"What?!" Gulat na sigaw ni Nathalie sa akin.
Kinuha ko ang coffee cup ko at sunod sunod na tumango sa kaniya.
"Ibig sabihin pumayag ka'ng fuck buddy ni Thunder?" Nathalie asked me.
Nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman alam kung talaga pumayag ako. Basta ang nangyari lang ay lasing ako kaya may nangyari sa amin.
"Hindi ko alam. Pero bakit hindi natin subukan 'no? Masarap din naman siya" Pagbibiro ko.
Pagbibiro? totoo nga e'
"Halata nga sa itsura mo, 'te. Blooming na blooming e'"
"Gaga! Talagang blooming na ako with or without yot-i" Mataray na sabi ko rito.
Mabilis ko nakita ang pagdaan ng kuryosidad sa mukha ni Nathalie. Alam ko'ng hindi niya maiintindihan, maganda na 'yon pinatunayan sa akin ng kaibigan ko na medyo boba siya.
"Sasabihin mo ba 'to kay Stephany—" I cut her off.
"No. Alam mo naman o napapansin mo na may gusto si Thunder kay Stephany. It's pretty obvious" Saad ko na sinang-ayunan naman ni Nathalie.
Marami pa kami napag-usapan ni Nathalie bago ito magpaalam sa akin na aalis na—kahit na makikipag kita lang 'yon sa ka fubu niya'ng kano.
𐙚
Nandito ako ngayon sa bahay ni Stephany at nakikigulo lang naman sa dapat rest day niya. Nasa kusina ito ngayon nagluluto ng noodles—'yun lang kasi ang kaya niyang lutuin.
"Oh! Noodles na nga lang baka masunog mo pa" Pang-aasar ko sa kaniya.
She looked at me evilly, rolled her eyes, and turned off the stove. Kumuha ito ng mangkok at padabog nilagay sa sink table sa harap ko. Napakunot ang noo ko nang makita na isa lang ang mangkok.
"Bakit isa lang 'yan? Ano ikaw lang kakain?" Mataray na sabi ko habang nakataas ang kilay ko sa kaniya.
Ang gaga hindi nagpaawat at tinaasan rin ako ng kilay sabay pameywang.
"Hindi ba ayaw mo nang luto ko? Edi magluto ka ng sayo" Pagtataray nito sa akin.
"Tama ba 'yan?" Sarkastikong sabi ko.
"Oo, tama" Pang gaganti nito.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Kaunti nalang ang pagitan namin dalawa. Nagmumukha tuloy kaming may girl love story.
"Pag ako nagluto—'wag kang hihingi sa akin. Alis!" Malditang sabi ko.
Tinulak ko ito nang mahina na ikinatawa niya. Kumuha ako ng mga ingredients sa ref niya. Masyado'ng madaming pagkain dito pero lintik! Puro frozen food, hindi ba siya nagsasawa?
Sabagay do'n nga sa Lawrence nagpakarupok ng ilang taon and counting—dito pa kaya sa frozen food.
Ilang minuto rin ang inabot ko sa pagluluto bago ako matapos. Wala na si Stephany sa kitchen. Mukhang nasa kusina 'ata dahil nakakarinig ako ng mga ingay na nagmumula sa tv nito. Kinuha ko ang dalawang plato na may iba't ibang pritong frozen food at ang ginawa ko'ng cheeze sauce and hot sauce na natutunan ko sa parents ko.
"Ano ang pinapanood mo?" I asked as I walked over to the sofa where she was sitting. I put the food I had cooked on the table in front of the sofa.
"Chainsaw massacare. Nakita ko sa fyp ko na maganda raw e' so why not na panoorin natin hindi ba?" Sabi nito habang kumakain ng chips.
Napatango na lamang ako at sinimulan na i focus ang atensyon sa pinapanood. Sobrang intense ng movie na 'to, sa sobrang intense ay hindi ko na napapansin na dumudukot na ang gaga sa pagkain na niluto ko kanina lang.
YOU ARE READING
Lustful Love
Roman d'amourIvy Blythe Lopez is known for her reputation as a playgirl. She falls in love with Alexander Thunder Monteverde, a playboy from a wealthy family. However, Thunder's grandmother disapproves of Ivy due to her reputation. Despite Ivy's past, she genuin...
