Chapter 3[T3]

9.6K 306 12
                                    

In every battle there comes a time when both sides consider themselves beaten, then he who continues the attack wins. - Ulysees S. Grant

Uncle Alex

Ring

Ring

Ring

Agad kung pinatay ang digital clock ko. 4am na pala, ganito kasi na oras akong gumigising 7:30 kasi ang pasok ko. Pumunta na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kung maligo, nagbihis agad ako at pumunta agad sa kitchen para makapaghanda ng almusal. Meron kaming katulong, yun ay si Manag Telda matanda na sya kaya minsan ko lang sya pinapapunta sa bahay. Sya ang nag-aalaga sa akin simula pagkabata ko ... kaya ngayon pinauwi ko sya para makapagbonding naman sya sa ina-apo nya, kaya ngayon ako ang magluluto ng almusal namin. Narinig ko na may mga yabag na mga paa ang papunta sa kitchen. Tumingin naman ako sa wristwatch ko 6:10am na pala


"Morning dad" Sandra

"Morning baby" tamang-tama handa na ang mga niluto ko. Nilapag ko na ang mga niluto ko sa mesa

"Baby paki-gising na lang sa kanila Az" tumango naman sya at umalis. Hinanda ko naman ang gatas nya at pati na din ang coffee ko. Naalala ko pa kaninang umaga ....


"Dad?"

"oh baby, ang aga mo naman ata gumising?" alanganin kung ngiti... kanina pa kaya sya dyan

"may kausap po ba kayo dad?" kinusot-kusot nya pa ang mga mata nya

"w-wala anak. Bakit mo naman natanong?" humikab muna sya

"papunta ako sa banyo para magwiwi ng parang may narinig akong may nag-uusap" humikab ulit sya

"at sino naman ang kakausapin ko baby?... oh sya sige na matulog kana ulit ... alam kung inaantok ka pa"

"eh bakit kayo gising dad? Diba 4 pa kayo gumigising?"tanong nya ulit ... nagmana talaga to sa akin, napaka daming tanong...

"bigla akong nauhaw kaya uminom ako ng tubig... sige na matulog kana" she nodded I kiss her forehead and she close the door

Mabuti na lang hindi na sya nagtanong pa, madami kasing tanong ang anak ko eh. Maya-maya pa dumating na sila Az at Yuki kasunod ang baby ko. Mukhang hindi pa gising ang diwa ni Yuki parang gusto nya pang matulog sa kama nya, pumipikit-pikit pa kasi ...

"Ok let's eat guys" I said, umupo na sila sa kanilang mga upuan at nagsimula ng kumain


Cassandra/Sandra


"Bye dad" habang papasok kami sa kotse

"See you later Uncle" sabi ni Yuki tumango naman si Az

"Bye too, my princess ... see you later din" he wave his one hand

"Lets go na po" sabi ko sa driver namin, tumango naman sya at binuhay ang sasakyan at umalis na papunta sa paaralan.

Pinagmamasdan ko sila ni Az at saka Yuki sa rearview mirror, na nakatanaw sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga gusali at mga matataas na mga puno, paano ko ba to sasabihin sa kanila. Wala silang kaalam-alam kung anong paaralan ang pinasukan nila. Ayokong magalit si Az sa akin dahil wala man lang akong sinabi sa kanya or sa kanilang dalawa. Alam kung may karapatan sila pero natatakot ako sa magiging reaction nila.

Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon