"Just because you're different that doesn't mean that you're wrong" – 2ne1 CL
CASSANDRA POV
Walang ganang kinakain ko ang lunch dahil wala si Azumi ngayon at hinihintay ko namang dumating si Yuki dito. Nakakabwisit kasi yung kinukwento nila Dian, Marie at Chloe parte lang naman sa sex. Kesho daw mas maganda na walang u know, yung isa naman mas maganda meron para protected.
Hayy, nako ako ang maloloka sa pinag-uusapan nila. Mas maganda pa don ang lapit ng mukha nila sa isa't-isa para di marinig dito sa canteen.
Baka mapalabas na naman kami dito.
Lumiwanag naman yung mukha ko ng makita si Yuki na kumakaway-kaway papunta sa kinaroroonan namin. Agad ko namang siniko si Chloe dahil sya yung malapit sa akin. Na gets naman nya ang ibig kung sabihin kaya pinatahimik na nya sina Dianna at Marie.
"Ang tagal mo Yuki" wika ni Chloe, umupo naman sa tabi ko si Yuki
"Hehe, pasensya na Chloe-san, hinanap ko pa kasi si Nee-san" ngiting sabi nya sabay lagay ng baon nya. Tumango naman si Chloe at hindi na nagtanong ng ibang detalye, siniko naman sya ni Marie na sinasabing sana di na lang sya nagsalita. Sinimangutan ko na lamang sila at tumahimik na lamang.
Noong isang araw nang ganon si Az, hindi na sya sumasabay sa aming maglunch at laging may kinakausap sa phone nya, pero mostly nagkakasama pa naman kami at nagkukwentuhan, my time lang talaga na bigla-bigla na lamang sya nawawala.
Alam ko din ang nangyaring labanan sa karibal nya sa pag-ibig na si Roxan, kinuwento ni Yuki. Grabe witness din don si Trev at si Nath.
Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang sumigaw lahat ng estudyante dito sa canteen, may namumuong usok sa loob ng canteen. Nakikita ko din pati sa labas nagkakagulo din don. Tumingin ako sa side ko pero wala na si Yuki sa tabi ko. Kinilabit naman ako ni Chloe.
"Sandra, halika ka na" pag-aalalang sabi nya, lumalabas na kasi mga estudyante at mga tao din na nagtatrabaho sa canteen. Dali-dali naman akong tumayo sa kinauupuan ko at tumakbo. Bahala na don ang mga pagkain namin. Nang makalabas kami, maraming basag na salamin na nasa sahig, kaya umiwas kami don. Nang malapit na kami sa side, laking gulat namin na may nagkalat na mga dugo.
"Gross, anong nangyayari ngayon?" maarting sabi ni Dianna habang nililibot ang paningin namin sa paligid. Bigla kaming napalingon sa kabilang side namin dahil nagsisigaw na naman ulit. Nakikita namin ang ibang estudyante, nagsilabasan na ng kanya-kanyang sandata.
What the heck!! Anong nangyayari ngayon.
"What's going on??!!!" sabi ni Marie, sabay labas din ng sandata si Chloe at Dianna. Tsk!! Kailangan ko ngayon mahanap si Yuki, bigla na lang kasi sya nawala. May kinalaman kaya ito sa kanila... "This way!!" sabi ko. Tumakbo kami ng mabilis papalayo sa lugar na iyon. Pero tssk... pati din pala sa hallway, nagkalat din ang mga dugo at mga basag na salamin. Ang mga kulay ng halaman, nagkukulay dugo na.
Masusuka na talaga ako!! Never pa akong nakakita ng ganitong karaming dugo. Buhay pa kaya kung sino man ang nagmamay-ari ng mga dugo na ito. "Saan tayo pupunta Sandra?!!" pasigaw na sabi ni Chloe habang mabibilis na takbo ang ginagawa namin.
"Hindi ko alam!!" pasigaw ko din na sabi. Hindi ko alam kung saan ba talaga ang direksyon na pupuntahan namin. Basta ang nasa isip ko lang ay mahanap si Yuki.
BINABASA MO ANG
Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under Revision
AzioneWARNING!!! This story is old so kindly add the newest version of this. 😉😉😉 Thankies 💗💗💗