"Manong Gi. Tara napo at baka maubusan ako nung bagong labas na sandals sa Mall.!" Sigaw ko dahil nasa loob pa si Manong Gi. Siya ang binigay ni Daddy saken para maging driver ko.
"Nandyan napo Senorita Veamin."
Ahm. Nakalimutan ko palang magpakilala. Ako pala si Veamin Reyes Smith. Seventeen palang ako at Fourth year high school na. Nag aaral ako sa isang International School. Kaso ililipat na ako sa School na isa si Daddy sa nag mamay ari nun. Isa din sa pinakasikat ang school na yun dito sa Pilipinas dahil mga mayayaman ang may ari nun. At halos lahat ng anak ng may mga may ari nun ay doon din nagaaral tulad ko.
"Sa Mall lang po tayo Manong Gi. Tsaka mag tataxi nalang po ako kapag uuwi na po ako." Sabi ko sa kanya. Baka kasi mag hintay siya ng matagal eh.
"Okay po Senorita." Sabi naman nya. Naiilang ako kapag tinatawag niya akong senorita. Parang sobrang sosyal nun. Kasalanan ni Mama yun eh. Ang arte arte.
"Ah Manong Gi. Veamin nlng po kaya Vey nlng." Vey pala ang nickname ko. Kinuha lang sa Vea.
"Pero seno---." Hindi niya na natuloy yung sasabihin dahil agad akong nagsalita.
"Manong Gi. Sa bahay niyo nalang po ako tawaging Senorita." Sabi ko sa kanya with matching smile.
"Okay po." Sabi ni Manong Gi na nag aalangan pa.
11:00 na rin naman ng umaga. Bukas na ang mga Mall dito. Kaya ng pagkababa ko sa kotse ay nagpaalam nako kay Manong Gi at dumiretso na sa second floor dahil halos ng mga bibilhin ko nandoon lang. Pinagtitinginan ako ng mga lalaki dito sa loob ng Mall. Dahil siguro sa ganda ko. JOKE!!
"Hi Ms. Can I get your name? And your number so." Sabi nung humarang sa daan ko. May itsura naman kaso diko siya type.
"Sorry. And I don't talk to the stranger." Pag mamaarte ko kase baka pilitin pa ako kase mabait ako. Diba?
Narinig ko naman na napabuntong hininga siya at umalis na. Narinig ko naman nag tawanan ang mga kasama niya. Bigla tuloy akong nakonsensya. Kaya diko alam na lumapit pala ako sa kanya.
Binuksan ko ang purse ko at kinuha yung copy ng number ko na may kasamang pangalan ko.
"Here." Sabi ko naman sa kanya at nakita kong kumislap ang nga mata niya. Ow He's so cute.
"Thank you." Sabi nya na ngumiti abot hanggang sa mga mata niyang sobrang singkit.
"No problem. Anyway. What's your name first?" Sabi ko sa kanya.
"Jiro Osena." Sabi nya at inilahad nya ang kamay niya. At tinanggap ko iyon.
"Veamin." Sabi ko sa kanya at tumango tango naman siya.
"Nice to meet you. Veamin." Sabi nung Jiro.
"Nice to meet you too and I have to go." Sabi ko sa kanya at nag wave.
Pumasok na ako dito sa loob ng store na puro sandals. Nasan na kaya ang hinahanap ko? Luminga linga ako at nakita ko na ang hinahanap ko. Biglang kumislap ang mga mata ko at halos takbuhin ko iyon at nakita kong may kasabay pa ako sa pag hawak ng sandals. Shit naman. Makikisabay pa to.
Humarap ako sa kanya at... at lalaki siya. Bading? Tsk sayang yung kagwapuhan niya. Sayang.
"Kuya nauna ho ako." Sabi ko sa poging kaharap ko.
"And so?" Sabi niya. Wow taray ni ate.
"So i'll take this." Sabi ko with mathching smile na pang asar. Kase ako naaasar na ako.
"Kumuha ka nalang ng iba. Kase ako ang kukuha nito." Sabi niya sabay hatak ng sandals mula saken.
"Hoyyy bakla. Akin na yan!! Ako nauna dyan!!" Sigaw ko. Lumapit naman siya at hinarap niya ako sa sale's lady na nandoon.
"Ms. Meron pa ba kayong stock nito?" Tanong ni bakla.
"Sorry Sir. Last nalang po iyan." Pag papaumanhin ni ateng sale's lady.
"Oh narinig mo? Last nayan kaya ibigay mo na saken.!" Sabi ki kay bakla.
"But my girlfriend want this too. And don't call me gay again. Because if you call me gay again. Baka mahalikan kita para patunayan sayong hindi ako bakla." Girlfriend? Hala natawag ko pa naman siyang bakla, kala ko kase para sa kanya. Haist tanga mo. Hindi ko man lang naisip yun ah. Hahalikan? Ako. Sus bakla ka talaga.
"Ganito nalang. Ibibigay mo sakin yan at sasamahin kitang mag hanap ng sandals para sa Girlfriend mo. Okay ba sayo yun?" Tanong ko sa kanya. Dahil gusto ko talaga yon. Mga collection ko kase yung nga sandals eh.
"Ayoko!" Sabi niya at lumakad na palayo. Naiiyak na ako. Dahil hindi ko man lang nabili iyon. Last na kase yun. Sobra niyang nahal yung girlfriend niya. Huhuhu Tang**a WALANG FOREVER!!! Yung sandals ah. Hindi yung relationship nila.
Nag libot-libot nlng ako sa loob ng mall at ginuguyod yung push cart marame-rami na rin kase akong na shopping. Marami nga wala naman yung sandals. Huhuhu so sad =<
Sandals' Snatcher. :( I hate you.
-----------------------------------------------------------