Chapter 5

7 0 0
                                    

Veamin POV

"IKAW!!!!?" ikaw? Bakit ikaw di ko naman siya kilala eh. Tumingin ako sa gilid ko at hinahanap kung ako ba talaga ang sinabihan niya ng ikaw.

"Ako?" Tanong ko dun sa Gaze na makasigaw wagas.

"Aiy hindi. Sino pa bang transferee dito? Ako?" Aba't namimilosopo pa si koyang sungit ah.

"Transferee ka din ba?" Sabi ko sa kanya. Medyo tanga lang.

"Geeezz!!! No I'm not. Kalimutan mo na sinabi ko." Sabi niya at ako naman nagtataka sa impaktong to'.

"Okay." Sabi ko at bumalik na ako sa upuan ko. Maaga aga pa naman eh.

Kaso dumating agad ang prof. Wala rin nangyari sa loob ng isang oras kung hindi ang makinig lang s kanya.

"Hi." Sabi nung babaeng katabi ko din. Simpleng babae na halatang mayaman. At maganda siya at bilugan ang mata.

"Yes?" Sabi ko nalang.

"Gusto ko sanang sumabay sayo mag recess. Okay lang ba sayo?" Wow close kame?

"Uhm. Okay." Sabi ko at nginitian ko siya. Mukha naman siyang mabait eh.

--

Break Time.

Nag lalakad kaming dalawa nung babaeng nag aya saken kanina.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong ko sa babae.

"Hershey Perez. Diba ikaw si Veamin Smith.?"

"Oo. Bakit pala ako yung niyaya mo?" Tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang kase wala talaga akong kaibigan sa school na'to." Huh?

"Bakit naman?"

"Actually meron. Kaso noon yon. Iniwan ako ng kaibigan ko dahil sa lalaking mahal niya. Kaya ganun wala akong kaibigan ngayon. Meron ka na bang kaibigan dito sa campus.?" Tanong niya.

"Uhm. Wala pa maliban lang kay Jiro Osena." Bigla naman siyang namula. Napano siya.?

"Ahm Hershey okay ka lang? Bat ka namumula?!" Pag papanic ko.

"Ahehe wala to'." Sabi niya at ngumiti siya saken.

"Crush mo ba si Jiro.?" Tanong ko.

"Ah-eh."

"Ih?"

"O-oo eh. Kaso wag kang maingay ah." Sabi ko na eh.

"Ayiii. Tara ilakad kita sa kanya."

"Wag na. Nakakahiya. Tsaka di pa ako ready umamin. Tsaka secret lang natin to ah."

"Okay." Sabi ko at nginitian ko siya ganun din siya saken.

Dumiretso na kami sa canteen at nag order.

"Isa nga pong sundae at spag." Sabi ko sa kahera.

"Yun lang po ba?"

"Opo." Ibinigay niya na din sa akin ang order ko.

Sumunod na ako kay hershey sa table. Kase nauna na siyang nG order sa akin. Umupo na ako sa harap niya. Kasabay nun ang sigawan ng mga studyante dito. Tinignan ko naman si hershey at sinundan ang tingin niya kung saan siya nakatingin. Kay Jiro.

"Huyyy matunaw yan." Gulat ko sa kanya.

"Ang gagwapo nila no?" Sabi niya. Alam ko naman yung lima yung tinutukoy niya.

My Boyfriend Is My ENEMY  [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon