Chapter 41[40]

2.8K 113 44
                                    

If you want to be part of my life, make sure you are ready to accept not only the good side but also my stupid side - Unknown





Alex POV

Naiinis ako 😑 psshh, talagang naiinis talaga ako. Konting-konti na lang babatukan ko nato si Nath. "Nath, pwede ba kitang makausap ng sandali?" pagtawag ko ng atensyon sa kanya.



Eh, paano ba naman? Kanina pa sya sa tabi ng babaeng yan. Si Sandra naman panay tanong sa mayabang na lalaki na yan, samantalang mga kaibigan nya ay binabantayan sina Chris at Dennis.


Tumango naman si Nath at sumunod sa akin. Kailangan kung malaman kung ano ngayon ang mga nangyayari. Ng medyo malayo na kami sa kanila saka na ako ngtanong kay Nath.

"May alam ka ba sa mga nangyayari ngayon?" wika ko. "Wala" tipid na sabi nya.


Medyo nagulat ako sa sinabi nya, kasi si Nath yung tipo ng tao na alam nya yung bawat na nangyayari sa paligid nya. Palagi syang nasa desk nya at nagchecheck ng cctv, kaya nakakagulat dahil wala syang alam.



"Kung ang iniisip mo ay nasa desk ako. Nagkakamali ka, papunta pa lang ako dito, maraming dugo na kumakalat ang nadatnan ko" paliwanag nya.

Tumango na lamang ako, hindi ko alam kung nagsisinungaling sya o hindi. Hindi ko naman din sya mapipilit.


"Bakit?" wika ko, medyo naguluhan si Nath sa,tanong ko. "Huh?"

"Bakit, nangyayari ngayon ito. Wala naman akong may natatandaan na may nakaaway ang school natin. Wala naman tayong siniraan. Bakit, biglaan to?" sabi ko

"Kung gusto mo masagutan ang mga katanungan mo, kailangan na natin ngayong kumilos" -Nath


Tama sya. Walang mangyayari kung magtatago kami. Pero pssshh, hindi naman ito pagtatago eh, bumobwelo lang, ah basta yun na.



Pero may tanong pa ako "Kilala mo sila? Bakit may paluhod-luhod pa kayong nalalaman ng Sandra na yan?" wika ko



Tumingin naman si Nath sa kinaroroonan nila at nakikita ko sa mga mata nya ang maraming emosyon, medyo nagulat pa ako sa ipinakita nya. May pagkamangha, masaya at tekaaaa bakit kumikinang mga mata nito? May pagkabaliw din pala to si Nath. "They're ally ... A powerful and dangerous ally" - Nath


Natahimik na lamang ako, hindi ko alam ang ibig nyang sabihin pero magtitiwala ako sa kanya. Si Nath yung tipo na hindi palakaibigan, kumbaga namimili ito at maingat din sya sa bawat kilos nya.


"Tara,na Nath, hanapin natin ang may salarin nito" tumango naman sya at bumalik kami kung saan naghihintay sila.



Sandra POV


Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon