✔
Walking with a friend in the dark is better than walking alone in the light --- Hellen Keller✔Alexander
Grabe halos hindi na umaalis si Nath sa kanyang computer kahapon pa sya dyan pagkatapos ng pag-uusap nila ni Azumi. Tinanong ko nga kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila pero hindi nya naman ako sinasagot.
"Nath, pwede bang break muna, kahapon ka pa dyan eh" sabi ko sabay lagay ng coffee nya sa mesa. Napahilamos naman sya sa kanyang mukha "Hindi pwede Alex" sabay higop ng coffee nya "Salamat" pagkatapos tinuon ulit sa ginagawa nya.
Kumuha ako ng silya at tumabi sa kanya at umupo "diba sabi mo sa akin kahapon, nahanap muna ang impormasyon ng kanyang mga magulang? Eh ano pa ang hinahanap mo sa kanya?" pag-uusisa ko sa kanya
"malakas ang kutob ko na ang nahanap ko na impormasyon ay hindi nya iyon mga magulang. Maaaring peke lamang ito."
"So ang ibig mong sabihin ay maaaring tinatago ang impromasyon ng magulang nya? pero bakit naman? Ganun ba ka pribado ang buhay ng Azumi naun? Tsk. Pinapasakit nya lamang ang ulo mo. Sabihin mo na lang kay Evan na yan lang ang nahanap mo" pagsusungit na sabi ko sa kanya
Ngumiti naman sya at na-amaze "ang totoo nyan, ay nachachallenge ako"
"ewan ko sayo basta para sa akin ay ordinary lamang ang Azumi na yan. Tapos!" aalis na sana ako sa kinauupuan ko ng magsalita si Nath "Hindi sya ordinaryo Alex" napatigil naman ako at tinignan sya, pero nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa screen.
"Sigurado ka?" tumango naman sya "bakit mo naman nasabi yan?" unti-unti naman akong napa-upo sa kinauupuan ko "kahapon..... nung nag-usap kami" inikot ko ang upuan nya para mapaharap sya sa akin
"si_sinabi nya? ano daw sya?" napabuntong hininga naman si Nath "hindi nya sinabi sa akin pero basi sa mga pahayag na binitawan nya sa pag-uusap namin ay parang ganun na nga ang pinapahiwatig nya sa akin..... na hindi sa ordinary lamang"
Bigla naman akong napa-isip "teka nasubukan mo na ba syang hanapin sa gangster na website o kaya sa assassin?" tumango naman sya "oh ano napabilang ba sya?" umiling naman sya
"Impossible dapat kailangan mong magpamember kung hindi ay tutugusin ka ng mga mafia's" parang may light bulb na lumabas sa ulo ni Nath at bigla-bigla na lamang itong nagtype. Tumingin naman ako kung ano ang tinatype nya, ayun sa nakikita ko kakaibang website ito hindi ito sa pilipinas kundi sa ibang bansa ito.
"Teka bakit ka naman napunta sa website ng London?" tanong ko pero nanatiling nakatingin sa screen habang tinignan ang iba't-ibang mukha ng tao "nagbabakasakali ako na baka dito sya nagregister, dahil narin sa accent ng pananalita nya. Hindi sya tagarito... Damn! Wala rin... Hindi ko rin mabuksan ang pinakaloob-loob dahil hindi ako member"
"Eh kung subukan mo kaya sa Japan?" napatingin naman sa akin si Nath ng nakakunot noo "bakit?"
"naisip ko lang, dahil sa apelyido nya na Zhang?" mabilis na nagtype sya kaso ang problema ay hindi sya member kaya hindi sya makapasok, yung labas lang na lower rank ang nakikita namin, yung mga higher rank naman ay pribado.
Napagulo naman si Nath sa kanyang buhok, miski ako din, ano ba naman to!!
"Teka lang diba may binibigay na birth certificate? Kaya sure na nandon ang pangalan ng mga magulang nya!" napangiti naman si Nath "oh anu pa ang hinihintay natin, punta na tayo sa office" sabi ko
BINABASA MO ANG
Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under Revision
БоевикWARNING!!! This story is old so kindly add the newest version of this. 😉😉😉 Thankies 💗💗💗