailangan ko ng back-up. Kailangan kong tawagan si Barry.

TARA: Evo, sandal lng ha? May tatawagan lang ako.

EVO: Cge. ‘Wag ka lang magtatagal. Naghihintay si Queenie sa loob.

TARA: Cge. / Barry? O Barry, sagutin mo naman ang telepono mo.

BARRY: (nasa telepono) Yep?

TARA: Kailangan kita. Ngayon na!

BARRY: Huhulaan ko. Dinala niya si Queenie diba?

TARA: ‘Yon na nga.

BARRY: Cge, pupuntahan kita. Saan ba kayo kakain?

TARA: Hind ko nga alam. Iti'text lang kita kung nandun na kami.

BARRY: Cge. Kalma ka lang ha? Pupuntahan kita diyan.

TARA: Salamat, Barry.

EVO: Tapos ka na ba?

TARA: Yup! Tara!

Napakatahimik talaga ng panahong nasa sasakyan kami papunta sa baybayin kung saan kami kakain. Hindi ako makapagsalita nang biglang binasag ni Evo ang katahimikang ‘yon..

EVO: Babe, eto pala si Tara, ang aking matagal nang kaibigan. Tara, si Queenie nga pala, girlfriend ‘ko.

QUEENIE: Ikinagagalak kong makilala ka, Tara.

TARA: Ikinagagalak ko ring makilala ka, Queenie.

EVO: Uhmm.. So.. Saan niyo gustong kumain, mga magagandang dilag?

QUEENIE: Gusto ko sa Coco Veranda, Babe.

EVO: Pero, mukhang napakamahal naman dun, Babe. May imumungkahi ka ba, Tara?

TARA: Hmm.. Maganda din dun sa Alma's.

EVO: Tama! ‘Yan rin ang nasa isip ko. Hindi gaanong mahal dun sa Alma’s kumpara mo sa Coco Veranda. Mas masarap pa ang mga pagkain dun! Pagkatapos nating kumain, saan niyo gustong pumunta?

QUEENIE: Bakit di mo tanungin si Tara? Parang kayo lang naman kasi ang nagkakaintidihang dalawa eh.

Grabe. Natulala talaga ako sa sinabi ni Queenie. Tama ba ang nakikita ko? Nagseselos ba siya sa’kin? Parang nakakatawa naman. Hindi naman dapat magselos sa’kin si Queenie. Wala naman siyang dapat pagselosan.

EVO: Nandito na tayo! Phew! Masarap ang simoy ng hangin ah! Uy, Babe. Okay ka lang?

QUEENIE: Okay lang ako, Babe. Pagod lang siguro ako. Dami ko kasing ginawa kanina sa eskwelahan.

EVO: Okay lang ‘yan, Babe. ‘Wag nating sayangin ang gabi na ito. Uy Tara, naaalala mo ba ang lugar na ‘to?

TARA: Sino ba ang hindi makakaaalala? Ito ang eksaktong lugar kung saan ako unang nalasing. At ikaw ang may pakana ng lahat nang ‘yon.

Lihim na PagtinginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon